top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 14, 2025



Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Daniel Padilla at henry Alcantara - PBA, Circulated

Photo: Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Daniel Padilla at henry Alcantara - PBA, Circulated



Isa na namang larawan ang kumakalat sa social media kung saan magkakasama sina Cong. Arjo Atayde, bayaw niyang si Zanjoe Marudo at Daniel Padilla, at ang isa sa mga konektado sa anomalya ng flood control projects na si DPWH Engineer Henry Alcantara.


Ang larawan ng 4 na personalidad ay kuha habang nanonood sa Final 7 ng Ginebra vs. San Miguel nitong nakaraang season ng PBA Convention.

Dahil dito, samu’t saring komento na naman ang naglabasan mula sa mga netizens. Ilan sa mga nabasa naming komento…


“Grabe! Ano ‘yan? Magkaka-connect talaga silang lahat. Si Zanjoe, buti hindi nanalo.”

“Ay, grabe! I move to nominate OP as part of the Independent Commission. Lupet ng imbestigador skills. Wala ‘kong masabi.”


“Pakitago ‘yung resibo para ‘pag ‘yung asawa, nagsalita ulit, isampal n’yo sa mukha n’ya ‘to.”


“A picture doesn’t lie. Mukha nga silang magkakilala.”


“Grabe, ‘di ba? Lakas ng kapit nu’ng Alcantara kay Jinggoy. Silang dalawa ni Brice ‘yung may falsified ID pero si Brice lang ang idiniin hanggang sa ma-contempt. ‘Yung boss, nakalusot!”


Ang tinutukoy na mga pangalan ay sina Sen. Jinggoy Estrada at Brice Hernandez na dating kaibigan at tauhan ni Alcantara.


“Buti pala at ‘di naka-secure ng seat ‘yung partylist ni Zanjoe Marudo last election. For sure, si Arjo ang magiging mentor n’ya para mangurakot din.”


“Uy, ang galing! Hahaha! Eto ‘yung mga hindi basta-basta nahahanap. Matinding hanapan ‘to sa social media. Hahaha!”


“Tapos taga-Bulacan pa pala si Maine, ‘di ba? And they also have a road construction firm business (kung saan mas talamak ang corruption).”


Parang hindi naman tama na idamay ng isang commenter ang misis ni Arjo. 

Below the belt naman ang sinabi nito na, “Tangin* mo, Maine Mendoza. Sinungaling.”


“Bago lang ‘to OP? If oo, walanghiya ka, Arjo Atayde, unbothered queen.”

Sana naman, ang mga netizens, bago magbitaw ng mga maaanghang na salita ay mag-isip munang mabuti ng kanilang sasabihin.

Tulad na lang sa estado ni Maine Mendoza, bago pa siya pumasok sa showbiz, mayaman na ang kanyang pamilya. May sarili silang gasolinahan at iba pang negosyo.


Sana, ang mga nanghuhusga sa idinadawit nilang pulitiko ay mag-final check muna. Ang hirap kasi sa iba, nakikiayon lang sa agos ng komento. 


Bakit kaya hindi sila gumawa ng sarili nilang imbestigasyon para malaman kung ano ba ang talagang totoo?


Sabi nga ni Cong. Arjo, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalilinis ang kanyang pangalan. 


Umaasa kaming malalampasan ng pamilya Atayde ang dagok na ito na dumating sa kanilang buhay.


Sabi nga, “The truth will prevail.”



KILALA ang award-winning actress na si Nadine Lustre na very vocal sa kanyang nararamdaman lalo na kung alam niyang may naaagrabyadong tao. 

Tulad na lang sa isyu ngayon tungkol sa flood control scandal, dismayado ang aktres sa mga kontraktor na mapagsamantala.

Ibinahagi niya ang galit at pagkadismaya sa umano’y katiwalian ng mga indibidwal na sangkot sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha at hinimok ang mga Pilipino na magpatuloy sa pagsasalita.

“Talagang nalulungkot ako na nakikita ang mga taong nahihirapan, nawalan ng tahanan, kabuhayan, mga alagang hayop, dahil wala tayong mahanap na solusyon,” aniya sa isang panayam.

“Nakakagalit, nakakalungkot na ‘yung ibinibigay natin na buwis, sa ganu’n napupunta. Nakakainis talaga, it is sad that funds are being used for something else.

“Mabuting nagsasalita ang mga tao. Mahalagang marinig tayo. ‘Pag pinanindigan natin ang ating sinasabi, may gagawin ang mga tao tungkol dito. At the end of the day, kailangan nilang pangalagaan ang mga tao. Nagbabayad tayo ng tamang tax para tulungan tayo at gawing mas mabuti ang mga bagay para sa atin,” dagdag pa ng aktres.

Aniya pa, “Sabi ko nga, ‘di maiwasang isipin na ‘yung ibinabayad nating tax, ‘di nagagamit nang tama. Nakaka-discourage. Nag-aambag tayo para mapabuti ang bansa, ‘yun pala, sa mga bulsa lang nila isinusuksok. Wala silang awa.”

Bilib siya sa Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, sa inilarawan niyang halimbawa ng katapangan nito.

“We all have to be outspoken. Si Meme, I have always admired Meme. Hindi s’ya natatakot sabihin ang nasa utak n’ya. At this day and age, we have to say what we want to say. Kung hindi, walang mangyayari sa atin,” wika pa ni Nadine Lustre.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 13, 2025



Arjo at mga Discaya - Circulated

Photo: Instagram



Trending ang cryptic post ni Alden Richards sa kanyang Instagram Stories laban sa mga tinawag niyang “kuracaught” officials. 


Kahit hindi siya nagbanggit ng anumang pangalan, may ilang mga netizens na nag-isip na si Cong. Arjo Atayde – ang mister ng dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza – ang isa sa mga pinatutungkulan niya.


Dumepensa ang mga fans ni Alden at sinabing unfair daw na agad iugnay ang aktor kay Arjo dahil pangkalahatan ang kanyang post laban sa mga tiwaling opisyal.


Dahil ayon sa post, ang ibig sabihin ng “kuracaught” ay corrupt na opisyal o indibidwal na huling-huli na sa ginagawang walang-habas na katiwalian at pangungurakot.


Sa mga komentong naglabasan online, hinamon ng mga supporters ni Arjo si Alden na pangalanan nang direkta kung siya ang tinutukoy nito.


Nag-ugat ang mga hinala dahil nadamay si Arjo sa kontrobersiyal na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos isangkot ni Curlee Discaya ang pangalan ng kongresista.


Matapang namang ipinagtanggol ni Maine si Arjo mula sa mga bashers. Aniya, wala silang yaman na galing sa buwis ng mga Pilipino.


“Everything we have comes from years of work and savings. We pay our taxes, and we pay them truthfully, because we respect the same system we are accused of betraying,” pahayag ni Maine.


Dagdag pa niya, hindi niya matatanggap na pagbintangan silang magnanakaw.

“I will never accept the narrative that accuses us of stealing and living off taxpayers’ money. That is not who Arjo is, that is not who I am, and that is not who we are—no amount of noise and accusations will ever make it true.”


Nanindigan din siya na kung sakali mang may ginawang mali si Arjo ay hindi niya ito ipagtatanggol.


“And if Arjo ever did anything dishonest, if he were truly guilty, I certainly wouldn’t defend him and cover for him. Accuse him of other things if you wish, but not of stealing from people—that is one line he has never crossed, and never will,” dagdag pa ng aktres.



NA-MISS ng aming kaibigan na si Jack Suficiencia ang pagkanta kaya nang bumaba siya sa barko ay agad siyang sumabak sa guesting. 


Kilala si Jack bilang isang “Marino Singer”. Passion niya ang pagkanta kaya kahit pababa-baba siya ng barko ay patuloy pa rin siyang nakikipag-jamming sa kanyang mga kapwa singers sa mga bars. 


Gustuhin man niyang mag-concentrate sa music ay hindi niya magawa.


Aniya, “May takot kasi ako na ‘pag itinuon ko ang sarili sa music, hindi ako agad ma-appreciate ng mga music listeners. Ang hirap ng walang regular income. Kaya pinag-iipunan ko nang husto para the time na gusto ko nang tumigil sa pagbabarko, may pera na ako para maitustos ko sa aking pangarap.”

Nakakakuha rin daw siya ng raket kahit nasa barko.


Aniya, “‘Pag may guest ang mga bossing sa barko at need nila ang singer, ako ang isinasalang nila para kumanta. Dagdag-income din ‘yun. Hahaha!”

Marami na rin siyang original songs na nagawa at ibig niyang iparinig sa mga composers para malagyan ng areglo.


Kung tutuusin, matagal na rin siya sa music industry. Siya ang laging nakakasama ng singer noon na si Nerissa Binoya.


Lagi raw silang nagiging guest sa Eat…Bulaga! (EB!) at iba’t ibang programa basta kasama niya si Nerissa.


Ang hindi raw niya makakalimutan ay nang mag-guest sila sa programa ni Martin Nievera, ang Martin Late at Night (MLAN). Ang token daw na ibinigay sa kanila ni Martin ay isang boteng alak na itinabi niya bilang souvenir.

Nang magdesisyon si Nerissa na mangibang-bansa, ipinagpatuloy na niya ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos at maging seaman.


Guest siya kamakailan sa Letters and Music (LAM). Dalawang kanta ang kanyang ipinarinig — ang Bulag, Pipi at Bingi (BPAB) na ginawa niyang sariling rendition, at isang original song na siya mismo ang nag-compose, ang Sayang na Pag-ibig (SNP) na very catchy sa pandinig ng mga mahihilig sa musika.


Ang payo namin kay Jack, baguhin niya ang kanyang name para mas madaling makilala ng mga tao.


Paliwanag niya, “Natatakot kasi akong sumugal sa singing career ko. Nakikita ko kasi, parang ang hirap makapasok sa mainstream ng musika.”


Well, darating din ang tamang oras. Lakasan lang ng loob dahil maganda naman ang kanyang boses kumpara sa ibang mga singers.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 11, 2025



Arjo at mga Discaya - Circulated

Photo: Arjo at mga Discaya - Circulated



Mariing itinanggi ni Quezon City Representative Arjo Atayde na siya ay isa sa mga nakinabang sa government flood control project scheme.


Kailanman ay never daw siyang nakipag-ugnayan sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, ang mga kontratistang sangkot sa isyu.


Depensa ni Cong. Arjo, “Hindi ko kailanman ginamit ang aking posisyon para sa pansariling pakinabang, at hindi ko kailanman gagawin. Gagamitin ko ang lahat ng mga remedyo sa ilalim ng batas upang linisin ang aking pangalan at panagutin ang mga nagkakalat ng mga kasinungalingang ito.”


Nakasentro ang kontrobersiya sa isang litratong kumakalat sa social media na nagpapakitang kasama ni Atayde ang mag-asawang Discaya. 


Ipinaliwanag ng kinatawan na isang beses lamang silang nagkaharap ng mag-asawang Discaya noong 2022, nang bumisita ang mga kontratista sa kanyang opisina sa distrito. 

Nilinaw ni Atayde na ito ay isang maikling engkuwentro, na binubuo ng simpleng “Hi, hello,” at picture-taking session, na walang talakayan tungkol sa anumang proyekto ng gobyerno.


Binigyang-diin din niya na ito ang una at huling beses na nagkita sila.

Aba, eh, kung ire-rewind, si Cong. Arjo ay baguhan pa lang sa pulitika that time. Imagine, 2021 nang maupo siya bilang congressman ng District 1 ng Quezon City. Parang unbelievable naman na idadamay nila ang actor-politician sa ginagawa nilang katiwalian.


Sabi nga ni Cong. Arjo, maigsi lang ang kanilang pagtatagpo, ibig sabihin, nagpa-picture lang ang mag-asawa kay Arjo dahil isa siyang sikat na aktor. 


Okey, sabihin na rin na na-amazed sila dahil first time na pumalaot sa pulitika ang aktor. Para nga lang nilang niyaya ang aktor na magpakuha kay Arjo dahil tingnan naman ninyo ang pose nila sa larawan.


Wala na lang sigurong ibang maituro ang mag-asawa na guilty sa kanilang ginagawa kaya naghanap ng karamay. Nakita nila ang kanilang larawan with Cong. Arjo kaya iyon ang ginawa nilang basehan. 


Nakakadismaya ka, Discaya.


Anyway, keep it up, Cong. Arjo! Ituloy mo lang ang pagtulong sa iyong constituents. Marami ang nagmamahal at naniniwalang malalampasan mo ang isyung ibinabato sa ‘yo.



BINIRO ni Senator Rodante Marcoleta si Senator Jinggoy Estrada sa Senate hearing. Hindi nagustuhan ni Sen. Jinggoy ang biro ng kanyang kapwa senador.

Nangyari ito nang ituloy nila ang hearing patungkol sa anomalya sa mga flood control projects sa bansa. 


Habang tinatanong nila si Curlee Discaya, mister ni Sarah Discaya, tinanong ni Sen. Jinggoy kung wala bang senador sa listahan niya ng mga umano’y nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng kanilang construction company.


Agad itong sinagot ni Curlee, “Your Honor, wala po.” 

Agad namang sinundan ng biro ni Sen. Marcoleta at sinabi kay Sen. Jinggoy, “Safe ka na.”


Tila nabigla si Sen. Jinggoy sa biro ni Sen. Marcoleta. Nagtawanan ang mga nasa hearing ngunit halatang hindi natuwa si Jinggoy sa naging biro ng kapwa senador.

Aniya kay Sen. Marcoleta, “You know, I resent that statement, Mr. Chair. I resent it. Mr. Chair, I move that you strike off the record of that statement.”


Agad namang sinabi ni Marcoleta na ito ay biro lamang. 

Ang siste, kinabukasan lang, idinawit naman ang pangalan ni Sen. Jinggoy at kasama pa si Sen. Joel Villanueva sa ginanap na House InfraComm hearing bilang diumano’y nakinabang din sa flood control projects.


Si Bulacan Assistant District Engr. Brice Hernandez ang nagbanggit sa pangalan nina Estrada at Villanueva, na agad din namang pinabulaanan ng dalawang senador at nagbanta pang kakasuhan ang engineer.



NAGPAALAM na si Kim Domingo sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ). Pinatay na ang kanyang karakter bilang si Madonna.


Mahigit isang taon ding tumagal ang Kapuso actress sa aksiyon serye ni Coco Martin. Binigyan ng moment ni Tanggol ang pagkamatay ni Madonna sa serye, niyakap niya nang mahigpit ang aktres na tanda ng mga kabutihang nagawa sa kanya nito na hanggang sa huli ay hindi siya iniwan.


Pagbabahagi ni Kim, “Very happy ako na napunta ako sa role na ‘to, ni Madonna.”

Ayon sa kanya, ang proyekto ay in-offer sa kanya sa tamang oras. Gusto raw talaga niyang mapasama sa BQ at wala siya sa posisyon para tanggihan ang role ni Madonna dahil big chance na raw iyon. 


Aniya, “Sino ba namang ayaw na mapasama sa Batang Quiapo na show, at s’yempre, makasama ang isang Direk Coco Martin?”


Nagpapasalamat si Kim sa buong team. Marami raw siyang natutunan, lalo na sa paggawa ng mga action scenes. 


“Hindi ko na-imagine na makakaeksena kita. Hindi sumagi sa isip ko na makakasama kita sa isang proyekto. Sana, hindi pa ito ang huling pagsasama natin,” wika ni Kim.

Sa pagkawala ni Kim, papasok naman ang karakter ni Maris Racal.

Ang tanong, ano kaya ang magiging role ni Maris sa BQ? Abangan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page