top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | June 18, 2023


Blind item:


Hmmm, how true na pera rin ang rason kung bakit umano tinanggihan ng isang sexy beauty queen-newcomer ang offer na magpapakilala sana sa kanya as a serious actress?


Mabilis pa raw sa alas-kuwatrong nag-NO ang isang sexy beauty queen-newcomer sa isang independent produ na plano sana siyang gawing bida.


'Yun nga lang, may catch na low TF pero guaranteed umano ang award-winning script, director at iba pa.


Lumalabas na si beauty queen-newcomer sa mga streamline platform na madalas ay “super sexy” ang tema ng istorya.


Mas gusto nga nitong sa ganitong platform siya makilala dahil bukod daw sa milyun-milyon nitong viewers ay malaki rin ang natatanggap nitong TF at may opportunities na kunin siya bilang guest o model sa mga shows, fiesta at live shows with guaranteed huge TF.


Kaya medyo disappointed daw ang award-winning production group na handa sana siyang sugalan to become a serious actress!



 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 31, 2023


Blind item:


Hinding-hindi makakalimutan ng isang veteran English writer ang naging experience niya nang mag-set siya ng interview noon sa isang sikat at guwapong aktor.


Sa bahay ng aktor siya pinapunta ng tatay nito na tumatayo rin bilang manager ng anak. Ang inakala ng veteran English writer ay sosyal at napakaganda ng bahay ng sikat na aktor dahil 'old rich' ang kanilang pamilya.


Pero, laking gulat at nadismaya ang veteran writer nang makita ang hitsura ng bahay ng aktor, malaki nga, pero lumang-luma na.


At noong pumasok na siya sa loob ng bahay ay napakagulo nito at walang kaayus-ayos. May kakaiba ring amoy dahil mukhang matagal na itong hindi nililinisan.


Nasilip din daw ng veteran writer ang kuwarto ng aktor na animo bodega sa mga nagkalat na gamit at damit.


Ayon sa tsika ng ilang kakilala ng aktor, wala raw kasing hilig na mag-ayos ng bahay ang kanyang ina.


Pero, rich naman sila at can afford na kumuha ng kahit tatlong katulong na maglilinis ng kanilang bahay.


Pati raw sa pagluluto ay hindi maaasahan ang ina ng aktor, kaya puro delivery o kani-kanyang luto silang magkakapatid kung gusto nilang kumain.


Hindi ma-imagine ng veteran English writer na ang sikat at guwapong aktor na parang 'baby' na mabango at bagong paligo ay dugyot pala sa sariling bahay.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 30, 2023


Blind item:


Hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ng maraming entertainment press ang rivalry ng dalawang sikat at magandang aktres na parehong naugnay sa isang guwapong action star. Nauna sa buhay ng aktor si Aktres A na mabait, napaka-sweet and generous kaya marami siyang kakamping entertainment press. Pang-masa talaga siya at very approachable pa.


Si Aktres B naman ay maganda at sosyalin ang porma, pero may pagka-supladita kaya malayo ang loob sa kanya ng ilang entertainment people.


Pinagsasabong ng media ang dalawa dahil parehong sikat at sunud-sunod pa ang kanilang mga pelikula. Marami ang natutuwa sa dalawang aktres dahil naging magkaribal sila sa maraming bagay.


Nang tumira sa isang sosyal na condo si Aktres B, kumuha rin ng condo si Aktres A sa tabi nito.


Nang bumili naman ng Mercedes-Benz si Aktres A, bumili rin ng kaparehong Mercedes-Benz si Aktres B.


At kapag nabalitaan ni Aktres A na namakyaw ng mga alahas si Aktres B sa kaibigan nilang alahera, todo-bili rin ito ng mga alahas at hindi siya nagpapatalo.


Sa tuwing nagpapatawag ng presscon sa kanyang mga media friends si Aktres A, tiyak na magpapatawag din ng presscon si Aktres B.


Alam din sa showbiz circle na type ni Aktres B ang guwapong mister ni Aktres A at nagawa pa nga niya itong agawin.


Well, tumagal naman ang pagsasama ni Aktres B at ng guwapong aktor habang si Aktres A ay na-in love sa isang super rich na veteran actor.


Parehong aktibo pa ngayon sa kani-kanyang showbiz career sina Aktres A at Aktres B. Wala nang rivalry sa pagitan nilang dalawa, pero hindi pa rin sila friends dahil sa kanilang nakaraang alitan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page