top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 14, 2023



BLIND ITEM:


Kulang sa pansin talaga ang kilalang aktor dahil gustung-gusto niyang lagi siyang pinupuri sa pinakamaliit na bagay na ginagawa niya, na pati ang partner niya sa buhay ay kakumpitensiya niya.


Napapakunot nga ng noo ang mga kaibigan ng partner niya in life dahil bakit daw may ganu’ng ugali ang aktor na kapag pinupuri ang ibang kasama niya sa work ay sumisimangot siya at gagawa ng bagay na kailangan niyang malampasan ‘yun para siya mapansin.


“Lolo mo, halatang-halatang insecure! 'Di na nagbago!” kaswal na sabi ng kaibigan ng partner in life ng kilalang aktor.


Dagdag pa, “Ano ba'ng gusto niyang gawin sa buhay? Ano ba ang gusto niyang patunayan sa sarili niya? Sino ba ang influencers niya? Sino ba ang niyayabangan niya?”


Hindi na kami nakahirit pa sa kausap naming kaibigan ng partner in life ng kilalang aktor dahil wala rin kaming masabi kung ano ba talaga ang gusto nitong mangyari. Baka naman gustong pasukin ang pulitika? Kasi ito na lang ang hindi niya napapasok.


 
 

ni Ambet Nabus - @Let's See | January 13, 2022



BLIND ITEM:


"Naubos din," ang tsika ng isang stand-up comedian na umano'y kumontra sa estilo ng isang kilalang TV host-actor na "planado" pala ang mga "paid screenings" na ginawa para sa kanyang movie.


Ang tinutukoy nga, Ateng, ay ang diumano'y pagpapakalat ng mga alipores ni kilalang TV host-actor sa buong bansa (take note, ha!) na in fairness ay may mga organized groups na anytime ay handang sumugod sa mga sinehan.


Ang siste, pang-three days lang pala ang budget (yes, sa kanya pala galing ang bulto ng datung na pambayad sa mga paid screenings) ni host-actor na umasang "tatayo" ang movie niya dahil sa pag-iingay nito at pagpapakita sa socmed ng pagdagsa ng mga tao para panoorin ito.


Wala na raw kasing kumpiyansa sa traditional media si host-actor kaya mas ginusto nitong sa socmed paingayin ang kanyang movie.


Ang ending, mukhang lugi pa raw si actor-host sa estilo niyang noon pa pala niya ginagawa, ayon nga sa isang stand-up comedian na aktibo rin sa TV at movies.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | December 17, 2022



BLIND ITEM:


Mukhang may hindi pagkakaunawaan ang dalawang bida ng pelikulang kasama ngayong Metro Manila Film Festival 2022 dahil hindi sila nagkikita nang mata sa mata.


Naibahagi ng aming source ang tsikang naiirita si Bida A kay Bida B dahil hindi raw tumutulong sa promo ng pelikula nila kaya nga raw nabanggit nitong nagagalit siya.


Kuwento pa na during the shoot ng pelikula ay may pa-diva attitude na si Bida B kaya mega-adjust ang production sa kanya, na pati schedule ay hindi nito sinusunod dahil maraming alibi.


Maging ang direktor na kilalang masungit kapag shooting ay naloloka sa pa-diva attitude ni Bida B.


Naalala tuloy namin ang reklamo rin ng ilang co-actors ni Bida B sa seryeng ginawa nila. Pero dahil bida nga kaya tahimik na lang sila.


Anyway, nakikinita na namin na kapag sumabog si Bida A ay malamang magigising si Bida B sa kanyang ilusyon dahil unang-una, hindi naman sila level ng co-actor niya sa pelikula para mag-attitude siya.


Magbibilang lang kami ng ilang araw at sure na magsasalita na si Bida A sa karanasan niya kay Bida B na first time niyang nakasama sa project.


Good luck sa movie nina Bida A at B dahil walang ingay ang pelikula nila at hindi rin ito pinag-uusapan ng press.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page