top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 3, 2025



Photo: Claudine Barretto - IG



Trending ang ginawang pag-aayos ni Claudine Barretto sa mga labi ng kanyang kaibigang beauty queen-talent manager na si Aida Patana sa burol nito.


Emosyonal si Claudine habang inaayusan si Aida sa kabaong. Ang turing kasi ni Clau sa kanya ay hindi lang kaibigan kundi kapatid kahit hindi niya ito kadugo.


Sa isang Facebook (FB) livestream, inalala ni Claudine ang pagiging sandigan nito sa mga panahon na siya ay may pinagdaraanan sa buhay.


Inayusan at nilagyan ng hikaw ni Claudine ang labi ni Patana, bilang pagtupad sa matagal na nilang usapan tungkol sa nais nilang hitsura sa sarili nilang burol.


Sa Instagram (IG), ibinahagi ng aktres ang kanyang matinding kalungkutan sa pagkawala ng kaibigan at nag-alay ng dasal para sa kanilang dalawa. Hindi napigilang mapaluha ni Claudine habang nagbibigay-pugay kay Aida.


“Napag-usapan na namin ito,” ani Clau.


Makikitang personal na nilagyan ni Claudine ng hikaw si Aida, nilagyan ng pulang lipstick at pulang kuko.


Pahayag niya, “When I said that ‘Blood is not thicker than water,’ this person I lost is exactly what I meant... Please pray for her soul and please pray for me too. MY SISTER NOT BY BLOOD BUT BY CHOICE.”


Ang isa pang post ng Optimum actress, “I’m lost for words, sis. But I guess this song says it all. I don’t know how I will be able to go through the coming years without you. It’s so painful even breathing hurts.”


Si Aida Patana ay kilalang personalidad sa Cebu bilang beauty queen, businesswoman, at talent manager. Bukod sa kanyang mga tagumpay sa industriya ng entertainment at negosyo, naging kilala rin siya sa kanyang malasakit at pakikipagkaibigan sa mga artista, kabilang si Claudine.


Isa siya sa mga taong naging malapit sa puso ng aktres, lalo na sa mga panahong may pinagdaraanan si Claudine.


Ang biglaang pagkawala ni Patana ay malinaw na nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.



NAG-REACT si Daniel Padilla sa desisyon ng nakababata niyang kapatid na si Carmella Ford Tenorio na pasukin na ang showbiz. 

Sey ni DJ, “Gusto n’ya talagang pumasok sa showbiz. I’ll just guide her,” sabay sabing hindi raw madali ang pumasok sa showbiz.


Kamakailan lang ay opisyal na pumirma ng kontrata si Carmella sa Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN.


Sinabi niya kay Carmella na kung talagang gusto nitong mapabilang sa showbiz, kailangang magkaroon ng matatag na pagpupursige dahil maraming tao ang maaaring magtangkang diktahan siya kung ano ang dapat niyang gawin.


“Nand’yan na s’ya at magsisimula na s’ya. I’m just happy na she’s doing kung ano ang gusto niyang gawin,” wika ni Daniel.


Natanong din ang aktor kung stage brother ba siya.

Sagot niya, “We will see, tingnan natin. Hindi pa nagsisimula, eh. But I’ll be very protective.”


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 2, 2025



Photo: Ryan Agoncillo - IG



Trending ang video ng paghalik ni Ryan Agoncillo sa labi ng panganay nila ni Judy Ann Santos na si Yohan. 


Maraming netizens ang nag-react sa lumabas na video, lalo na kay Ryan.

Hindi man biological daughter ng Eat… Bulaga! (EB!) host si Yohan ay legally adopted na siya ng Teleserye Queen noong sanggol pa lang ito.


Inampon na rin ni Ryan si Yohan nang magpakasal sila ni Juday at ngayon ay 20 years old na ang bata.


Kaya sa episode ng Showbiz Update (SU) nina Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang video ng pagki-kiss ng mag-ama. Ibinahagi ni Ogie ang kanyang opinyon hinggil sa isyu.

May mga anak din siyang babae at malalaki na, pero hindi na raw niya hinahalikan sa labi ang mga anak na babae dahil para sa kanya, awkward na.


Pero, sinabi niyang hindi naman alam ng publiko kung ano ang samahan ng buong pamilya sa loob ng kanilang bahay.


Aniya, “‘Wag na nating bigyan ng malisya kasi hindi lang siguro sanay ang mga tao na nakakakita ng ganoon kasi nga grown-up na ‘yung bata ay humahalik pa sa lips ng magulang, kasi nga ‘yung iba, hindi sweet, ‘yung iba, hindi kayang gawin kasi ‘yun at hindi nila nakita kaya sila naninibago.”


May nagkomento kasi na dalaga na raw si Yohan at hindi na magandang tingnan sa publiko.


Well, para sa amin, walang masama sa ginawang pag-kiss ni Ryan sa lips ni Yohan.

Isa lamang itong ‘smack kiss’ na ginagawa ng isang pamilya na maganda ang pagkakahubog sa kanilang mga anak.


Ultimo sa mga banyaga ay ginagawa ito sa kanilang pamilya.

Nasa maruruming pag-iisip na lang ng mga netizens kung may malisya para sa kanila. Ibig kasing sabihin, ginawa nila dahil may pagnanasa sila.



DIRETSAHANG mga tanong ang ibinato ni Kuya Boy Abunda kay Pancho Magno, ang ex-mister ni Max Collins, sa Fast Talk With Boy Abunda (FTWBA).

Unang tanong niya, “In love ka pa rin ba kay Max?”


Hindi inaasahan ni Pancho ang tanong ng King of Talk.

Ang sagot ng aktor, “Si Max and I started talaga na, of course, we’re both Christians, so ‘yung foundation namin, ‘yung love and respect, kahit sabihin mo nang may mga arguments... wala akong sinasabing perfect. Wala talagang perfect.”


Ikinasal sina Pancho at Max noong 2017, nagkaroon ng anak na lalaki na nagngangalang Skye, naghiwalay nang maayos, at tinapos ang kanilang diborsiyo noong 2023.


Binigyang-diin niya na sa kabila ng mga ups and downs, nananatili ang pagmamahalan at malalim na pagkakaibigan na binuo nila.

Sey niya, “As a friend, oo naman. Best friends, oo naman.”

Ang sagot niya kung in love pa ba siya sa aktres, “Hindi siya ganu’n kadali. Wait lang. Nagke-credits na! Best friends, oo naman. Love and respect. Hi, Max!”


Hindi na tuwiran pang nasagot ni Pancho Magno ang tanong ni Kuya Boy.

Sayang naman! Pero love niya raw bilang best friend ang ex-wife niyang si Max Collins.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 1, 2025



Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - IG



May nakakita kina Jameson Blake at Barbie Forteza na very sweet sa parking lot after ng premiere night ng P77 ng Kapuso actress. 


Pansin ng mga netizens, "Patakbo at ang higpit pa ng yakap ni Barbara, sila na ‘yan."


"Parang barkada vibes lang, ‘yung comfy kayo in your friendship."


"I feel like friends lang sila.”


"Parang ang bait na guy BFF ni Jameson."


"Ehhh. ‘Pag BF-GF, usually walang patakbo. Lol!"


"Promo. And mukhang mas effort si Barbie than the guy."


"Barbie, ang promo girl ng Siyete."


"Bagay naman sila pero mukhang ‘di type ni boy si girl."


"Parang based sa body language, they might be sweet but it’s not the romantic kind."


"Ganyan din naman siya kina Alden at David. Friends lang ‘yan, ma-hug lang talaga si Barbie, pero trabaho lang, walang personalan."


"Honestly, hindi sila bagay, si Barbie, grabe maka-angkla for the promo. Cringe talaga si girl."



MULI naming nakadaupang-palad ang mabait na Pop Rock Diva na si Rozz Daniels after niyang dumalaw sa ‘Pinas kung saan dito siya nag-spend ng Christmas Day. 

At nitong March 21 ay bumalik siya ng ‘Pinas at mag-i-stay for good na silang mag-asawa rito sa bansa. 


American citizen kasi ang husband ni Rozz na si David Daniels.

Nakapanayam namin kahit panandalian ang singer at ipinaalam niyang, "Nag-retire kaming mag-asawa.”


Ayon kay Rozz, ibig daw ni David na dito nila ilaan sa ‘Pinas ang kanilang pagreretiro. 


Tutal naman daw ay pareho na silang retired sa America kaya mamarapatin naman nila na i-enjoy ang benepisyong nakuha nila sa pagre-retire. 

Katunayan, nakapagpundar na sila ng tirahan sa Nuvali at maging ng sarili nilang sasakyan. 


May apat na anak sina Rozz at David na nasa America pa rin. 

Bibisita na lang daw sila sa US minsan sa isang taon upang dalawin ang mga  anak na nakabase sa Amerika.


Kuwento ng Rock Diva, “Nandoon sila, may kani-kanyang trabaho, ‘yung bunso ko, may anak na, I have an eleven-year-old grandson.”


Tanggap daw ng mga anak nila na sa ‘Pinas na sila maninirahan ni David.

“Gusto nila, kasi alam nila na bumabalik ako dito para lang kumanta, eh. So gusto nila na i-pursue ko ‘yung career ko rito talaga.”


Ang mister ni Rozz na si David ang may gusto na sa Pilipinas sila mag-retire.

"Very supportive siya sa singing career ko. Gusto niya i-pursue ko na ito tuluy-tuloy. 

“Tapos para maging malapit ako sa kapatid ko dahil wala na ang mama namin so ako na ang mag-aalaga sa kapatid ko.”


Tama naman ang mag-asawa na walang mangyayari sa singing career ni Rozz kung ang pagiging visible lang niya sa press ay kapag may mga kantang ipo-promote. 


Iba rin daw kasi na nakikita ang kanyang presensiya, hindi ‘yung now you see,

now you don't. 


“Korek, oo! Kasi limited lang ‘yung ano ko, ‘di ba? Uwi ko dito four to five weeks lang, tapos uuwi na naman ako sa Amerika.


“Magre-record ako, mapuputol, hindi matatapos.”


Sa ngayon ay hindi na nag-aalinlangan si Rozz na ipagpatuloy ang kanyang singing career. Tuluy-tuloy na ito at wala nang urungan pa. 


Malapit nang i-release ang revival song niya na Ibang-Iba Ka Na na originally ay si Renz Verano ang kumanta. 


May gagawin din siyang isa pang revival song under the helm of Doc Mon del Rosario, ang mga gumawa ng mga sikat na awitin noon ni Imelda Papin. 


Dalawang kanta ang nakatakda niyang gawin under Doc Mon, ang isa ay original Christmas song, at ang isa ay revival ng Bulong ng Damdamin noong 1982.


Oks lang sa ‘yo, Sarah?

BARBIE, KASUNDO ANG BUNSO NI RICHARD


MARAMI talaga ang hindi naniniwala na hiwalay na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. 


Kamakailan kasi ay muling naispatan ang celebrity couple na magkasama, together with Chard's youngest son na si Kai. 


Kumalat ang kuhang video sa social media kung saan naglalakad ang tatlo sa isang parking lot. 


Tila magkasundo sina Barbie at Kai habang naglalakad dahil nakaakbay pa ang aktres sa bata.


Kaya lang, may mga netizens pa ring namba-bash at ‘di pabor kay Barbie para kay Richard.


Sey ng isa, "Kung ako nanay n’yan, ‘di ako papayag na ipasama ‘yung bata sa ‘di naman niya nanay lalo na at ‘yan pa nanira ng relasyon ng mag-asawa."


May mga nagsasabi namang mukhang seryoso si Richard kay Barbie dahil naipakilala na pala niya ang GF sa bunsong si Kai.


Eh, ang panganay kaya ni Chard na si Zion, nakilala na rin kaya si Barbie?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page