top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | April 13, 2024


BLIND ITEM:


Ay, nakakaloka naman ang pa-blind item na naibahagi sa amin just recently lang.


Gaano kaya katotoo ang tsismis na naikuwento umano ng isang kilalang male singer-actor sa isang umpukang tsikahan ng mga kapwa niya performers sa isang concert kamakailan na sinusunod lang o sumasakay lang siya sa "trip" ng isang young actress na akala ng lahat ay jowa niya?


Diumano'y trip ngang ipamalita ni young actress na wala nga silang naging relasyon o never naman talagang naging sila ni singer-actor, except for being very close friends.


Meron daw kasing trip ang batang aktres na kapag may natitipuhang ibang cute na guy, nagda-drama itong single o 'di kaya naman ay sobrang magpapa-close sa aktor-singer, either to test kung mapapansin siya o dededmahin ng napagtitripang other guy.


Eh, mukhang seryoso pa naman daw si singer-actor na i-pursue ang anumang "deeper closeness" nila ni young actress, pero madalas nga raw na nag-iisip-"bata" ang huli.


At nito ngang may mga nauugnay na kapwa young actresses kay singer-actor, panay naman ang pa-emote ni young actress sa socmed na feeling nagseselos o may right siya sa singer-actor bilang ka-tandem, love team o jowa?


Napagkakamalan tuloy na 'natural na topakin" o 'di kaya'y malaki raw ang mali sa immature nitong emotions.



 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 18, 2024


Blind item:


Kaya naman pala hirap i-push ang singer/actress sa kanyang karera dahil walang PR sa media at sa iba pang co-workers nito.


Sa tuwing ipapakilala kasi ang singer/actress ay ngingiti lang at hindi man lang nag-e-effort na tumayo at makipagkamay. Tila ang bigat ng balakang niyang tumayo.


Ilang beses na rin siyang sinabihan ng handler niyang si ganito, si ganyan ‘yan, pero dedma ang singer/actress at lumilingon lang. 


Para siguro sa kanya ay sapat nang ngumiti siya. 


May nakausap kaming director na nakatrabaho na ng singer/actress at sabi ay mahiyain daw kasi siya kaya siguro bihirang ngumiti at bumati.


Ang nakakataka ay okay naman ang social media niya dahil milyones ang followers pero bakit hindi malakas ang movies at TV shows niya?


“Wala naman kasi siyang dating, mahina ang appeal, hindi na siya sikat, ‘no?  Buti nga nasama pa siya sa movie ng sikat na aktor kaya kahit paano, umingay ang name niya,” say naman ng mataray na broadsheet editor.

 




 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka nga | March 16, 2024


Blind item:


Sa wakas, natauhan na rin ang isang magaling na veteran singer na ilang taon na nagtiis at nagpaka-martyr sa piling ng user niyang karelasyon. 


Maraming tinatanggap na shows ang veteran singer na nagdaraan sa boyfrirend niyang singer na tumatayo niyang manager. At kahit na mataas ang kanyang talent fee ay kinukuha siya dahil sulit sa kanyang performance. 


Pero, sa kabila ng kanyang maraming shows ay wala pala siyang nahahawakan sa kanyang kinikita at napupunta lang ang bayad sa kanyang karelasyon. 


Kaya, hindi man lang nakapagpundar ng sariling bahay ang veteran singer na ilang dekada nang kumakanta at mabenta sa mga shows. 


Totoo na may hangganan din ang lahat. Isang araw ay nagising sa katotohanan ang veteran singer at humiwalay na sa karelasyong user. Tinapos na niya ang kanyang pagpapaka-martyr.


Ayaw na niyang mabuhay sa mapait na mundo ng dating karelasyon. Natuto na siyang pahalagahan ang kanyang sarili. 


Kaya masaya ang mga kaibigan at fans ng veteran singer, dahil nakawala na siya sa walang kuwentang boyfriend na kumita nang malaki  dahil sa pagiging user.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page