top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 28, 2022



Blind item:


May kasabihan na kapag mahal mo, kahit ano pa siya, tanggap mo.


So, klaro na sa amin ngayon na hindi talaga totoong mahal o minahal ng guwapong aktor ang byuti pero medyo chubby niyang girlfriend na sikat na aktres.


Nakarating sa amin ang kuwento na nu’ng magkarelasyon pa ang dalawa at nagsasama sa iisang bubong (yes, nag-live-in sila, never lang umamin), araw-araw daw tinitimbang ng aktor ang GF na aktres at pilit na pinagdidiyeta.


Kapag tinimbang ng aktor ang GF at hindi pumasa sa kanyang desired weight, ang linya niya rito, “You’re fat!”


Ouch, devah? Be a gentleman naman sana… kahit konti lang, charot!


Tsika pa ng aming source, ang weakness daw kasi talaga ng aktor ay ‘yung mga skinny type.


No wonder na natukso siya sa ipinalit niya sa kanyang girlfriend, pero sana lang ay tumagal sila ng young actress na ang nipis ng katawan.


Kaya for sure, magiging weight and body conscious ang young actress na GF ngayon ng guwapong aktor or else, tiyak na iiwanan din siya ng kanyang BF.


 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 27, 2022



Blind item:


Napa-"Woooow!" at "Sana all" na lang kami sa kuwento ng aming source tungkol sa sikat na aktres na hindi naman kilalang mahilig sa material na bagay, lalo na sa mga branded stuff, pero hello… may kabonggahan din palang taglay, ha?!


Nakarating sa amin ang kuwento na minsang mag-shopping ang aktres at pumunta sa isang boutique ng mga branded bags at alahas, aba, in cold cash, binayaran daw nito nang tumataginting na P14 milyon ang nagustuhang Louis Vuitton bag at iba pang alahas!


Ooooh, devah, mayaman si Mama!!!


Nawindang siguro 'yung cashier ng boutique dahil hindi na idinaan ng aktres sa tseke ang kanyang bayad, ora mismo, paysung na siya!


Well, sa laki naman siguro ng kinikita ng aktres dahil kahit pandemic at nasa bahay lang ay may show siya, eh, can afford na talaga siya.



 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 22, 2022



Blind item:


Totoong-totoo nga na ang lahat sa mundo ay may katapusan. Hindi sa lahat ng panahon ay hawak ng tao ang tagumpay. Umiikot ang mundo at lahat ay nagbabago.


Marami ang nagtatanong ngayon kung kumusta na kaya ang buhay ng isang female celebrity na sumikat dahil naging box office hit ang kanyang mga pelikula.


Dahil du'n, bigla itong nagbago at umakyat sa ulo ang kanyang tagumpay. Nag-feeling big star siyang bigla at maangas nang kumilos at magsalita.


Nagkaroon ang female celebrity ng ilang shows sa kanyang network, kaya inakala niyang super-sikat na siya. Daig pa niya ang ibang big stars kung makapag-demand. Hindi rin siya marunong makisama sa production staff ng kanyang show, kaya kinaiinisan siya at inaayawang makatrabaho ng lahat.


Hanggang sa dumating na nga ang panahon ng malaking pagbabago. Nawala na sa ere ang kanyang mga shows. Wala na ring offer na pelikula dahil sa COVID pandemic. Kaya, biglang naputol ang pakpak ng female celebrity na matayog ang lipad.


Ngayon ay biglang tumahimik ang mundo ng female celebrity. Wala ring balita kung bibigyan siyang muli ng show ng kanyang network. Hindi na kasi siya uso ngayon at wala siyang PR sa kanyang mga nakatrabaho sa network. Tuluyan nang nawala ang korona ng female celebrity na dating nagrereyna-reynahan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page