ni Beth Gelena @Bulgary | August 6, 2025
Photo: Brent Manalo sa PBB - IG
May pasabog ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Winner Duo na si Brent Manalo (with Mika Salamanca) tungkol sa mga naging issues nila sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ani Brent nang makapanayam ng PEP,
“‘Di ko alam kung puwede ‘tong sabihin… sobrang magkakasundo talaga lahat to the point na ipinu-push na talaga kami na magkaroon ng away-away kasi wala silang makuha.”
Tuloy, may nagtanong kung ang issues na ginagawa ay sadyang scripted?
Komento nga ng mga netizens…
“Collab kasi, magkakasundo talaga ‘yan dahil papalit-palit sila ng partner. Bawal ka magkamali para ‘di ka iboto ng nakaraang partner mo. Kung solo-solo ‘yan, malamang nag-away-away na ‘yan kasi sarili lang nila ipaglalaban nila. ‘Di katulad ng collab, maging maingat ka kasi kailangan mo protektahan sarili mo at ka-collab mo.”
May nagtanggol naman sa Kapamilya actor.
“What he means is, ‘yung mga pakulo ni Kuya, ‘yung task lalo na mga secret tasks na need nilang may gawin to their other co-housemates para ma-trigger ‘yung emotions nila.”
“Yes, all tasks are directed towards a story. ‘Yan naman sinasabi always ni Bianca, eh. ‘Di s’ya scripted but it is planned/directed. Then, d’yan sila kukuha ng storylines nila for airing. Kuya gives tasks to trigger an emotion or action sa mga HM.”
“Not scripted. Hindi naman makokontrol ng management how would they react. Ang makokontrol nila, the specific task, puwedeng mapalabas tunay na ugali or if mas mautak ‘yung housemate like him, puwedeng dedmahin. Remember his iconic ‘that’s nice to hear, thanks but I don’t need that’ when BB was giving an advice to him kahit s’ya naman may pakana ng drama sa least desirable duo. They need drama and ‘yun ang waley sila makuha. The peak drama I think sa season nila is ‘yung kay Klang and Dustin, that’s it.”
“Gumagawa sina Kuya ng task, sinabi naman din yata ‘yun para mapalabas ‘yung emotion nila kasi masyado na silang mababait lahat sa loob. Kailangan lahat ng emotion nila lumabas talaga—ganu’n talaga—but doesn’t mean scripted s’ya. Kinukuha lahat ng emotions nila every task na ginagawa.”
May umapela naman sa rebelasyon ni Brent.
“Naku, Brent, hindi ka na lang manahimik... CharEs or RaWi na lang sana Big Winner. Nadala ka lang ni Mika. ‘Yung ginawa mo kay Kira at ‘yung sinabi mo kay AZ, du’n pa lang, hindi ka na tumahimik.”
“Mga fans talaga ni ano, masyadong pabida. Manahimik ka na lang din, Manang.”
“‘Pag in-interview ba sila, dapat ba sila sumagot ng ‘no comment’? Interview nga eh. Hahaha!”
“‘Yan din ‘yung sabi ni Slater sa batch nila, sobra silang magkakasundo na need nila ipasok ulit si Paco, just to create a commotion. Big Brother setup is all about triggering emotions. It’s a controlled environment.”
“Kaya nga, ‘di ba, binigyan ng task ni Kuya si Shuvee na galitin si River. Paano pa kaya kung wala si Esnyr, Shuvee and Klang sa bahay ni Kuya—super boring na.”
“NAKU MATAGAL NA, SCRIPTED LAHAT SA SIMULA PA. KAYA NGA MAY WRITER AT DIRECTOR ANG PBB.”
“The power of PBB editing talaga, pala-gawa ng issues para umingay ang reality show na ‘yan at tumaas ang engagements. Ba’t mo hinuli at binisto, Brent? LOL (laugh out loud).”
“Mag-away raw kayo para may ganap. Para may mai-content.”
Totoo ba? Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?
NANGHINAYANG ang head writer ng isang fantaserye na si Suzette Doctolero sa namamayagpag na career ngayon ng Kapuso young star na si Shuvee Etrata.
Wala sa kanyang hinagap na ang young star ay biglang sasambulat ang pangalan sa mundo ng showbiz nang pumasok ito sa PBB Celebrity Collab Edition.
Nagkasalubong ang head writer at si Shuvee sa Gala Night ng Kapuso na ginanap sa Marriott Hotel kamakailan.
Nang makita niya si Shuvee ay ubod-galang na binati siya ng young actress.
Nakapagbitaw tuloy si Doctolero ng mga salitang, “At dahil sa Gala encounter ko kay Shuvee kaya nanghihinayang ako, na tapos na ang taping ng Encantadia, a few days after noong pumasok siya sa PBB. Malay ba naming sisikat sila. Hahahaha! Sana pala, ginawa na agad naming isa sa bida. Hmp! Pero okey lang, happy pa rin na naging part siya ng Enca fam.”
Siguradong gagawan ng paraan ni Doctolero na magkaroon ng twist ang karakter ni Shuvee sa serye.
Aniya, “Aba, eh, mas pinag-uusapan pa nga si Shuvee ng mga netizens na nanonood ng fantaserye kaysa sa mga kilalang bida, eh.”
Siya nga pala, malapit na ring mapanood ang life story ni Shuvee Etrata sa Magpakailanman.










