top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | October 18, 2025



IG @johnestrada_ / primeirelles

Photo: IG @johnestrada_ / primeirelles



Nagpakatotoo lang ang aktor na si John Estrada nang maglabas siya ng kanyang emosyon nang makuhanan ng pahayag tungkol sa dating misis na si Priscilla Meirelles.


Inamin niyang si Priscilla ang ‘love of his life’ at umaasa siyang maayos pa nilang mapag-uusapan ang lahat.


Sinabi rin ni John na handa niyang muling pakasalan ang estranged wife kung gugustuhin daw nito. 


Nagbigay din siya ng papuri kay Daniel Padilla na iniuugnay sa anak na si Kaila Estrada.


Ayaw daw sana niyang pag-usapan ang personal na buhay, kaya lang hindi raw niya kayang tanggihan ang panayam dahil matagal na silang magkaibigan ni Dolly Anne Carvajal.


“Pri (Priscilla) is the love of my life. I hope she will still be around when I’m done fighting my own demons,” ani John na halatang puno ng emosyon habang inaalala ang pinagsamahan nila ni Priscilla.


Dagdag pa niya, “If and when Pri and I fix what needs to be fixed, I would be willing to remarry her if she wants to.”


Sa kabila ng mga nakaraang isyu, kabilang na ang mga alegasyon ng pagtataksil na kumalat sa social media noong nakaraang taon, ipinahayag ni John na umaasa pa rin siya sa pag-aayos nila at kapatawaran nito.

“I’m still hoping for the best for both of us,” aniya.


Samantala, tinanong ang aktor sa pagkaka-link ng anak niyang si Kaila sa ex ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.


Ang mahinahong sagot ni John, “I cannot speak on behalf of my daughter.” 

Ngunit hindi niya itinago ang paghanga sa aktor. 


Sey niya, “Daniel is respectful and humble despite his superstar status.”


Sa kabilang banda, si Priscilla Meirelles ay matagal nang nagsabing ‘closed book’ na ang kanilang pagsasama, bagama’t umamin din siyang minsan, nagtangkang makipag-ayos si John Estrada sa kanya.



Isa sa OG Angels…  

ANNE, PROUD NA NAKASAMA SI ADRIANA LIMA SA VICTORIA’S SECRET SHOW



Nakasama na ni Anne Curtis si Adriana Lima, ang isang OG (original) Angel sa 2025 Victoria’s Secret Fashion Show (VSFS) kamakailan sa New York City.


Sa kanyang Instagram (IG) page, ibinahagi ng TV host-actress ang snapshot nila ni Adriana sa event.


“Lights. Camera. Angels. Gaaah got to walk the pink carpet for the very first time. What an amazing, inclusive and inspiring show. Truly is a new era of @victoriassecret,” aniya.


Excited pa niyang sabi, “From watching shows on TV to finally seeing and even meeting an OG Angel I am so (loved & fairy emoji). Thank you @victoriassecretph for having me (hand heart emoji) @valiram.”


Mabilis na nag-react ang mga fans online sa post ni Anne.

“Gorgeous angel PH rep!!! Glad you enjoyed the show live & front row.”

“OMG (Oh my God) so gorgeousss!! You really have that angel glow. So happy you got to experience something so fun and special, Ate (Anne)!”


Ngayong taon ang ika-20 beses ni Lima na rumampa sa runway ng VSFS.

Sa isang panayam, tinanong si Adriana kung ano’ng tagline ang ibibigay niya sa show ngayong taon. 


Ang sagot nito, “The Angels are Back.”

On what energy she would bring to the runway this 2025, sey niya, “I am bringing the Lima energy. It’s fun, energetic, outgoing, and likes to engage with everyone around her. Fun, happy all the time.”


Nagbigay din siya ng payo sa mga naghahangad na maging Victoria’s Secret Angel.

Aniya, “Be yourself, don’t be afraid to show your personality, and go for it.”


Bukod kay Adriana, rumampa rin sina Gigi Hadid, Bella Hadid, Behati Prinsloo, Jasmine Tookes, at Candice Swanepoel, atbp.. Guest performers ang TWICE pati na sina Karol G, Madison Beer, at Missy Elliott.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | October 17, 2025



FB Kaila Estrada & Daniel Padilla via STAR MAGIC

Photo: FB Kaila Estrada & Daniel Padilla via STAR MAGIC



Matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ng aktres na si Kathryn Bernardo at ang pagkaka-link niya kamakailan kay Kaila Estrada, nagsalita na si Daniel Padilla tungkol sa estado ng kanyang love life.


Sey niya, “Ayoko s’yang maging showbiz.”


Sa Are You G? with MJ Felipe (AYGWMF) ay napag-usapan ang diumano’y relasyon nila ni Kaila.


Pagbabahagi ng aktor, mas preferred niya na i-keep ang kanyang relationships private and away from the spotlight.


Ayaw daw niyang pine-pressure ng iba, at mas gusto niyang hayaan na lang ang mga bagay na mangyari nang natural.


Kilala ang aktor na low-key mula nang naging sensational ang breakup nila ni Kathryn Bernardo, kaya he prefers to keep things private. 


Hinggil naman sa rumored boyfriend ng ex niyang si Kath na si Mayor Mark Alcala, tahimik lang ang aktor. Ang concern niya ngayon ay ang love life niya.


Pahayag niya, “‘Wag na nating i-pressure ‘yung sarili natin, ‘wag na nating ilagay sa ganu’n, i-

showbiz pa ‘yun, pero you get my point? Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na alam mo ‘yun, ‘wag na. 


“Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari. ‘Wag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayoko s’yang maging showbiz, eh. Well, ‘di pa rin naman maiiwasan, ‘di ba, pero may choice pa rin naman ako, ‘di ba?”


Siguro, ayaw na ni Deejay (Daniel Padilla) na maulit pa ang nangyari sa kanyang love life noong sila pa ni Kathryn Bernardo, kaya ibig niyang gawin munang pribado ang kanilang relasyon ni Kaila Estrada.



MAY haka-haka ang mga netizens na buntis na si Bea Alonzo. 

Sa isa kasing video ng surprise birthday party ng staff ni Bea bago ang kanyang aktuwal na kaarawan ngayong October 17, magkasama sila ng boyfriend niyang businessman na si Vincent Co.


Naka-white top at pants ang aktres kung saan may hawak siyang bouquet. Pero sa video ay nasa likod ni Bea ang boyfriend habang hinihipan niya ang kandila ng kanyang birthday cake.


Sey ng mga Marites:


“Visible ‘yung baby bump? Or delulu lang ako... Sana, pregnant talaga si B.”

“Parang buntis si Ms. Bea Alonzo.”

“Happy birthday, Ms. Bea (looks like she's preggy).”

“Tumaba si BF at si Queen Bea.”


“Bagay na bagay sila ni Vincent Co. Sana, huwag na silang magkahiwalay dahil mukhang napakaresponsable at kahit bilyonaryo na, hindi s’ya mukhang suplado.”

“She looks preggy.”


As of this writing, hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa tsismis na buntis siya kay Vincent Co.


Last September kasi ay napabalitang engaged na ang dalawa. Nabalita ring magpapakasal na sila, pero sinabi ng aktres na hangga’t maaari ay gagawin niyang pribado ang kanyang love life.


Nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa kasal, sinabi ni Bea Alonzo na wala siyang masasabi tungkol dito, ngunit idiniin niya na siya ay masaya ngayon.



ANG akala ng mga audience ng It’s Showtime (IS) ay balik na sa pagho-host si Billy Crawford, isa sa mga dating original hosts ng noontime show.


Napanood kasi ang singer-TV host kamakailan sa nasabing programa bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan (TNT) kasama sina Karylle at Marco Sison.


Sa kanyang pagbabalik, nagpasalamat si Billy at inalala ang kanyang pagiging isa sa mga original na hurado ng segment. 


Ayon sa kanya, nami-miss niya ang Showtime family at masaya siyang makabalik sa entablado. Ito na ang ikatlong beses na lumitaw si Billy sa show sa nakalipas na dalawang taon.


“As usual, nami-miss ko kayong lahat kaya nga nandito ako, nagbabalik ako,” ani Billy.

“Pinag-uusapan nga kanina, kami ni Sir Marco (Sison) and K (Karylle), isa ako sa OG (original) na hurado sa TNT. It’s such a pleasure being back here once again sa It’s Showtime. So maraming-maraming salamat sa Showtime.”


Ang pahayag ni Billy ay agad na umani ng papuri at tuwa mula sa mga manonood at tagahanga ng programa.


Marami sa kanila ang nagsabing tila kumpleto na ulit ang Showtime family.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | October 14, 2025



Chiz at Heart / FB IG

Photo: Chiz at Heart / FB IG



Nagkaroon umano ng bulyawan ang mag-asawang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero dahil sa usapin sa pera. 


Nitong mga nakaraang linggo, umani ng batikos ang senador dahil inakusahan siyang sangkot sa mga maanomalyang flood control projects, pero mariin itong itinanggi ng mambabatas.


Si Heart ay kilala bilang isang global fashion influencer. Lagi siyang laman ng fashion week sa iba’t ibang lugar — Paris, Milan, at New York. Pero dahil sa isyu sa asawang senador, pinili niyang hindi dumalo sa katatapos na Paris Fashion Week. 


Isang netizen naman ang nagbahagi ng screenshot tungkol sa isyung ito, “Hahaha! Kung alam n’yo lang kung paano magsigawan ‘yang mag-asawa na ‘yan kahit may ibang tao sa bahay nila.”


Hmmm… Close ba ang netizen na ito sa mag-asawa o naninira lang siya?

Bukas ang pahinang ito para sa panig nina Heart at Chiz sa akusasyong ito sa kanila.



Bayad daw nang bayad ng tax, wala namang nangyayari... BIANCA, INIP NA INIP NANG MAIPAKULONG ANG MGA KORUP



INIP na inip na ang TV host na si Bianca Gonzalez kaya muli siyang nag-react sa viral post na bumabatikos sa kawalan ng pananagutan sa katiwaliang nangyayari sa bansa. 


Ipinahayag ng TV host kung paano patuloy na tinutupad ng mga mamamayan ang kanilang mga obligasyon sa buwis sa kabila ng patuloy na mga isyu ng katiwalian. 

Sa kanyang X (dating Twitter) account, nag-react si Bianca sa isang post ng FTTM (trend page) na nagsasabing “Another day, another ‘wala pa ring nakukulong na korup.’”


Ang post, na may caption na ‘reality check (?)’ ay mabilis na nakakuha ng atensiyon ng mga netizens.


Ayon pa kay Bianca, “Kailangan na naman magbayad ng buwis soon pero wala pa ring nakukulong sa mga kumukurakot ng dating binayarang buwis?”


Kilala si Bianca sa paggamit ng kanyang plataporma para magsalita sa mga isyung panlipunan. Patuloy niyang hinihikayat ang transparency, civic participation, at responsableng pamamahala. 


Ang latest niyang pahayag ay dagdag sa usapan online tungkol sa credibility ng gobyerno at ang hiling ng madlang people na magkaroon ng totoong reporma.



Sabik daw sa tatay… 

JK, WA’ PAKI NA KUMANDONG KAY PIOLO



NAPAKA-SWEET naman talaga ng singer na si JK Labajo kaya I love this guy. Makulit siya, yes, pero doon mo makikita ang kanyang totoong kulay bilang good person.

Sa Idol Kids Philippines (IKP), kung saan nakikita ang kakaibang style niya bilang isang hurado, kapag okey at gustung-gusto niya ang participant kids na kumakanta, hindi siya mapapakali sa kanyang upuan. Tatayo, uupo siya, at napapalundag pa sa tuwa, hindi tulad ng ibang judges na nakaupo lang.


Sa kanilang movie na Meet Greet & Bye (MGB), kung saan pinagbibidahan nila ito nina Piolo Pascual, Belle Mariano, Joshua Garcia, at kasama ang kanilang mother, ang Diamond Star Maricel Soriano ay dito muling lumabas ang kakulitan ng singer-actor.

Sa Grand Fun Meet ay hindi nakatiis si JK na nakaupo lang, bigla siyang tumayo at naglakad palapit kay Papa P at sabay na kumandong sa aktor. 


Eh, napakabigat at ang taas ni JK, ‘di ba? Pero kering-keri ni Papa P ang bigat niya.

Komento nga ng mga netizens: 

“JK longing for a father.”


“Kung lalaki ‘yan, ‘di papayag na nauupuan ng isang damulag na ganyan,” pang-iintriga ng isa.


“Malambing si JK. Lumaki kasi s’ya sa lola at ang alam kong ‘di n’ya na-experience na magkaroon ng nanay at tatay,” depensa naman ng isa pa.


“Ang laking lalaki ni JK, tingin ko parang sabik sa mama, papa and siblings. Mabait na bata.”

“Ngayon lang kayo nakakita ng sweet boy? That’s normal. What’s unnatural is hating behaviors that show vulnerability or sensitivity. Gay nor straight men, kung may mataas na EQ (emotional quotient), will not take this maliciously.”


Well, inggit kasi ang namumutawi sa puso ng mga taong walang magawa sa kanilang sarili.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page