top of page
Search

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | April 6, 2022


BLIND ITEM:


Dismayado ang isang nakasama sa Bahay ni Kuya ng ex-PBB housemate na ito na nu'ng una lang daw mabait pero nu'ng medyo magkapangalan na at nagkaroon ng mga TV shows ay lumaki na rin ang ulo at pera-pera na ang labanan, nakalimutan na ang kahalagahan ng pakikisama at pakikipagkaibigan.


Ayaw sanang sumama ng loob ng female housemate sa nakasama niyang male housemate sa Bahay ni Kuya, pero nasaktan lang daw siya nang minsang yayain niya sa fiesta nila sa kanilang hometown ang male housemate para magpasaya sa kanilang mga kababayan, aba't hiningan daw siya ng P20 thou bilang talent fee!


Kung tutuusin, dahil mismong mga kababayan naman nila ang pasasayahin ng male housemate, parang pagbabalik na lang niya ito ng utang na loob sa suportang ibinigay sa kanya habang nandu'n siya sa loob ng PBB house.


But sad to say, ayun na nga, parang taxi na de-metro na ang singil ng male housemate at nakalimutan na ang word na 'pakikisama'.


Hayst!

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 26, 2022



BLIND ITEM:


Marami ang labis na nanghihinayang sa malaking oportunidad na pinalampas ng isang maganda, sexy at flawless na sexy star.


Halos naabot na kasi niya ang peak ng success ng kanyang career dahil marami siyang offer na trabaho. Naging endorser pa siya ng mga produkto at nakagawa na rin ng mga pelikula.


Ang dami ring DOMs na nabighani sa kanyang kagandahan. Na-link pa nga siya sa ilang pulitiko. At marami siyang suitors na naghihintay lang na sila ay pansinin.


May mga offer ding mag-pose siya nang sexy sa ilang magazines, pero tinanggihan ng magandang sexy actress. Ayaw daw niya na magkaroon ng sexy image sa publiko.


Pangarap kasi niya na makilala bilang magaling na aktres tulad ng kanyang idolong si Jaclyn Jose. Tanggap niya if sexy siya at pinagpapantasyahan ng kalalakihan. Pero, ayaw niyang matatakan bilang isang bold star.


Kaya, todo-tanggi siya sa mga offer na projects sa kanya. Gusto niyang makilala bilang wholesome at tunay na aktres.


Natengga ang kanyang career sa kahihintay ng mga wholesome na projects. Kaya, hindi nakapagtataka na agad siyang pinagsawaan ng mga kalalakihan na dati niyang fans.


Nabaling ang atensiyon ng mga barako sa isang bagong sexy star na walang kiyeme at walang pakialam kung tawagin siyang sexy star. Napakalakas ng karisma nito sa kalalakihan.


Ngayon, muling nagbabalik ang sexy at magandang aktres upang angkinin ang kanyang trono.



Nais ko, este nais lang naman natin, magpakatotoo siya…

YOUNG ACTOR NA ANAK NG AKTOR-PULITIKO, NAKABUNTIS, CAREER TAGILID

ni Nitz Miralles - @Bida | March 26, 2022


BLIND ITEM:


Maagang magkaka-apo ang isang actor-politician. Ito ay kung totoong nakabuntis ang isa sa mga anak niyang nasa showbiz.


Ilang blind items na ang nabasa namin at kahit hindi binanggit ang pangalan ng young actor, mahuhulaan ng updated sa tsika sa showbiz kung sino ang young actor na ito.


Ang sabi, sa right time, aaminin ng young actor ang blind item sa kanya dahil kilala siyang nagsasabi nang totoo at isa sa mga rason kung bakit gusto siya ng press ay dahil sa pagiging totoo niya. Masarap interbyuhin ang young actor dahil alam ng reporter na totoo ang mga isinasagot.


Nanghihinayang lang kami dahil ang ganda ng pasok ng young actor, may impact agad dahil na rin sa kanyang ama.


Saka, ang ganda ng pagbi-build-up sa kanya ng network, binigyan siya ng malakas na kapareha at isinama sila sa top rating series.


‘Yun lang, hindi magtatagal ang love team ng young actor sa kapareha niya dahil magiging ama na nga raw ito.


Ang daming chances sa showbiz na sasayangin ng young actor dahil sa maagang pagiging ama. On the other hand, blessing ang baby at bilib kami kung pangangatawanan ng young actor ang girlfriend at ang magiging baby nila.

 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 28, 2022



Blind item:


May kasabihan na kapag mahal mo, kahit ano pa siya, tanggap mo.


So, klaro na sa amin ngayon na hindi talaga totoong mahal o minahal ng guwapong aktor ang byuti pero medyo chubby niyang girlfriend na sikat na aktres.


Nakarating sa amin ang kuwento na nu’ng magkarelasyon pa ang dalawa at nagsasama sa iisang bubong (yes, nag-live-in sila, never lang umamin), araw-araw daw tinitimbang ng aktor ang GF na aktres at pilit na pinagdidiyeta.


Kapag tinimbang ng aktor ang GF at hindi pumasa sa kanyang desired weight, ang linya niya rito, “You’re fat!”


Ouch, devah? Be a gentleman naman sana… kahit konti lang, charot!


Tsika pa ng aming source, ang weakness daw kasi talaga ng aktor ay ‘yung mga skinny type.


No wonder na natukso siya sa ipinalit niya sa kanyang girlfriend, pero sana lang ay tumagal sila ng young actress na ang nipis ng katawan.


Kaya for sure, magiging weight and body conscious ang young actress na GF ngayon ng guwapong aktor or else, tiyak na iiwanan din siya ng kanyang BF.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page