top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | May 13, 2023



KINUMPIRMA na ang deklarasyon ng yellow alert kaugnay sa kakapusan ng suplay ng kuryente.


Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. (P-BBM) sa mga local government unit na bumuo ng task force. Klap, klap, klap!


◘◘◘


HINDI malinaw kung anong klase ng aksyon ang gagawin ng LGUs. Iisa lang naman ang solusyon dito, maglagay o bumili ng generator o mamigay ng solar panel.


Mayroon bang ganyang pagkilos ang LGU? Wala!

◘◘◘


NAGTATAKA tayo dahil imbes na ibigay ang cash assistance sa mga tao na karaniwang ipinangsusugal lamang, bakit hindi magbadyet o magpondo para sa pamimigay ng solar panel?


Kung pumunta si P-BBM sa China, bakit walang government-to-government agreement para sa malakihang pag-import ng solar panel?!

◘◘◘


KUNG bilyun-bilyong piso o trilyong piso ang nilustay at dinambong sa panahon ng pandemya, bakit hindi magbadyet ng trilyong piso para sa solar panel o windmills?


Sentido kumon ‘yan, pero hindi ginagawa ng gobyerno.

◘◘◘


HINDI kakapusan ng pondo ang problema sa Pilipinas.


Bagkus, ang mga opisyal ay kapos sa ‘utak’.

◘◘◘


WALANG outstanding executive na ipinupuwesto sa gobyerno, bagkus, ginagamitan lamang ng padrino ang mga itinatalaga.


Isang klase rin ‘yan ng graft and corruption.

◘◘◘


KAKAMBAL at kasingkahulugan ng dispalinghadong opisyal ng gobyerno ang pandarambong sa kaban ng bayan.


Hindi ito simpleng sakit sa loob ng burukrasya, bagkus, higit pa sa isang epidemya na walang pambakuna.

◘◘◘


MATAGAL pa bago matapos ang giyera ng Russia at Ukraine.


Posibleng makisabay d’yan ang pagkubkob ng China sa Taiwan.

◘◘◘


NAGSASALIMBAYAN ang pagdalaw ng mga lider sa China.


Nagreregodon naman ang mga national leader sa pakikipag-usap sa kapwa lider ng ibang bansa.

Lihim na signos ito ng isang digmaan na sinisikap mapigilan.

◘◘◘


HINDI mapigilan ang pagkabangkarote ng malalaking bangko sa United States.


Kung hindi immune ang America sa financial meltdown, paano makakaligtas ang Pilipinas?

◘◘◘


NEGATIBO ang impresyon ng mga negosyante sa pagkabangkarote ng mga bangko sa U.S.


Siyempre, iiwasan ng mayayaman na magdeposit ng malaking halaga sa mga bangko.


Hindi nila maloloko ang mga kapwa nila tuso.

◘◘◘


LIGTAS ang mga bumbay sa pagbagsak ng mga bangko.


Bakit? Ang bulto ng kanilang cash ay nasa milyun-milyong vendors sa kalye.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | May 12, 2023



IBINABALA na ng Department of Energy (DOE) ang posibleng kakapusan sa suplay ng kuryente.


Pero, marami nang lalawigan ang nakakaranas ng “beerhouse lights” o halos araw-araw na brownout.

◘◘◘


BONGGA si Pangulong Bongbong Marcos Jr. (P-BBM) dahil matapos makipagkita kay U.S.

President Joe Biden ay dumalo at nakipag-meet naman kay King Charles ng Britain.


Matapos ito, dumiretso siya sa Indonesia para makasalamuha ang iba pang lider ng mga bansa.


◘◘◘


HALOS mamatay sa inggit ang mga kalabang mortal ng mga Marcos.


Hindi sila makapaniwala na nakabalik ang mga Marcos sa Malacañang sa isang ‘landslide win’. He-he-he!

◘◘◘


PAGKABALIK ni P-BBM, nag-abiso ito ng malawakang balasahan sa gabinete sa buong burukrasya.


Ninenerbiyos na ang mga gumagamit ng kanyang pangalan para makadiskarte, tsk!

◘◘◘


ISANG maselang ahensya ang binabantayan ng mga ‘Marites’ at ito ay ang Aduana.


Regular na tinatamaan ng balasahan ang Customs. Bilyun-bilyong piso kasi ang diskartehan d’yan—ilegal at legal.

◘◘◘


PERO, sino ang isang imina-Marites na opisyal ng Aduana na nakatalaga sa Mindanao at nagpapakilalang kanang kamay ng isang malapit sa Malacañang?


Iniyayabang ng kolokoy na siya ang may hawak sa buong Mindanao, gayung nakatalaga siya sa Region 10. Ano ba ‘yan?


◘◘◘


IBIG sabihin, pumupostura ang kumag na siya lamang daw ang dapat kausapin sa mga transaksyon sa mga importers at brokers.


Siyempre, parinig ito sa mga pusakal na mga ismagler.

◘◘◘


HIGIT pa siya sa kamandag ng ‘Batang Quiapo’ dahil iniyayabang na untouchable siya at hindi matitinag ng anumang reklamo o kaso.


Malalaman natin ‘yan kapag nagsimula na ang balasahan ni P-BBM next month.

◘◘◘


ANG maselan, may ‘sey’ siya sa balasahan at kung sinu-sino ang masisibak at maipupuwesto.


Huh, tipong siya rin ang utak ng ‘Iron Heart.’

◘◘◘


AYON sa ‘tiktik’, palagi siyang may kasamang mga ismagler at importer sa malalaking restobar sa Mindanao.


Ilan sa dabarkads niya ay may kaduda-dudang personalidad sa panahon ng nakaraang administrasyon.

◘◘◘


BATAY sa impormasyon ng ‘tiktik’, nagkalat ang ukay-ukay sa Mindanao dahil sa transaksyon ng mga kolokoy.


Matapos ang inabisong balasahan ni P-BBM sa Hunyo, matanggal o ma-promote pa kaya ang bida sa ‘Iron Heart’? Makakalbo kayo sa kakaisip kung sino ang kolokoy.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | April 16, 2023



INIUULAT ng International Press Institute na natatalo sa giyera ang Russia.


Huh, paano nangyari ‘yun, eh, nasakop nila ang ilang bahagi ng Ukraine?


◘◘◘


ANG Taiwan ay posibleng maging bagong Ukraine. Pilipinas naman ang aktuwal na madadamay dito.


Sentido-kumon.

◘◘◘


TINATAYA na matatalo ang China ng US sakaling kubkubin ang Taiwan.


Inamin ng mga eksperto na marami ang mamamatay at mawawasak.


Siyempre, kasama sa mabibiktima ang Pilipinas.


◘◘◘


SAKALING sumiklab ang digmaan ng Taiwan vs. China vs. US, ano’ng lugar sa Pilipinas ang pinakaligtas takbuhan?

Iisa ang sagot – sa Davao po!

◘◘◘


PUWEDENG bombahin ng China ang lugar kung saan mayroong base military ang US.


Walang duda r’yan.

◘◘◘


HINDI naman puwedeng bombahin ng China ang Davao region. Bakit?

Baka kasi tamaan si Digong. He-he-he!

◘◘◘


SA ibang bansa, pinakaligtas pa rin ang Singapore kapag may digmaan.


Nakalagak kasi rito ang kayamanan ng mga bansa.

◘◘◘


NGAYON pa lamang, dapat ay nag-iisip na ng preparasyon ang mga Pinoy bago mangyari ang ‘worst scenario’ tulad ng digmaan at kalamidad.


Kapag maagang pinaghandaan ang krisis, magaan itong mareresolba.

◘◘◘


ISANG malaking kamangmangan na solusyunan ang krisis kung kailan nagaganap ang worst situation.


Kapag kasi sinabing ‘worst’, ito ay malala at wala nang solusyon pa.

◘◘◘


NARERESOLBA ang worst scenario kapag niresolba ito bago pa maging worst.


‘Yan ay aktuwal at totoo!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page