top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 27, 2025



FB/ Bela Padilla

Photo: FB / Bela Padilla



Hindi maitago ang pagkainis ng dalawang aktres na sina Anne Curtis at Bela Padilla sa rebelasyon ni Engr. Brice Hernandez ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang banggitin nito na milyun-milyon pala ang dinadala nilang pera sa sinasabi nilang “tambayan area”.


Ani Bela, “Literally walang hiya! Cause if you had any shame in your bones, you wouldn’t be where you are today. You would’ve quit your job, thinking that people could be at risk. And you would’ve informed people of what was happening. But no, you went to casinos and spent our money, and slept well at night in your bougie homes. 


“Disgusting behavior. The fact that you can say that these projects are substandard so callously should already warrant your rotting in jail. May you never sleep well again, Mr. Hernandez. May the faces of the people you’ve inconvenienced and harmed haunt you forever.”


Dagdag pa niya, “Wala tayong makikitang progresibong PH sa ating buhay. ‘Yan ang mahirap, masakit na katotohanang kailangan nating tanggapin. Ito ang dahilan kung bakit tuluyan na tayong umalis sa PH 12 taon na ang nakakaraan. May mga problema rin dito sa Canada pero at least kahit papaano, may nakikita kami sa tax na binabayaran namin.”


May banat din si Bela sa mga pulitiko, “At least ‘yan umaamin, nagsosoli ng mga asset nang kusang-loob. Etong mga CONGRESSMAN at tirador na mga senador, ubod nang kakapal at sinungaling. Tigas at puro tanggi ang mga ‘yan. Sana kayong lahat, mabulok sa impiyerno. Sila ang mas malaki ang kickback. Thirty percent jets nga lang ni Co na na-freeze, P5 billion na. So magkano ang assets? 1 trillion?! Grabe.”


Maibalik pa kaya ang mga ninakaw ng mga pulitiko at contractors? Abangan!



Senador, lagi raw galit at pala-away…

KIM, TAGILID ANG BAGONG SHOW DAHIL SA BANAT KAY MARCOLETA, BIGLANG BINURA



HINDI nakaligtas si Kim Chiu sa mga netizens sa X (dating Twitter) nang patutsadahan niya si Senator Rodante Marcoleta. Matapang kasing pinuna ng Chinita Princess ang senador sa style nito ng pag-iimbestiga sa alegasyong anomalya sa flood control project.


Sa hearing noong Setyembre 23 sa Senado, nagkasagutan sina Senador Ping Lacson at Marcoleta tungkol sa isyu, dahilan kung bakit nag-post si Kim sa kanyang account kung saan direkta niyang ini-address ang senador.


Ani Kim, “Marcoleta, woke up and chose... he is always angry, always picking a fight. This is the same way he went all out pushing for ABS-CBN’s shutdown. It’s frustrating and heartbreaking to see the same darkness play out again. 


“As a citizen, I can only hope and pray by the grace of God that this time accountability wins. Let the guilty face justice. Enough lies. Enough abuse. It’s time for the darkness to end.”


Agad din namang idinelete ni Kim ang kanyang post, kahit may mga nakabasa na nito.


Komento ng mga netizens:


“She most likely deleted it for PR purposes. Not only is Marcoleta name-dropped but also ABS-CBN. Kaya I don’t really blame her at all for deleting it, especially as a public figure.”


Dagdag pa ng isa, “Eto ang personality n’ya na gusto ko, unpredictable, unfiltered, and knows how to speak up if alam n’yang may mali. Kabaligtaran ng sinasabi ng iba na sabaw s’ya pero no, unfiltered lang talaga s’ya. Admit it or not, may sense ang mga banat n’ya, she’s smart at laging ipinaglalaban ‘yung tama. Ang satisfying sana ng tweet. Ibalik mo, Kim Chiu, tanggalin mo lang name ni Marcoleta at ng ABS-CBN. Go girl!”


May nagkomento rin, “Iyakin lang talaga si Marcoleta, ‘noh, Kim? Ingat ka, baka mamaya, i-invite ka n’yan sa Senado tapos mag-iiyak s’ya kung bakit mo sinabi. Hindi n’ya matanggap ‘yan. LOL (laugh out loud).”


May paalala naman, “Naku, Kim, mass bashing coming your way. You know the old man is supported by the cult! Careful, girl!”


At hirit pa ng isa, “Feeling ko, ipinatanggal ng management. Baka i-bash ng DDS, may upcoming show pa naman s’ya. May name kasi na nabanggit.”

Well, ano kaya ang true?


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 25, 2025



Sandro at Alexa Miro

Photo: Circulated - IG



Break na rin pala ang sexy actress na si Alexa Miro sa boyfriend nitong Majority Floor Leader of the House of Representatives of the Philippines na anak ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na si Sandro Marcos. 


Inilahad ito ng aktres sa kanyang TikTok account na may third party daw na involved.

Noon ay hindi pinapangalanan ni Alexa kung sino ang kanyang boyfriend. Pero ngayon ay lumalabas – base na rin sa mga ibinigay niyang impormasyon – na ang anak ni PBBM na si Sandro ang nakarelasyon niya.


Obvious naman, kasi noong manumpa ang anak ng Pangulo ay naroroon si Alexa. Kaya lang, nang tanungin siya ng media, sinasabi niyang kaibigan lang daw niya ang First Son.

Aniya, “Ayaw akong paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin ‘yung palaisipan, ‘di ba? Sino ang nagmukhang kilig na kilig sa media? Eh, di ako. ‘Di ba?”


Pinangalanan din ni Alexa kung sino ang naging third party sa kanilang relasyon — si Franki Russell, na nali-link din ngayon kay Enrique Gil.


Hindi naman nabanggit ng aktres kung kailan pa sila nag-break. 

Ano kaya ang reaksiyon dito ni Sandro Marcos?



DPWH pa lang daw, bilyon na ang nakuha…

VICE, IDINAMAY ANG IBANG AHENSIYA NG GOBYERNO SA KORUPSIYON



Muli ay nagsalita si Vice Ganda sa online laban sa umano’y P35.24 bilyong budget insertions na ginawa ni Rep. Zaldy Co para sa mga flood control projects sa Bulacan mula 2022 hanggang 2025.


Inihayag ng TV host-comedian ang pagkadismaya sa inilarawan niyang napakalaking katiwalian sa paggasta sa mga pampublikong gawain. 


Nabulgar ang halagang ito sa gitna ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Kinuwestiyon niya kung magkano pa ang nawawala sa ibang ahensiya ng gobyerno. Aniya, hindi makatwiran ang pagiging magalang kapag ninakawan ang publiko.

Sey ni Vice, “Sa Bulacan pa lang ‘to! Magkano na ‘pag buong Pilipinas? At nakita pa lang ‘to sa DPWH. Paano pa ‘pag isinama ‘yung sa ibang departamento tulad ng Health, Customs, Education, etc.?”


Ipinagtanggol din ng It’s Showtime (IS) host ang sarili sa ilang pamba-bash dahil sa pagmumura niya, at sinabing natural na reaksiyon ito sa malaking katiwalian.

Aniya, “Tapos, ‘yung iba, kinukuwestiyon kung bakit ako napamura? Ano ba ang dapat sabihin ng mga nanakawan? THANK YOU PO, MA’AM/SIR?!”

Pinagmumura kasi ni Vice Ganda nang paulit-ulit ang mga korup sa rally na ginanap sa EDSA Shrine na agad nag-viral sa social media.



P32.24B, kinurakot sa Bulacan…

SIGAW NI VICE, DAPAT LANG MURAHIN ANG MGA KORUP



NAG-POST ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kanyang X (dating Twitter) account tungkol sa pagpapa-renovate nila ng kuwarto ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.


Aniya, “We are renovating Nate’s room now. Maliit na halaga lang ito and yet we have contracts, we have receipts. Hindi ko maintindihan kung bakit ‘yung naglalakihang proyekto, wala? Bilyun-bilyon, tapos cash lahat? Nagtatanong lang po.”


Sa isa pang post, inilarawan niya ang mga hadlang na kinakaharap ng mga regular na mamamayan kapag nag-a-apply para sa mga pautang.


“Sa pangkaraniwang mamamayan tulad natin, ‘pag may gusto tayong bilhin o ipagawa at medyo malaki ang halaga, daan-daang proseso ang kinakailangang pagdaanan. Naroong dapat may kolateral para mapagdesisyunan ng pagkakautangan na ikaw ay karapat-dapat. Pero sa kanila, parang ang dali lang, ano?” tanong niya.


Bagama’t hindi niya tinukoy kung ano’ng proyekto o institusyon ang kanyang pinaparinggan, nagdulot ito ng diskusyon tungkol sa sistematikong hamon na kinakaharap ng mga Pilipino sa pagkuha ng financial resources, at pati na rin ang pangamba kung paano hinahawakan ng gobyerno at pribadong sektor ang malakihang budget ng bansa.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 20, 2025



Sunshine Cruz - IG

Photo: Sunshine Cruz - IG



Pinabulaanan ni Sunshine Cruz na buntis siya sa boyfriend na si Atong Ang.

Nababalita pang nag-e-expect ang kanyang tatlong Maria sa kanyang pagbubuntis.

Muli ay pinasinungalingan ng aktres ang lumalabas na balita.


“FAKE NEWS po ang lahat ng ito, guys, for your information,” ani Sunshine, sabay pakita ng screenshots ng false reports sa kanyang Facebook (FB) page.


“These accounts are not legit and they make up stories for views. Every click from us ay kumikita sila kaya nagkakalat sila ng mga imbentong kwento usually dito sa FB at sa YouTube (YT),” wika niya.


Dagdag pa niya, “‘Wag po tayo basta maniwala sa mga gawa-gawang kuwento.”

Ipinunto rin niya ang ibang false headlines na ibinabato sa kanya.


Aniya, “Few weeks ago, binubugbog, nakulong o nasa hospital daw ako, ngayon buntis naman ako or ang mga anak ko. Surprisingly, marami ang naniniwala na totoo itong mga

ganitong klaseng kuwento.”


May lumabas pa ngang hiwalay na rin daw sila ng gambling tycoon na si Atong.

Mukhang nagiging paborito ng ilegal na content creators na gawan ng fake news si Sunshine. Ano sa palagay n’yo?


Anyway, eto ang mga komento ng mga netizens:


“May mga taong handang magpakababa para lang mabuhay. And when you confront them or press charges against them, they will throw you ‘Kailangan po namin ng pambili ng gatas ng anak namin.’ Nakakaawa.”


Hindi sinagot ng aktres kung hiwalay na nga ba sila ni Atong Ang, kaya may nagtanong, “So, kayo pa rin ni Atong?”


Sabi naman ng isa, “Grabe ang mga so-called content creators. Totoong maraming naniniwala sa fake news. Sana, may masampulan.”


“Makipag-break ka na kasi kay Atong Ang, ‘yan ang i-announce mo. Napaka-nega n’ya ngayon, nasasangkot sa missing sabungeros. Para matahimik ang buhay mo, sa ‘yo dapat mismo manggaling na wala ka nang koneksiyon sa kanya.”


“Bakit ito mahalaga sa ‘yo? Break or not, wala na tayo du’n. Point is, hindi tama ang mga lumalabas na fake news sa kanila ng mga anak ni Sunshine o kahit sa ibang artista pa.”

Ano’ng sey mo, Sunshine?



UNTI-UNTI nang nakapagpundar ng mga gamit si Shuvee Etrata. Kamakailan lang ay nakabili na siya ng una niyang car na ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Buong pagmamalaki siyang nakatayo sa tabi ng bagong puting SUV.

Sa kanyang caption, “Higit sa isang kotse, ito ay isang panaginip na totoo.”

Dagdag pa niya, “Brb (be right back), umiiyak dahil sa wakas ay nakuha ko na ang aking unang kotse.”


Mensahe niya sa mga breadwinners, “More than just a car, it’s a dream come true! Laban, mga breadwinners. Kung kaya ko, kaya mo rin!”

Ang susunod naman daw na pag-iipunan niya ay ang makapagpagawa ng sariling bahay para sa kanilang pamilya.



After 15 yrs…

RR, HIWALAY NA RIN DAW KAY JJ, TAMEME  



MATAGAL na ang isyu kay RR Enriquez na hiwalay na umano sa longtime partner na basketball player na si Jayjay Helterbrand.


Ayaw mamatay ang isyu kahit nagbitaw na ng salita ang former TV personality-turned businesswoman. 


Nag-react na siya sa breakup umano nila ni Jayjay na 15 taon niyang nakarelasyon. Ang mga komento kasi ng mga netizens ay nagpapahiwatig na ang dalawa ay naghiwalay umano noon pang Mayo 13.


Nagulat sa public’s attention, nag-post si RR sa kanyang socmed account, “Nakakabaliw lang na may mga taong sobrang INVESTED na malaman ang score between me and JJ. Pati ChatGPT, tinanong n’yo na. Hindi naman kami si KathNiel, JaDine, LizQuen or AlDub but thank you for making me feel na parang ganu’n na nga ang love team namin.”


Hindi man niya kinumpirma o itinanggi ang breakup, umapela ang former TV host-dancer sa publiko na itigil na ang pangha-harass sa kanya sa comment section, lalo na sa tuwing magpo-post siya ng mga larawan kasama ang ibang tao.


“Please stop harassing me sa comment section, lalo na kung nagpo-post ako sa account ko. Totoo man o hindi, sa tingin ko, mas maganda kung titigil ka na sa pagkukumpara sa isang tao. I’m not pertaining to my relationship but to everyone—artista, influencer, o kahit sino pa. Bakit kailangan pang ikumpara ang bago sa dati?” sambit niya.


Wika pa nito, “I’m sure everyone has different characteristics. ‘Yung iba, better sa pagluluto, ‘yung iba, better sa bed, CHAR (joke). Hindi ito competition, so please stop comparing. Thank you!”


Hahaha! Nakikisabay pa talaga sa hiwalayan nina Julia Barretto at Gerald Anderson. 

Okey, balik tayo sa flood control issue.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page