top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 7, 2022


Blind item:


Kilalang-kilala na sa apat na sulok ng showbiz ang kartada ng isang hunk actor na may playboy image at papalit-palit ng karelasyon.


Ilang female stars na ang nabiktima ng kanyang pekeng pagmamahal. Mahusay siyang magpa-cute sa kababaihan kaya marami siyang napapaibig. Isa na rito ang maganda at sikat na aktres na paboritong leading lady ng mga sikat na aktor.


Tutol na tutol ang pamilya ng sikat na aktres sa hunk actor. Nakikita kasi nilang maghapon lang na natutulog-nakahiga ang hunk actor kapag wala siyang project.


Kain-tulog lang ang kanyang ginagawa. Ni hindi ito kinakitaan ng pagsisikap sa buhay.


Guwapo lang siya, pero walang ambisyon. Kaya ganu'n na lang ang pasasalamat ng pamilya ng sikat na aktres nang makipag-break ito sa batugang hunk actor.


Ngayon ay isang baguhang aktres ang sinasabing bagong karelasyon ng hunk actor.


Pero, tiyak na mahihirapan siyang lumusot at makaporma sa pamilya ng girl.


Ang nanay ng baguhang aktres ay kilalang palaban. Hindi ito basta papayag na lokohin at gagamitin-paaasahin lang ng hunk actor ang kanyang pretty daughter.


At maging ang padir ng baguhang aktres ay astig at maraming koneksiyon. Maging ang mga kaibigan ng baguhang aktres ay kontra sa hunk actor dahil bistado na nila ang diskarte nito.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 23, 2022



BLIND ITEM:


Sobrang given ang clue ng blind item ni Romel Chika sa programang Cristy Ferminute na napakinggan namin sa Radyo5 92.3 NewsFM kahapon kasama ang executive producer ng show na si Von Belinario habang nakabakasyon pa si Nanay Cristy Fermin.


Tungkol ito sa kilalang TV personality na isinara ang malaking negosyo dahil apektado sa panahon ng pandemya at ngayong bumabalik na sa normal ang lahat ay naisipan niyang muling buksan ang isinarang business.


Pero hindi na ito pupuwede sa dating puwesto dahil may iba nang nakatayo roon kaya naghanap ang TV personality ng iba at nakakita siya sa isang lugar na sobrang ganda at talagang madadaanan ng lahat bukod pa sa prime lot ito sa Quezon City.


Habang kausap ng TV personality ang nangangasiwa ng lugar ay umiikot na ang tingin niya sa kabuuan ng puwesto at naisip na niya kung saan ilalagay ang mga bagay-bagay na para sa pagbabalik ng kanyang negosyo.


Nang sabihin na ng nangangasiwa kung magkano ang upa ay naloka ang TV personality dahil sobrang mahal daw considering na matagal na itong bakante.


Nasambit ng TV personality sa nangangasiwa na sana raw ay babaan dahil wala namang uupa sa mataas na presyo at matetengga lang ito.


Masunurin naman ang nangangasiwa kaya tinawagan ang may-ari ng lugar na kilalang-kilala sa buong industriya dahil ‘Mother’ siya ng lahat.


At ang sagot ni ‘Mother’ ay “Hindi ko kailangan ang pera niya, okay lang na walang umupa.”


Hayun, natigalgal ang TV personality sa sagot sa kanya.


Humingi ng additional clue si Von kay Romel na lukang-luka na kasi nadulas siya sa clue kung sino ang may-ari ng lugar kaya sabi na lang niya sa co-host niya, hindi na siya magbabanggit pa.


Naaliw din kami kay Von dahil lahat ng clue na sinabi niya ay naglalarawan sa TV personality na nakikita araw-araw sa isang programa at may nabanggit siyang something na malaki ang significance sa mukha ng personalidad na ginagamit niya ring joke.


Panay na lang ang tango ni Romel at hindi na makapagsalita pa.


Tawang-tawa kami kay Romel dahil ang alam namin ay regular siya sa negosyo ng TV personality, paano kaya 'pag nalamang laman ito ng blind item?


Getz mo na, Ateng Janiz, kung sino? Baka tanungin mo na naman ako, ha? (Yes! Nabulaga ka rin ba sa mga ganap? Char! — JDN)


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 20, 2022


Blind item:


Marami ang dismayado ngayon sa aktres na biglang nagkaere at astang big star dahil sumikat lang noon sa isang serye na ang role niya ay kabit o mistress.


Buong-akala niya ay sikat na sikat na siya at pag-aagawan ng mga networks. Bigla siyang nagkaroon ng attitude at akala ay wala nang katapusan ang tinatamo niyang kasikatan.


Kaya, nagawa niyang talikuran ang network na unang nagbigay sa kanya ng project at inalagaan ang kanyang career.


Maraming viewers ang nainis sa maangas na aktres na naghangad na sumikat nang husto nang pumakabilang-bakod sa ibang network. Pero, 'yun ang pinakamalaki niyang pagkakamali.


Hindi nagmarka sa mga viewers ang kanyang mga roles sa mga projects na ibinigay ng bago niyang network. Unti-unting nawalan ng ningning ang kanyang career. Tuluyan na siyang nawalan ng projects at hindi na napanood sa telebisyon. Hindi na rin interesado sa kanya ang publiko.


Ngayon ay balitang babalik ang walang utang na loob na aktres sa tinalikurang network.


No choice siya kundi kapalan ang kanyang mukha para lang mabigyan ng project.


Pero, dahil may asawa't anak na ang aktres, hindi na pang-bida ang ibibigay na role sa kanya.


Nawalan na rin siya ng karisma at appeal sa mga kalalakihan. Kinabog na siya ng mga mas bata at mas sexy na mga baguhang aktres. Tapos na ang panahon ng kanyang pagrereyna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page