top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 29, 2023



Blind item:


Tiyak na ikagugulat ng mga accla (read: gays) sa showbiz kapag nalaman nila ang itinatagong dark secret ng respetadong female celebrity.


Wala sa image ng female celeb na makakagawa siya ng "milagro" at makikipagrelasyon sa isang guwapong aktor ganu'ng committed na siya at may papa na isang rich businessman.


Mala-Maria Clara kasi ang imahe ng naturang female celeb sa publiko kaya't inirerespeto siya ng lahat.


Naging patago at lihim na lihim ang relasyon nila ng guwapong aktor. Nang minsang nagkatampuhan ang aktor at ang kanyang misis, mabilis na sumalisi ang female celeb sa bahay ng aktor.


Ang siste, biglang dumating ang misis ng guwapong aktor kaya ganu'n na lamang ang taranta nito.

Inutusan niyang magtago sa isang cabinet ang female celeb.


Kahit na anong pagpupumilit pa ng kanyang misis na pumasok sa kanilang bahay ay hindi niya ito pinatuloy upang hindi mabisto kung sino ang babaeng itinatago niya.


Matagal na pinagtsismisan sa showbiz ang nasabing insidente at ang nagkalat pa nga ng kuwento ay ang mga taong malalapit sa guwapong aktor.


Anyway, aktibo pa rin naman sa showbiz ang respetadong female celeb. Pero, ang nakakatawa ay wala pa rin siyang kaalam-alam na kalat na kalat na ang kanyang milagrong ginawa sa bahay ng guwapong aktor.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 28, 2023



Blind item:


Hindi namin mapaniwalaan ang kuwento at bulong-bulungan tungkol sa isang may-edad nang dating sexy actress. Naging beauty queen din siya bago nag-artista. Rich ang kanyang mga nakarelasyong businessmen, pulitiko at military man.


Marami siyang nagawang pelikula noong kanyang kasikatan at jetsetter din siya at panay ang shopping abroad. Na-enjoy niya nang husto ang buhay-showbiz.


Pero, dumating ang era ng mga bagong artista. Nagsulputan ang mga mas bata at mas magagandang artista. Bihira na siyang kunin sa mga serye at pelikula kaya medyo na-insecure ang may-edad nang sexy actress kapag wala siyang TV show at hindi na napapanood ng kanyang mga amiga at mga fans.


Dahil dito, gumawa ng paraan ang sexy actress para muli siyang mapansin ng mga televiewers.


Kinaibigan niya ang mga production staff ng serye lalo na ang in-charge sa casting ng show. Kung anu-anong regalo ang ibinibigay ng sexy actress sa staff ng show maisama lang siya sa serye. Hindi problema sa kanya ang talent fee dahil rich naman siya.


Ganunpaman, hindi umubra ang style at diskarte ng dating sexy actress. Inaayawan din siyang isama sa cast dahil may attitude raw ito. Maraming artista ang ayaw siyang makatrabaho.


Kung tutuusin, marunong namang umarte ang dating sexy actress. Okey sa kanya kahit na kontrabida ang ibigay sa kanya. Maganda pa rin siya at may korte pa ang katawan.


Ang kakaibang ugali at attitude lang niya ang dahilan kaya wala siyang projects ngayon.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 27, 2023



Blind item:


Maganda at sosyal ang isang not-so-young actress. Maraming aktor ang nanligaw at nabaliw sa kanyang kagandahan.


May class ito kung pumorma. Kaya naman pala siya ang palaging kinukuhang cover girl noon sa mga magazines.


Pero, tinamaan siya sa isang guwapo at simpatikong aktor. Nauwi nga sa kasalan ang kanilang relasyon. Mas pinili siya ng aktor at iniwan pa nga nito ang dating nobya na isa ring aktres.


Well, may sikretong natuklasan ang mga taong malapit sa magandang aktres. Na-shocked ang mga ito nang malaman na burara pala siya sa kanyang mga personal na gamit.


Kung gaano kasinop at ka-organized sa mga gamit ang kanyang mister na aktor, kabaligtaran naman ito ng sosyal na aktres.


Kapag nagbibiyahe abroad, naloloka ang mga kasama niya sa tuwing nakikita ang kanyang mga bitbit na maleta dahil mistulang hinalukay ng manok at dinaanan ng bagyo ang mga gamit ng aktres.


Kaya naman, marami ang nagulat at nadismaya nang malaman ang itinatagong sikreto ng sosyal at magandang aktres.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page