top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Ambet Nabus - @Let's See | March 26, 2023



BLIND ITEM:


Naku, Mareng Ateng Janiz, though matagal na naming naririnig ang tsismis na ito, may kung anong excitement pa rin kaming napi-feel dito.


Sa ganda, sexy at husay kasi ng aktres na puwedeng bida at kontrabida, kikiligin ka sa tsikang talbog pa ang mga lalaki kung manuyo ito sa gusto nitong maging “special friend.”


Nagbibigay umano ito ng flowers, chocolates, at mga kakaibang online products na delivered sa kung nasaan mang location ang ngayo’y close friend niyang dati niyang katrabahong byuting aktres.


Ipinasusundo pa raw ito sa personal driver at madalas, kapag may mga “gurlie o girlie” bonding moments sila, ang sexy at magandang bida-kontrabidang aktres ay may naka-ready nang “song or poem lyrics” na binibigkas niya sa ka-bonding na special friend.


Oh, yes, pareho silang “female” ang gender identities, pero ang mga kilos at galawang “Adam at Eve” ay alam na this, 'ika nga ng tsismis.


Basta sa kanilang last project na ginawa ay bida vs. kontrabida ang mga roles nila at pinagpantasyahan ng mga lalaki ang mga kaseksihan at ganda nila.


Oh, mga ka-Bulgar, ah, nandiyan na lahat ng mga clues. Bahala na kayong mag-isip kung sino siya! Hehe!


 
 

ni Ambet Nabus - @Let's See | March 15, 2023



BLIND ITEM:


Uso rin sa mga taga-showbiz ang dumayo sa mga lugar para mag-basketball.


Personal namin itong na-experience noon with the likes of Kuya Ipe Salvador, Jay Manalo, at mga kasabayan nila na totoo namang malakas humatak ng mga tao lalo na kapag may mga fiesta o summer liga.


Sa present time, grupo na nina Joseph Marco, Gerald Anderson, JC de Vera, Jason Abalos, at marami pang iba ang kumakarir na rin ng paglalaro ng basketball.


Sa mga imbitasyon from here to abroad ay nagagawa ngang maisingit ng mga hunks and male celebs na ito ang pagdayo sa mga lugar mag-basketball lang.


Nakakapasyal na nga, nag-e-enjoy pa plus may naisusubi pang budget.


Isama na natin ang latest hunk na sumasali rin sa mga kagayang grupo ng mga celebs na diumano’y nakabingwit ng isang single female politician.


Ang siste, hindi ito dahil sa husay niyang mag-shoot o mag-dribble ng bola. Ito’y dahil sa mabongga niyang paggiling at kembot sa saliw ng “Ting Tang Tang” dance craze, hahaha!


Ang tsika nga ng mga Marites, sa ganu’n niya nabighani ang lady politician na nasa age group nga nina Gerald, JC, Joseph et al, hahaha!


Wa’ na clue dahil iisa-isahin na naman ninyo ang mga hunk players na very active ngayon sa basketball more than their showbiz careers!



 
 

ni Ambet Nabus - @Let's See | March 13, 2023



BLIND ITEM:


Kaiba rin ang mala-Imeldific aura ng isang sexy actress.


Aba, 'pag pumupunta pala ito sa isang bonggang clinic para sa kanyang beauty regimen ay mistulang may super VIP na paparada.


Bongga at mamahalin ang sasakyang naghahatid dito, with matching alalay na inaasistehan at pinapayungan pa siya.


Minsan nga, meron pang parang advance party du'n sa clinic na animo raw ay binabantayang reyna, haha!


At ang catch ng tsika, mas bongga ang sumusundo ritong sasakyan at grupo ng alalay.


Hindi lang daw isa kundi tatlong sasakyan ang sumusundo rito dahil need pala nitong maglipat-kotse sa kung ano'ng security reason.


Hmmm… Sino kaya ang bonggang “sponsor” ng sexy actress na ito na hindi naman sobrang dami ang projects at 'di rin sobrang mahal ang TF?


Makapagsimba na nga lang sa bongga at malaking church diyan sa tapat ng BULGAR Office, hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page