top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 27, 2025



Photo: Baron Geisler sa Incognito - IG



May isang sikat na aktres na ipapasok daw sa series na Incognito na makakapalit ni Baron Geisler. 


Marami ang nagsasabing si Angel Locsin ito o si Jodi Sta. Maria. Pumasok din ang pangalan ni Kathryn Bernardo.


Ito naman ang mga reaksiyon ng mga netizens…


“Angel Locsin might not be able to stand scenes with severe fights because of her health issues, concern only.”


“Parang mas malakas kung si Angel Locsin ang gaganap.”


“Angel na lang kung hindi si Baron (Geisler).”


“Angel Locsin is the best choice.”


“Sino naman kaya ‘yun, sana magaling sa action, hindi pabebe.”


Pumasok din ang name ni Nadine Lustre na mas okey naman daw kaysa kay Kathryn na laging pabebe.


Sey pa ng mga Marites… “Janine Gutierrez, bagay sa kanya.”


“Angel Locsin is perfect. General’s Daughter will be the best sniper.”


Sey naman ng mga avid viewers ng Incognito, “Boykot kami ‘pag inalis ‘to si Baron sa season. Maniwala kayo, babagsak ang ratings n’yo.”

May ganu’n? Grabe naman…


Join na rin sa showbiz…

ANAK NI NEIL, MAS KAMUKHA NI ANGEL


Puspusan ang suporta ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang stepson na si Joaquin Arce sa pagpasok nito sa showbiz.


Tinanong pa nga raw ni Angel si Joaquin kung desidido talaga, and he said “yes”.

Kaya amazed daw si Joaquin nang makitang  ipinost ni Angel ang suporta sa kanya nang i-launch ng Star Magic last Friday.


Guwapo ang anak ni Neil Arce, pero marami ang nagsasabing mas kahawig ni Angel si Joaquin.


Sey ng isang netizen, “Mas malaki ang hawig n’ya kay Angel.”


Ayon kay Joaquin, “I’m so grateful for what my Tita Angel did. When I saw it, I was so happy ‘coz you know, I felt that she’s sincere. I know she’s a great actress and I admire her acting prowess.”


May nagtanong kung kailan sila gagawa ni Angel ng project?


Very polite na sumagot si Joaquin, “Hmmm... maybe s’ya na lang po ang tanungin n’yo.”

Ito naman ang sey ni Angel sa Instagram (IG) Story kung saan ini-repost niya ang video ni Joaquin mula sa Star Magic, “Can’t wait to work with you.” 


Hmmm… magbalik na kaya si Angel Locsin sa showbiz matapos ang mahabang panahon na walang paramdam? Abangan natin ‘yan!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 25, 2025



Photo: R'Bonney Nola - YT


Kinagiliwan ang video ng former Miss Universe na si R’Bonney Gabriel habang siya ay namimili ng magagandang stylish na damit sa Ukay-Ukay Adventure sa Quezon City.


Hindi metikuloso ang beauty queen hinggil sa luxury labels para lang masabing sumusunod sa uso. Katunayan, super-enjoy siya sa buong araw niya sa pag-iikot sa ukay-ukay shopping sa Cubao.


Pakli ng 2022 Miss U, “I’m going to an ukay-ukay spot in Manila but this time I am going all day… I’m going to the thrift stores in Cubao now. I want to find clothes for my trip to South Africa,” pagbabahagi niya.


Maraming nabiling damit at a reasonable price si R’Bonney.

Sey pa niya, “I bought a lot of jackets. So many unique colors. A lot of colors it’s like hard to find but I’m lucky!


“I ended up paying P5,000 for seven jackets and a baby blue rare vest. Cubao was a success!”


Very proud niyang idinispley ang mga nabili sa ukay-ukay pagdating niya ng house.


“These are all in great condition. Not all the styles are something I would actually wear. Maybe if you style it right… but I just love the colors,” esplika niya.


Ang mga nabiling reuse pieces ay plano niyang ipa-dry clean lahat.


“What I do now is I’m gonna bring them to the dry cleaner to get cleaned before I end up tearing them apart and using this beautiful leather. I am going to cut these open, deconstruct, and reconstruct and make a super bomb outfit.”


Komento ng mga netizens…


“I actually think you’re a very creative person and you’re opening the minds of Filipinos about how someone’s ukay-ukay can be turned into a work of art.”


“Wow, our superwoman. Keep on inspiring the world to sew and to dress up well with available resources.”


Bongga ni R’Bonney Gabriel, ‘di ba? Walang kaarte-arte!



Proud stepmom… ANGEL, BIGLANG NAG-POST SA SOCMED PARA SUPORTAHAN ANG ANAK NI NEIL



Maramiang ginulat ni Angel Locsin sa muli niyang pagpaparamdam sa kanyang Instagram (IG) Story pagkatapos ng dalawang taon na pananahimik. 


Trending ang latest post ng aktres at ikinatuwa ito ng kanyang mga tagahanga.

Noong August, 2022 nang huling mag-post si Angel sa social media.


Ayon sa kanyang kaibigang si Dimples Romana, pinili raw ng aktres na manahimik muna para mabawasan ang stress. Ang pinakahuling balita noon kay Angel ay nang pumanaw ang kanyang ama.


Ngayon, muli niyang binuksan ang kanyang social media para suportahan ang stepson niyang si Joaquin Arce, anak ng mister niyang si Neil Arce.


Sa kanyang IG Story, sinabi ni Angel, “Me, your mom, and your dad are very proud of you… can’t wait to work with you.”


Ibig kayang sabihin nito ay malapit na rin siyang bumalik sa showbiz?

Si Joaquin Arce ay ang bagong talent ng Star Magic na ini-launch kahapon, July 25.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 25, 2025



Photo: Yen Santos at Chavit Singson - IG, FB


Matagal na ang isyung ito hinggil sa aktres na si Yen Santos at sa bilyonaryong businessman na si Chavit Singson, pero nananatiling tahimik lang ang aktres. 


Sa wakas, binasag na ni Yen ang kanyang katahimikan at nagsalita na patungkol sa mga tsismis sa kanila ni Singson.


Sa paglulunsad ni Yen ng kanyang opisyal na YouTube (YT) channel, ang unang vlog niya ay ang mga isyu at tsismis kung saan nabanggit ang pangalan niya.

Marami naman ang natuwa na binigyang-linaw na ng aktres ang mga isyung ito online.


Ang title ng vlog ay Questions I Am Desperate To Answer.


Sinagot ni Yen ang ilang personal na tanong.


Ayon kay Yen, isa sa mga tsismis na nais niyang bigyang-linaw ay ang umano’y pagkakaroon nila ng anak ni Chavit Singson.


“‘Yung tsismis na meron daw po kaming anak ni Manong Chavit. Guys, hindi namin ‘yun anak, kapatid ko po ‘yun. It’s my youngest brother, tatlo po kaming magkakapatid,” ani Yen sa kanyang mga viewers.


Ikinuwento niya na marami na siyang nakikitang video online na nagsasabing may anak

na kasi sila ng dating kilalang politician.


“Sabi ko nga, hindi ko ugali kasi na mag-correct ng tao pero natanong mo na, ‘yun talaga ‘yun. Nakikita ko sa TikTok na nagkalat, na malaki na raw ‘yung anak namin. Yes, malaki na s’ya, he’s 11 years old, pero hindi po namin ‘yun anak, kapatid ko po s’ya,” paglilinaw pa ng aktres.


Dagdag pa ni Yen, “Ang nakakatawa kasi is he's a good family friend. Ninong s’ya nu’ng kapatid ko.”


Binalikan din ni Yen Santos kung paano nagsimula ang isyu noon pa man. 

“Nag-uumpisa pa lang ako mag-artista, ‘yun agad ‘yung isyu ko, eh,” aniya sa mga fans.



GF ng anak, sa December daw manganganak…

JINKEE, UMAMING MAGIGING LOLA NA KAY JIMUEL


SA pag-uusap nina Jinkee Pacquiao at Chavit Singson, buong pagmamalaki niyang sinabi rito, “Magiging lola na ako.”


Viral agad sa social media ang pagbida ni Jinkee na siya ay magiging lola na. Ang kuhang video ng dalawa ay nasa official Facebook (IG) page ni Chavit.

Sa clip, makikitang binati ni Chavit si Jinkee at ang twin sister nitong si Janet Jamora. 


Ani Jinkee sa isang lalaki, “Manganganak s’ya sa December. Naunahan ka, ikaw ba susunod? Charot!”


Samantala, matatandaang nag-headline rin si Jinkee kamakailan lang matapos nilang bisitahin ng buong pamilya ang pamilya umano ng rumored girlfriend ni Jimuel. Ibinahagi pa ni Jinkee ang ilang sweet at heartwarming photos ng naturang meetup sa kanyang official Instagram (IG) account ngayong buwan.



SA ginanap na mediacon para sa documentary film ni ex-Davao Police Colonel Hansel Marantan na Sa Likod ng Tsapa (SLNT), marami pala siyang pinagdaanan noong aktibo pa siya sa serbisyo.


Marami rin daw ang nambu-bully sa kanya na hindi niya mawari kung bakit, dahil siya raw ay nagtatrabaho lamang.


Aniya, “Feeling ko na nilalait ako,” lalo na nang gawin niya ang documentary film ng kanyang buhay.


Naging controversial figure siya noong 2013 dahil sa Atimonan shooting incident na siyang sentro ng documentary film that seeks to tell his side of the story—one long buried under headlines and public opinion.


Paano niya hinaharap ang criticism?


“Well, there’s redemption already,” wika niya. 


Nakuha raw niya ang redemption 20 years after. Sa loob ng kulungan, ibinida ni Col. Marantan na nakasama niya ang ibang mga pulitiko tulad nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.


Bakit ba siya napapayag na gawing documentary film ang kanyang pagiging sundalo? 


Ayon kay Editha Caduaya, isang legit na journalist at siyang nag-pursue na ilabas ang docu film ni Col. Marantan, “It was a fight, and nakita ko while I was digging up dirt, gaya ng term ni Atty. Topacio, while I was digging up his dirt, nakita ko na ako as dating part ng state fighters, kita ko, ba’t kami sumisigaw ng injustice, eh, parang meron pala rito sa loob ng isang organisasyon, marami palang na-injure.


“Ito pala ‘yung puno’t dulo ng injustice, hindi lang sa mainstream, ‘di ba? Nakikita n’yo ‘yung mga tao, sumisigaw ng injustice, ‘di ba? Pero sila pala, merong organizational injustice. Saka ang pinakamahirap sa mga pulis, hindi ko s’ya kinakampihan, ha? Nakita ko na ‘pag sumabit si pulis, walang umaangkin. ‘Pag victorious naman ang operation, ang daming claimant.


“So ‘yun ‘yung nakita ko sa story, na parang, I need to put life to this, kasi hindi lang sila, ang dami-dami pala. So, ‘yun ‘yung realization na ‘I must put flesh to these guys, regardless of their names, because the story is worth the telling.’”


Kasama rin sa documentary film ang pagkakahuli kina Quiboloy at Teves. 

Ang documentary film ni Marantan ay mapapanood sa August 13, written and directed by ex-journalist Editha Caduaya, with the entire production put together by Davao-based filmmakers.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page