top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | April 21, 2023




BLIND ITEM:

Ay, how true kaya ang tsikang ipinagpalit o mas pinili diumano ni hunk actor ang isang construction magnate na gay over his long-time GF?


Ayon sa nasagap namin, matapang na tinanggap ni hunk actor ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang non-showbiz GF via social media.


Ang deal pala kasi ni gay construction magnate, dapat nitong gawing public ang breakup kung type ni hunk actor na pamahalaan ang ilang investments niya, kasama ang mga paupahang townhouses at apartment buildings.


May mga nagtatanong nga lang kung hindi raw kaya nagoyo ni hunk actor si construction magnate, dahil baka raw scripted o palabas at pakulo lang sa socmed ang ginawa ng magdyowa para sure na maibigay kay hunk actor ang pamamahala kuno ng nasabing business investments?


How true na may reputasyon daw kasi si hunk actor na "user-friendly" kahit sa mga love and sex affairs nito?


Kaya pala living in vain ito, kahit wala namang mga TV o movie projects.


Aguy!!!

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 1, 2023



BLIND ITEM:


True kaya na may pinagdaraanang personal ang mahusay na aktor kaya hindi pa niya sinisimulan ang shooting ng TV series na matagal nang nakabinbin?


Ayon sa mga taga-production, ang mahusay na aktor na lang ang hinihintay ng lahat at dahil sa sobrang tagal nitong umoo kung kailan ba talaga siya magsisimula ay tumanggap muna ng iba’t ibang raket ang ilang artistang kasama sa series na ito, pati ang mga taga-production, dahil kailangan nilang magbigay sa kani-kanilang pamilya.


Sitsit pa ng aming paru-parong kaibigan ay, "Hindi naman nagsasabi kung ano'ng dahilan.


Sabi lang niya, gusto muna niyang magpahinga at pag-isipan ang gagawin niya sa karakter niya. Eh, ilang buwan na, last year pa ‘to? Feeling namin, (may kinalaman) sa personal niyang buhay kasi ngayon, kapag nakita mo siya, ang laki ng itinanda. Biglang tanda ang hitsura kung ikukumpara mo sa mga kasabayan niyang aktor noong panahon niya."


Kung anuman ang problema ngayon ng mahusay na aktor ay sana, maayos na para bumalik na sa dati ang aura niyang masayahin at makulit.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | April 1, 2023



BLIND ITEM:


Ay! Bongga itong isang young actor na nagbibida na sa mga soaps.


Nang minsan pala itong ma-invite to judge and serenade sa isang malaking city beauty pageant, eh, na-serenade rin umano nito ang isang kilalang “shoe provider.”


Magkatabi raw sa judges’ panel sina young actor at kilalang shoe provider.


Marahil ay naaliw sa kanilang tsikahan ang dalawa kaya’t nauwi sa invite ni shoe provider na mag-tea sila after ng event.


Basta ang sey ng source namin, sumama si young actor sa room ni shoe provider at du'n yata itinuloy ang “tea session” nila.


Abangan na lang daw natin soon kung irarampa ni young actor ang mga customized shoes na tatak na ginagawa ni shoe provider sa mga kilalang celebrities, here and abroad.


And yes, male po pala ang identity ni shoe provider at si young actor ay male rin. Nakikiuso kumbaga sa mga letrang LGBTQ+1. Hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page