top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 19, 2025



Vice Ganda - IG

Photo: Vice Ganda - IG



Si Heart Evangelista ang bagong endorser ng isang food chain at pinalitan umano niya si Vice Ganda.


Tanong ng mga netizens, “Kinakain ba ni Heart ang ine-endorse n’ya?”

Komento naman ng ilan, “Damage control!!!! From a GAMBLING ICON Vice Tanda to a FASHION ICON Heart Evangelista real quick! Excellent choice!” 


May nagsabi rin na, “Wala namang issue rito. Lagi sila nagpapalit ng endorser lalo ‘pag tapos na ang kontrata. Kung wala na si Vice, ibig sabihin, paso na ang kontrata. Hindi naman siguro t*nga ang management ng food chain para i-revoke agad ang kontrata dahil sa issue. Hayyy! Isip-isip din.”


Sey pa ng isa, “Of course not, may kontrata ‘yan sila. At kung talagang naapektuhan ang management sa panawagan (boykot) ng DDS (diehard Duterte supporters), dapat naglabas na sila ng statement. Besides, magkaiba ang putahe na ine-endorse nila. Huwag na silang intrigahin.” 


Ani pa ng iba, “Endorser pa rin nila si Vice. Malaki na ang naipasok n’yang pera sa food chain na ‘yan!”


Huwag na raw intrigahin ang dalawang food chain endorsers, lalo na si Meme Vice, dahil hanggang ngayon ay ine-endorse pa rin niya ang nasabing brand.


Katunayan, nang magbalik siya sa It’s Showtime (IS) last Saturday matapos ang successful concert nila ni Regine Velasquez ay tuwang-tuwa niyang

pinasalamatan ang audience, sabay sabing “Lahat kayo ay ililibre ko ng McDo!”

Bongga!



Piktyur nila, ifinlex sa IG…

BAGONG LABS NI CARLA, MALAKING TAO



May bagong post si Carla Abellana sa kanyang Instagram (IG) account pero hindi ang kanyang face kundi dalawang pares ng paa ang makikita – ‘yung kanya at sa isang guy na naka-rubber shoes.


Naging usap-usapan sa social media ang posted photos ng Kapuso actress. Ang caption na inilagay ni Carla ay tatlong purple heart emojis lang. 


Agad itong nakakuha ng atensiyon mula sa kanyang mga fans at in-assume nila na baka pahiwatig ng aktres na may bago na uli siyang napupusuan.


Kinumpirma kasi ni Carla sa isang panayam sa sidelines ng GMA Gala 2025 na may muling nanliligaw sa kanya. Kaya na-curious ang kanyang mga fans sa misteryosong larawan.


Komento ng mga netizens, “‘Yan na! Big guy, huh? Sana malaki rin ang puso n’ya.”


“Deserve mo, mumshie sa bawat antas.”


“Ang ibig sabihin ng mga lilang (purple) puso, hinahangaan mo s’ya.” 


“Masaya para sa ‘yo, Carla.”


“Deserve mo maging masaya.”


“He’s one lucky guy.” 


“Aray ko!!! Finally!!”


"Taga-F1 ba ‘yan, Ms. Carla?” 


“Face reveal, Carla!”


Si Bea Alonzo naman ay napa-“Awww!” sa tuwa.



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 18, 2025



Vico Sotto at Gardo Versoza - IG

Photo: Vico Sotto at Gardo Versoza - IG


Viral ngayon ang post ng beteranong aktor na si Gardo Versoza matapos purihin si Pasig Mayor Vico Sotto, dahilan para muling maging usap-usapan ang estilo ng pamumuno ng batang alkalde.


Aniya, “Si Mayor VICO SOTTO, kapakanan ng tao talaga ang inuuna, hindi puro porma. Wala sa edad ang pagiging Presidente, nasa hustong edad nga, wala namang pinagkatandaan. Siya na talaga ang huling baraha ng ‘Pinas, kundi pa asap (as soon as possible), tuluyan nang malulugmok ang ating bansa (crying emoji).”


Dahil dito, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon.

Ilan sa mga komento ay personal pang sinagot ni Gardo, dahilan para lalong umani ng pansin ang kanyang post.


“Hi, Gardo. We need more celebrities like you to awake the Filipinos’ sense of patriotism that has lost its essence since some politicians’ principle,” komento ng isang netizen, na agad namang pinasalamatan at sinagot ng aktor.


Sey pa ng isang netizen, “Salamat po, mawawalan kasi ng saysay ang pagiging pag-asa at kinabukasan ng mga kabataan kung hahayaan lang ang mga kawatan.”

Isa pang netizen ang nagpahayag ng pag-asa na balang-araw ay tatakbo si Mayor Vico bilang pangulo. 


“Hope 2028 for President Vico Sotto, para makaboto na rin ako habang buhay pa ako,” aniya.


Sumang-ayon naman ang aktor at sinabing sana ay tumakbo rin si Mayor Vico bilang pangulo.


“Sana nga, the sooner, the better na s’ya ang maging President. Pinangalanan n’ya ang mga hindi tapat na maglingkod at ang mga walang patawad kung mangurakot,” sabi pa niya.



BAGO pumasok ang grand winner na si Mika Salamanca sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab, nakagawa pala siya ng cover song na Sino Nga Ba Siya. Isa itong revival song na originally composed by Vehnee Saturno at unang inawit ni Sarah Geronimo.


Mabilis na nanguna sa iTunes PH at UAE ang debut single ni Mika. Nakakuha rin ito ng spots sa Singapore, Cambodia, at Qatar.


Sa Spotify, nalampasan na nito ang 250,000 streams, habang ang lyric video ay nakakuha ng mahigit 238,000 views sa YouTube (YT) sa loob lamang ng isang linggo.


Napakaemosyonal ng pagkakaawit ni Mika na tila ina-apply niya sa kanyang sarili. Punumpuno kasi ng pain ang kanta at ng unanswered questions of betrayal. Tuloy, may nagtanong kung na-experience na ba niya ang sinasabi sa kanta.


Ito ang naging sagot ng singer, “Salamat! Isa pa lang ‘to sa mga ilalabas naming kanta. Excited ako not just for me but also for you guys to hear it.”


Ang nasabing kanta ay inawit din ni Mika sa PBB: The Big ColLOVE concert kasama ang mga PBB housemates, kung saan naka-duet niya si Klarisse De Guzman sa Araneta Coliseum kamakailan.



KAILA AT SUE, PALIT KINA JULIA AT BELA SA SERYE



OPISYAL nang pinalitan nina Kaila Estrada at Sue Ramirez sina Julia Barretto at Bela Padilla sa upcoming Kapamilya series na What Lies Beneath (WLB).


Nauna nang naiulat ang pag-backout ni Bela dahil sa 2 pelikula na kanyang ginagawa. Masaya siya dahil ang ipinalit sa kanya ay isa rin sa mga paborito niyang aktres na si Sue.


Hinggil naman kay Julia, napabalitang may gagawin siyang bagong serye sa TV5 with Enrique Gil kaya umano ito umatras. Ang WLB sana ang magsisilbing comeback serye ng balik-Kapamilya actress, pero napunta na kay Kaila.


Comeback project na rin ito ni Kaila sa RCD Narratives kung saan siya unang nabigyan ng big break sa Viral Scandal (VS), na pinagbidahan noon ni Charlie Dizon na makakasama niyang muli sa serye matapos ikasal kay Carlo Aquino.


Balik-acting din ito para kay Sue matapos ang 3 taon, kung saan naging markado ang kanyang pagganap bilang si Lexy sa Pinoy adaptation ng Doctor Foster (DF), ang The Broken Marriage Vow (TBMV).


Makakasama rin nila sa WLB sina Janella Salvador, JM De Guzman at Jake Cuenca.

Komento ng isang netizen sa pag-atras ni Julia, “If ever na ‘yun ang reason ni Julia, sayang, nagkamali s’ya ng tinanggihan.”


Dagdag pa ng isa, “Mas okey ‘yun dahil taga-Star Magic talents ang nabigyan nila ng project kesa sa mga dating talents ng Star Magic na sina Julia at Bela. Mas pinili nila magpa-manage at lumipat sa Viva na laging pinipirata ang mga talents ng Star Magic, kaya tama lang na mas priority ng ABS-CBN ang Star Magic talents nila.”


Ipinagtanggol naman si Bela ng isang commenter. Valid umano ang rason ng aktres kumpara kay Julia.


Sey nito, “May movie kasi si Bela Padilla pero solid Kapamilya talaga s’ya. ‘Di lang kaya ng sched, need ng pahinga.”

May isa pang pabirong komento mula sa fans.


“‘Yan, mga Marinella fans, tama na paghahabol n’yo sa I Love You 1892. May project na ang idol n’yo na si Janella. ‘Wag na kayo choosy at manulot dahil kay Heaven na talaga ‘yung sinusulot n’yong role ni Carmela. Tama na ang bash (bashing), may nanalo na.”

May nagpasalamat din, “Thank you, God, stay pa rin si Janella. Paano ‘yung mga na-taping na ni Julia?”


At may isa pa, “Bilang na pala ang mga araw ni Miguelito (Jake Cuenca) sa BQ (Batang Quiapo), eto pala ang lilipatan n’ya.”


Sumang-ayon din ang ilan, “Yes, much better than Julia. Sue and Kaila are great actresses.”

Bongga!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 17, 2025



Julia Barretto - IG

Photo: Julia Barretto - IG


Marami ang nakakapansin sa labis na kapayatan ni Julia Barretto kaya’t may nagtatanong kung may kinalaman ito sa relasyon niya kay Gerald Anderson, na madalas madawit sa iba’t ibang isyu.


Bagama’t fake news umano ang mga balitang ikinasal o nagkaanak ang aktor, hindi pa rin mapigilan ng mga netizens ang magkomento.


Komento ng mga Marites…


“Hitsura ni Julia, laspag na laspag na. Ganda na lang natira sa kanya.”

“Mas lalo s’yang gaganda kung tumaba nang konti.”

“Walang laman ang harapan.”

“Para s’yang mahabang tabla ng kahoy.”

“Broken-hearted kasi s’ya.”

“Signs of depression.”

“Nakonsumi kay Gerald kasi babaero.”

“Her breast sags.”

“I thought it was the wife of Popeye’s OLIVE.”


May nagsabi pang tuyot na sa kapayatan ang aktres. 



Sa 19th birthday… 

BARON AT NADIA, NAGSAMA PARA SA ANAK


SA kabila ng isyung kinakaharap ni Nadia Montenegro, hindi niya nakalimutan ang kaarawan ng anak nila ni Baron Geisler na si Sophia. 


Nagdiwang ng 19th birthday ang anak kasama ang kanyang mga magulang. First time nilang nagkasama sa celebration bilang isang pamilya.


Naroon din ang misis ng aktor na si Jamie, na nakunan pa ng larawan kasama si Nadia, patunay na maayos na ang relasyon ng kanilang blended family.


Bagama’t nasabay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Nadia kaugnay ng umano’y marijuana incident sa Senado, ikinatuwa ng mga netizens ang makikitang closeness nina Nadia at Jamie.


Noong Mayo 2025, kinumpirma ni Nadia na nasa pangangalaga ni Baron si Sophia simula Pebrero bilang paghahanda nito sa kolehiyo. Aniya, maganda na ang komunikasyon nila ni Baron bilang mga magulang ni Sophia at nagtutulungan sila para sa kinabukasan ng kanilang anak.



ITINALAGA si Frankie Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan, bilang bagong chairperson ng Committee on Youth ng Senate Spouses Foundation.


Ipinagmamalaki ng Megastar ang bagong achievement ng anak, habang muling nahalal si Heart Evangelista, misis ni Senate President Chiz Escudero, bilang presidente ng foundation.


Binigyang-diin ni Frankie na ang kanyang aktibismo ay bunga ng patriotismo at hindi pulitikal na ambisyon. Aniya, isa itong hakbang para sa mga kabataang tagapagtaguyod ng pagbabago.


Sa social media, ipinahayag ni Sharon ang tuwa at paghanga sa pagtanggap ng anak sa bagong responsibilidad. Positibo rin ang reaksiyon ng publiko sa kakayahan ni Frankie na magbigay ng boses sa kabataan.


Kasama sa foundation sina Mariel Rodriguez-Padilla at Ciara Sotto. Nakatutok ito sa civic at social welfare projects tulad ng community outreach at charitable activities.

Pahayag ni Frankie, wala sa plano niya ang pumasok sa pulitika. Isa lamang daw siyang mamamayang Pilipino na nais makita ang pagbabago.


Ang bagong tungkulin niya ay magbibigay-daan sa pagtutok sa mga programang may kinalaman sa edukasyon, mental health awareness, at youth empowerment.


Nitong Mayo lang ay nagtapos siya ng kolehiyo sa Barclays Center sa New York, kaya mas may time na ngayon si Frankie sa kanyang bagong responsibilidad.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page