top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 16, 2025



Photo: Regine V. Alcasid - IG



Dinepensahan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kapatid laban sa isyu ng umano’y pagtulak sa kanyang fans sa meet and greet kamakailan.


May nagreklamo kasing isang fan na diumano’y itinulak siya ng kapatid ng singer sa meet and greet pagkatapos ng Super Divas (SD) concert. 


Ang kapatid umano ng singer na nagngangalang Diana ang itinuturo ng isang fan.

Ayon sa Asia’s Songbird, walang naganap na pagtulak at may hawak siyang video bilang ebidensiya na magpapatunay dito.


Nilinaw niya na ibang tao at hindi ang kanyang kapatid ang nagsabi ng linyang “Kayo ba magbabayad sa venue?”


Ipinaliwanag din ng singer na bagama’t gusto niyang gawing espesyal ang bawat meet and greet, may mga pagkakataong limitado ang oras kaya’t may mga dapat sunding patakaran.


Nag-post si Regine sa kanyang X (dating Twitter) account ng pasasalamat sa mga nanood ng concert nila ni Vice Ganda. Sinamahan na rin niya ito ng paliwanag na may mga pagkakataong hindi posible ang lahat ng inaasahan ng mga fans sa meet and greet. 


“Unfortunately, hindi ganu’n lagi, kasi wala tayong oras,” paliwanag ng singer, na binigyang-diin din ang pagod na nararanasan ng mga artista pagkatapos ng isang mahabang performance.


“I also want to correct her, that my sister Diane didn’t push you or said ‘Kayo ba magbabayad sa venue?’ It was the other girl who actually said that,” dagdag ng Asia’s Songbird, sabay banggit na siya mismo ang nakarinig sa totoong nagsabi nito.


Ipinaliwanag pa niya na bago magsimula ang meet and greet, malinaw na pinaalalahanan ang lahat ng attendees na group photo lamang ang gagawin. 


Gayunman, may ilan pa ring nagte-take ng selfies, kaya’t kailangan ng team na ayusin ang daloy ng pila at tiyaking ligtas ang lahat.


“By the way, I have the video that you were not pushed by my sister. My sisters and the rest of the people there were just trying to make sure we’re safe,” aniya pa.



Hindi raw baliw… ESNYR, UMAMING MAY MULTIPLE PERSONALITY DISORDER



TSIKA ni Esnyr Ranollo, hindi niya akalaing may multiple personality disorder siya na na-diagnose raw sa online.


Sa interbyu ni Karen Davila, natanong ang dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kung ilang karakter na ba ang nagagawa ni Esnyr sa mga contents nito.


Nakilala si Esnyr na isang sikat na content creator sa social media bago pumasok sa mundo ng showbiz. Sikat na sikat na siya sa social media platforms dahil sa mga nakakatawa at nakakaaliw na videos niya tungkol sa mga nangyayari sa loob ng school.


Aniya sa vlogger/journalist, “16 po s’ya, actually. Actually, puwede na akong magtayo ng isang buong barangay na puro characters ko po lahat.”

Dahil sa iba’t iba niyang karakter ay nagtanong uli si Karen, “Hindi ka ba slightly psychotic (baliw)?”


“May nag-diagnose na po sa akin dati online na may multiple personality disorder daw ako. Wala po akong ganu’ng background,” natatawang sagot ni Esnyr.


Paliwanag niya, “I am healthy po. Just to clear things up. Healthy naman po ako as a person. Pero ‘yun po, I just love portraying lang po talaga.”


Ilan sa mga pak na pak na karakter ni Esnyr sa kanyang school series content ay sina Precious, Ma’am Castro, Charlotte, Balong at Andrei.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 15, 2025



Photo: Yen Santos - YT


Mas pinili ni Yen Santos ang mag-concentrate sa kanyang YouTube (YT) channel kesa atupagin ang mga bashers na wala namang naidudulot na maganda sa kanyang career. 

Nag-e-enjoy ang aktres sa paghahanap ng bagong content para sa kanyang vlog.


Hindi naman tatalikuran ni Yen ang showbiz, patuloy pa rin siyang aarte kung may magandang project na io-offer sa kanya.

Sey nga ng mga netizens…


“‘Di ako fan at ‘di rin ako hater. Pero okey na ‘yan, pumasok s’ya sa YT. At least, may pumapasok na income.”


“Sana lang, hindi naninisi o nanira pa ng iba. Lalo lang nainis ang mga tao sa kanya.”

Hater lang talaga siguro ni Yen ang ibang commenter tulad ng nagsabi ng, “Nag-cleansing si Ante. Medyo manipulation ng image na ginagawa n’ya. PBB (Pinoy Big Brother) pa lang, nasa toxic group na ‘to, eh.”


“Ba’t parang hindi genuine ‘yung pagtawa n’ya.”

“Parang bagong panganak si Ante.”


Oh, ‘yan, Yen. Bago na namang isyu. Ilang beses ka bang manganak sa isang taon? 

Hahahaha!


KIM AT ATE NIYANG SI LAKAM, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA SA IG 


GUMAWA ng ingay sa social media ang pag-unfollow sa isa't isa sa Instagram ni Kim Chiu at ng kanyang Ate Lakam.


Ayon sa mapanuring mata ng mga netizens, hindi na raw nila nakikita sa listahan ang pangalan ng sister ni Chinita Princess na naka-follow sa kanyang account, gayundin naman daw ang name ni Kim sa listahan ng kanyang Ate Kam.


Dahil dito ay na-curious ang mga netizens kung ano ang naging dahilan ng pag-unfollow ng magkapatid sa isa't isa.


Sa loob ng maraming taon, ang kanilang relasyon ay nakikita ng mga tagahanga, kaya ang biglaang pagbabago ay naging usap-usapan sa social media.


Sa ngayon ay wala pang nagsasalita sa publiko isa man sa magkapatid kung bakit sila naka-unfollow sa isa’t isa. Isang malaking question mark ito, lalo na sa mga tagahanga ni Kim Chiu.



ANG daming nagtatanong kung sasabak daw ba si Nadine Lustre sa isang pageant. May nakakita kasing nagte-training ang aktres na siyang ginagawa ng mga gustong sumali sa isang beauty pageant.


Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagsasanay ang aktres ay paghahanda pala ito para sa kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ngayong taon.

Ibinahagi ng Viva Artists Agency ang larawan at ibinunyag din kung ano ang kanyang pinaghandaan.


Ayon sa larawan na ipinost ng Viva, “SPOTTED: Naghahanda si Nadine Lustre para sa kanyang upcoming MMFF movie project ng award-winning director na si Jun Lana.”


Ang pelikula ay ang pagsasamahan nila ni Vice Ganda na may title na Call Me Mother (CMM), na opisyal entry sa MMFF 2025. Ang pelikulang ito ay co-produced ng ABS-CBN Film Productions Inc., The Idea First Company, at Viva Communications Inc..


Sa nakaraang MMFF ay may entry din si Nadine, ang Uninvited, kung saan nakatrabaho niya ang mga icons na Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang dating matinee idol na si Aga Muhlach.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 14, 2025



Photo: Kristine Hermosa-Sotto - IG


Na-shock si Kristine Hermosa sa payo ng mother-in-law na si Dina Bonnevie hinggil sa sex in marriage.


Kasama ng batikang aktres ang mga anak na sina Oyo Boy at Danica Sotto at ang kanyang mga manugang na sina Kristine Hermosa at Marc Pingris sa kanyang YouTube (YT) na House Of D (HOD).


Ang topic ng pamilya ay tungkol sa married life. Nagbigay ng payo si Dina tungkol sa magandang pagsasama ng isang pamilya lalo na ang tungkol sa sex para sa mag-asawa.


Komento tuloy ng mga netizens…


“Kaya pala walang kahirap-hirap manganak, may marathon si Kristine bago mag-menopause.”


“Ganyan po ba dapat ka-vulgar, Ma’am?”


“Ito ang dahilan kung bakit nananatili s’yang buntis, LOL (laugh out loud), you go girl.”

“Kung may dyowa ka, may asawa, gawin mo na lahat! Wala nang arte-arte!”


“Ganitong usapan talaga ang masarap. Malaya! Dami kasing maarte!”


“So now we all know ‘pag masungit ka, always bad mood, mahirap ka ka-bonding, kulang silang lahat sa churva (sex)!”


“Mga couples na swak sa maganda ang samahan, like Iya and Drew, Marian and Dingdong, Gladys and Christopher, Judy Ann and Ryan. Sinu-sino pa ba? S’yempre, sina Kristine at Oyo. Sila ang mga nagtatagal at may forever dahil sa tinatawag na may chemistry talaga sila. Mga naghihiwalay agad na mag-asawa, madali lang sila mag-decide kasi so-so lang ang relasyon nila. Opinion ko lang po ito, ha?”


“Kung hindi siguro naghiwalay sina Dina at Vic, baka tambak din ang anak nila.”

“Si Pingris, natutulala na.”


“Sa ganyan namang usapan, tahimik talaga ang mga lalaki. Tulad nu’ng vlog ni Alex, parang sina Mikee at Paul pa nahihiya, at ‘yung interview ni Tito Boy kay Gladys, parang ‘yung asawa pa nahihiya nu’ng sinabi ni Gladys na panggising ang isinusuot n’ya at ‘di ‘pantulog ‘pag matutulog na sila.”


“Mala-Mama Mary ang mukha pero ang tabas ng bibig, nakakaloka! Depende pa raw kung ilan ang kaya? Diyos ko, kaya pala ang daming anak!”


“Well, it’s just sex and they are adults, what’s wrong with that?”


“Pinanood ko kung ano’ng kalaswaan sinabi ni Kristine, wala naman. Sinabi lang na dapat pagbigyan ang babae maski pagod. What is wrong with that? If you are married, alam mo na. Kung babae ka at wala ka sa mood, pagbigyan mo pa rin asawa mo, so it’s a tie.”


“Baka daks si Oyo! Kaya walang emeng sumagot si Kristine.”

“Ang cute ng usapan, adult mom with her adult children and in-laws. Wala namang nasabing very off, may sex word lang, eh. Hindi naman malaswa ang pag-uusap nila.


‘Yung opinyon ni Tin, nakakatuwa nga kasi honest s’ya that she’s the one who wants ‘it’ sometimes. At pareho pa sila ni Danica. Ano naman ang off du’n? Eh, maayos naman nilang nasabi? Mas wild pa nga mag-usap ‘yung iba tungkol d’yan, eh. As in ‘pag naririnig mo, hindi nararapat na! Wala naman offending sa mga remarks nila. Grabe naman mga bashers!”


“Ma-L pala si Dyosa Tin. Well, ganu’n naman talaga, natural lang ‘yun sa mga tao lalo na ‘pag may asawa.”



Nagulat pero agad na natuwa si Andrea Brillantes nang kumpirmahin ng matalik niyang kaibigan na si Bea Borres na siya’y buntis, isang balitang unang umingay sa blind item bago tuluyang isinapubliko ng content creator.


Tinawagan ni Bea si Andrea at sinabing siya ay preggy na. Ang unang naisip ng young actress ay niloloko na naman siya ng kaibigan.


Nakaramdam si Bea ng kaba dahil sa ibang nararamdaman sa katawan, pero tiniyak ni Andrea na nandiyan siya para sa BFF kahit ano’ng mangyari. 

Ang kanilang pag-uusap ay nagpakita ng matibay na pagkakaibigan at suporta sa isa’t isa.


Sa vlog na inilabas, inihayag ni Bea ang balita sa pagtatapos ng video.

Ani Blythe (Andrea) kay Bea, “‘Wag mo akong i-prank ngayon, Bea. Sobrang hindi ako okay.”

Sagot ni Bea, “Kinakabahan na nga ako, eh.” 


Nang matiyak ni Andrea na totoo ang sinabi ng kaibigan, buong suporta niyang sinabi, “‘Wag kang kabahan. Nandito ako para sa ‘yo, Bea.”


Well, napatunayan nina Andrea Brillantes at Bea Borres na higit pa sa kilig at tawanan, ang tunay na magkaibigan ay handang sumalo at sumuporta sa isa’t isa sa mga pinakamahalagang yugto ng buhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page