top of page
Search

ni Ka Ambo - @Bistado | August 7, 2022


AKTWAL nang pinaiikutan ng mga jet fighters at warships ng China ang Taiwan.


Walang nakatitiyak kung ano ang susunod na magaganap.


◘◘◘


KAPAG kasi nagkapikunan o nagkabiglaan, mauuwi sa Ukraine ang Taiwan at biglang sakmalin ng Mainland China o bombahin agad ng nuclear bomb.

Ibig bang sabihin ay bobombahin din ng US ang Mainland China kung sakaling sakupin ng Taipei.


Mahirap sagutin 'yan.


◘◘◘


KASI’Y kahit sa Ukraine na lantaran ang pagkampi ng US ay hindi naman nagawang bombahin ng Pentagon ang Moscow.


Meaning, hindi kinokompronta nang ngipin-sa-ngipin ng US ang Russia.


◘◘◘


GANYAN din kaya ang kahihinatnan ng Taiwan?

Mahabang digmaan kapag ganyan, pero kapag sinagpang ng Mainland China ang Taipei at agad ding binomba ng US ang Beijing, 'yan na ang simula ng ikatlong digmaan pandaigdig.

Makikisawsaw na riyan ang Russia at NATO.


Walang duda, madadamay ang Maynila.


◘◘◘


HALOS araw-araw nang umuulan.

Hihintayin pa ba natin ang malalakas na bayo ng bagyo?


Kailangang paghandaan ang kalamidad.


◘◘◘


WALA pa ring naglilinis ng mga kanal.

Kahit linisin ang mga kanal, hindi rin ito nakatutulong.


Kasi’y maliliit o mababaw ang kanal.


◘◘◘


ANG disenyo ng kanal o drainage system sa Pilipinas ay sa panahon pa ng Hapon.


Hindi na 'yan applicable sapagkat mistulang siyudad na ang lahat ng lugar.


◘◘◘


DAPAT may batas na nag-aatas ng sukat o lalim o dimensyon ng mga kanal.


Halimbawa, kapag gumawa ng national highway — awtomatikong ay dimension ay “dalawang metro ang lalim at dalawang metro ang lapad”.


◘◘◘


SA lahat ng provincial highway, dapat awtomatik ding ang lalim at kapal ay isang metro ang lapad pero dalawang metro ang lalim.


Sa mga municipal road, ang dimensyon ng mga kanal ay dapat isang metro ang lapad at isang metro ang lalim.


◘◘◘


SA mga barangay road, dapat awtomatikong may dalawang piye ang lapad at 2 piye ang lalim.


Ang tawag sa kalye ay horizontal structure at dapat may awtomatikong kanal sa magkabilang panig ng mga kalye.


◘◘◘


REGULAR ang maintenance ng mga kanal — at nakatoka ito sa barangay, municipal at provincial engineering department.


Siyempre, dapat may alokasyon sa maintenance buwan-buwan.


◘◘◘


DAPAT na ring ibalik ang “kaminero”, tulad sa sinaunang panahon na siyang magbabantay ng mga kanal.


Sa ngayon, ang badyet sa paglilinis ng kanal ay ninanakaw lang, tulad sa garapalang korupsiyon sa paghakot ng basura.

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | August 6, 2022


UMIINIT nang todo ang girian ng Taiwan at Mainland China.


Naka-full alert ang Taiwan Air Force at mga barko de-giyera dahil pumasok na sa kanilang air space ang mga jet fighter ng China.


◘◘◘


NAKAPALIBOT naman sa Taiwan strait ang limang barko de-giyera ng US.


Kinumpirma ng US na direktang sasaklolohan nila ang Taiwan kung sakaling salakayin ng Mainland China.


Walang duda, sakaling magkagulo, madadamay ang Pilipinas, lalo na ang Northern Luzon.


◘◘◘


KUMPIRMADO nang dumaranas ng recession o pagkabangkarote ang mga negosyo sa Europe, partikular sa Germany at Britain.


Hindi malinaw kung kailan matatapos ang aktwal na krisis na sanhi ng embargo kontra Russia.


◘◘◘


MARAMI nagdaang puta-putaking giyera, tulad sa pagkubkob ng US sa Afghanistan, Iraq at Libya pero hindi nagkakaroon ng krisis.


Pero, nang pasukin ng Russia ang Ukraine ay nagkaroon ng krisis.

Ito kay ay bunga ng embargo kontra Russia.


◘◘◘


MARAMI ang natutuwa sa mga itinalaga ni Pangulong Marcos, Jr. sa gobyerno.


Masasabi nating sinala ito nang todo at masinop na sinuri ng screening committee.


◘◘◘


MAY natanggap tayong ulat na maraming rekomendasyon at nominasyon ang natatanggap ng Palasyo pero, may mga ilang binasted.


Kabilang sa binasted ay ang rekomendasyon ng alyas Prudente.


◘◘◘


LUMABAS sa ilang ulat na nagpapakilalang power broker ang grupo ni Prudente, kung saan ay nagso-solicit sa panahon ng kampanya.


Pero dahil nabisto ang modus, binasted ng screening committee ang mga rekomendasyon dahil ang ilang mga personalidad dito ay mga dating opisyal ng gobyerno na nagkaroon ng mga kaso.


◘◘◘


DAHIL sa galit at pagkapurdoy, naglatag ng black propaganda ang grupo laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez.


Isang Chinese businessman kasi ang pumalag nang makapagbigay ng P50 milyon pero hindi naman siya nabigyan ng ipinangakong proyekto.


◘◘◘


IN fairness, wala tayong malinaw na impormasyon kung nakapag-entrega ba o hindi sa UniTeam ang nagpapakilalang “power broker”.


Isa ang malinaw, tinangka nito na makopo ang ilang "juicy positions" sa Bureau of Customs, BIR at LTO pero basted.

◘◘◘


SANA naman ay hindi nagsasagawa ng “below-the-belt” ang mga propagandistang hindi napapaboran ng mga desisyon ng Palasyo.


Mas mainam ay makipagtulungan sila sa bagong Administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr.


 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | August 5, 2022


DUMALAW na si US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.


Malaking gulo ini.


◘◘◘


NAGBANTA ng resbak ang Mainland China.


Hintayin natin kung tototohanin nila.


◘◘◘


KAPAG nagkagulo sa Taiwan strait, damay ang Babuyan Islands, Batanes at Ilocandia.


Kinumpirma na nasa bisinidad ng Philippine Sea ang US warships.


◘◘◘


NABABANGKAROTE na ang maraming negosyo sa Germany at Europe.


Biktima rin sila ng giyera ng Russia at Ukraine.


◘◘◘


MATINDI ang energy crisis sa Europe, posibleng marami ang mamatay dahil sa heatwave.


Walang magagamit na fuel para sa air conditioning units.


◘◘◘


BINUHAY ang mga coal plants dahil sa kakapusan ng natural gas at petrolyo mula Russia.


Imbento lang ng tao ang krisis, pero gumagrabe pa.


◘◘◘


MAAARING tumatakas na mula Europe ang mga bilyonaryo para maging turista sa Asya.


Isa ang Pilipinas sa mga paboritong destinasyon.


◘◘◘


SUPORTADO ng ilang sektor ang pagbabalik ng ROTC.


Babalik din kaya ang raket na “grade for sale”, tulad sa sinaunang “Yado”?


◘◘◘


SANA ay maiayos ang implementasyon ng ROTC at ipaubaya ito sa DepEd at AFP imbes na sa mga “budol-budol”.

Maganda ang mithiin ng ROTC, palpak lang sa implementasyon.


Korupsiyon ang dahilan.


◘◘◘


TUMATAAS ang presyo ng mga gulay.

Palpak ang solusyon.

Kasi’y para bumaba ang presyo ay “mag-import” imbes na magtanim.


Kitam!


◘◘◘


SA malawakang pagtatanim, tulad ng Green Revolution o industrial farming, ang makikinabang ay magsasakang Pinoy.


Sa importasyon, ang makikinabang ay mga pusakal na ismagler.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page