ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 1, 2023
Kinaaliwan ang pag-uusap ng child star na si Kulot at ng TV host na si Vice Ganda sa Isip Bata segment ng It’s Showtime kamakailan.
Tinanong kasi ni Vice si Kulot kung nakatulog ba nang maayos ang bagets.
Sagot naman nito, “Ang sarap po matulog sa inyo, dalawa ‘yung aircon, eh.”
Hirit ni Vice, “Kinakabahan nga ako, eh, wala pa siyang isang linggo ru’n sa bahay ko, ang taas na ng Meralco ko.”
Kaya, tinanong ng isa sa mga hosts na si Amy Perez kung doon natulog si Kulot sa bahay ni Vice.
Ayon sa TV host, “‘Du’n siya sa condo.”
Nice naman!