top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 24, 2025



Mayor Vico Sotto at Korina Sanchez-Roxas - FB, IG

Photo: Mayor Vico Sotto at Korina Sanchez-Roxas - FB, IG


Sinagot na ng team ni Korina Sanchez si Pasig Mayor Vico Sotto kaugnay ng ipinost nito laban sa panayam ng broadcast journalist sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.

Ang mag-asawang Discaya ay konektado sa malalaking kontrata sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng kanilang mga kumpanya.


Ayon kay Mayor Sotto, nakapagtataka kung bakit handang gumastos ng P10 M ang mga contractors para lamang sa isang panayam. 


Kaagad namang umalma ang kampo ni Korina at tinawag na ‘malicious’ at ‘libelous’ ang naging pahayag ni Sotto. 


Iginiit nila na ang panayam ay isang ‘lifestyle feature’ at hindi investigative report, at walang basehan ang alegasyong may P10 milyong ibinayad kapalit ng interview.


Ayon kay Julius Babao, ang kanyang vlog ay ginawa upang magbigay-inspirasyon sa mga ‘rags-to-riches’ stories at walang kinalaman sa pulitika noong panahong iyon.

Tugon naman ng kampo ni Korina, “Mahal kong Mayor Sotto, ang mga platform na Korina Interviews at Rated Korina ay parehong ipinagmamalaki ang kanilang pamantayan sa pagkukuwento at produksyon. Ang aming host na si Ms. Korina Sanchez-Roxas ay iginagalang sa industriya para sa napakatibay na dahilan.


“Una, sa pagpili ng mga paksa para sa aming mga palabas, dapat mayroong interes ng publiko at may kuwento na sasabihin. Ikalawa, mahigpit na ipinagbabawal ang pamba-bash o paninirang-puri sa ibang personalidad o negosyo. Ikatlo, ang mga paksa ay nagsasabi lamang ng kanilang sariling kuwento ng buhay. Hindi ito investigative piece.


“In the case of Sara and Curlee Discaya, their rags-to-riches story is their story. Bagama’t hindi nilayon na maging investigative kundi simpleng feature ng tagumpay, kung may anumang bagay na hindi totoo pagkatapos maipalabas, bahala na ang nag-aakusa na patunayan.


“In fairness to Ms. Sanchez, she only found out she was interviewing a Pasig mayoralty candidate on the day of taping. The interview was conducted well before the campaign period, aired in November 2024 and January 2025. Yes, there are payments for certain businesses, products, personalities, companies, or politicians, much like payments for advertisements, and these go to the network with an official receipt issued to the client. There is no such thing as a 10-million peso placement for an interview.


“To insinuate that our show is irresponsible in only airing what is paid for is slanderous. Mr. Mayor, just because you won your seat of public trust does not give you license to cast doubt on the integrity of seasoned journalists simply because they interviewed your opponent.

“The Discayas are not allowed to use the interview video they are propagating, and legal action shall be taken on this matter. While we recognize free speech and the platforms with which we express opinions, there is also such a thing as thoughtful restraint that benefits truth and fairness. We all claim to be Christian, after all.”


Ano kaya ang mangyayari sa susunod na kabanata ng gulong ito? Makakasuhan kaya si Mayor Vico Sotto? 


Samantala, ang dami namang nakisawsaw agad sa isyu at nagpahayag ng kani-kanilang opinyon sa socmed.   


"Alam mo, Ms. Korina, ‘di po nakakatuwa na mag-interview ka ng ganyang mga tao na ipinagmamalaki ang pagyaman nila ay pagiging contractor ng govt. through DPWH project. At ipinakikita pa sa interview mo ang lavish lifestyle nila. Si Mayor Vico po ay may prinsipyo at ‘di corrupt. You listen and understand well ang punto ng post niya. Sobrang defensive n’yo po, eh."


"A staff member for Korina said in a response that Korina only found out who she was interviewing on the day of the interview. C'mon… Knowing Korina, and yet she didn't know who she was going to interview."


"Tagalog-English naman ang post ni Mayor Vico, bakit hindi naintindihan ng kampo ni Korina?


“Mayor Vico didn’t directly accuse Korina nor Julius of a specific crime. What Vico did was point out a "practice" that famous journalists sometimes interview politicians or contractors in exchange for large payments. Vico framed it as an "ethical issue", he even said "maybe they didn't do anything technically illegal pero shameful". He mentioned the Php 10 million and clarified in the footnote. You're overstretching by saying "there is no such thing as a Php 10 million placement" because Vico never claimed there was. He said figuratively that large sums are being spent, then clarified in the footnote. Vico didn’t invent anything neither. The interviews are public, and the issues of paid "lifestyle features" is already a known discussion in media ethics. Vico Sotto's post was about media ethics and systemic corruption, not a personal attack nor insult meant to destroy someone's character."


"Sabi ng kampo ni Korina, simpleng kuwento lang daw ‘yun at walang ₱10M bayad. Pero ang mas malaking issue dito ay tiwala ng tao sa media... Kahit pa storytelling lang, kung nakakapagpabango ito sa mga may kaso ng corruption, nababawasan ang kredibilidad ng pamamahayag…”


“Dapat ang journalism ay para sa tao, hindi para sa makapangyarihan."

"Mayor Vico is regarded as one of the most trustworthy government officials, a leader whose integrity and genuine dedication to public service makes him truly dependable kaya kung anuman ang sabihin niya, lahat may basehan at katotohanan at naniniwala kami sa kanya, ‘di man kami taga-Pasig."


Nagbiro pa ang commenter, "Focus na lang kasi sa pagbibigay ng tsinelas. Para hindi nabubuking, PS, pahingi nga kami ng tsinelas."


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 23, 2025



Sue Ramirez - IG @sueannadoddles

Photo: IG @sueannadoddles


Hindi maitago nina Sue Ramirez at Dominic Roque ang kanilang kilig sa social media matapos magpalitan ng sweet messages sa Instagram (IG) na agad namang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga fans at netizens.


Ani Sue sa kanyang BF na si Dom, “Hayyy, ang suwerte ko. Hehehe!”

“Suwerte ko rin naman,” reply ni Dom sa comment section.

Ipinagdasal ng kanilang fan, “Lord paki-ingatan po ang dalawang ito, please.”


Sey pa ng ibang netizens:


“Para lang siguro sa movie ‘to @senyoraofficial.”


Ang vlogger na si Senyora na alam ng mga fans na crush ang aktor ay nagsabing, “Mukha naman. Malapit na siguro showing.”


Sagot ng isang netizen, “Naaawa na talaga kami sa ‘yo, @senyora.”

Sabi naman ng isa pa, “Iiwanan na lang din ‘yan tulad ng ginawa n’ya kay Bea. Good luck, Sue.”


“Suwerte raw sila, eh, mas suwerte si Bea, billionaire ang jowabels.”

“Pogi naman ng boyfriend mo, Sue.”


Sagot ng aktres, “Sobra po.”



HINDI na mapipigilan ang kasikatan ni Shuvee Etrata. Sa lahat ng kasamahan niyang lumabas sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, siya ang laging nagkakaroon ng write-up at laman ng social media platforms.


Very busy ang young actress dahil kaliwa’t kanan ang paggawa niya ng commercials. May bago na naman siyang ine-endorse ngayon para sa isang sanitary care product. Ang cute ng video habang ipinakikilala siya ng management.


Ani ng mga fans ni Shuvee:


“Yay! A wild Ariyah spotted. It was lovely meeting you, Shuvee.”

“Well deserved.”


“Love your eloquence, your deep and brilliant answers and your fierce spirit. You truly are a beauty queen, Shuvee, and will always cheer for you.”


“Nakaka-proud naman ang babaeng ito.”

“Her being well-spoken is really amazing.”


“Let’s engage Shuvee’s IG account and all of her endorsements! Padayon Queen.” 

Padayon means keep going or move forward.



IBINULGAR na ni Denise Laurel ang kasalukuyang relasyon niya sa biological father ng kanyang anak.


Guest ang aktres sa YouTube (YT) channel ni Karen Davila kung saan ang topic nila ay

tungkol sa set-up nila ng ama ni Davian Alejandro o mas kilala sa tawag na “Bulkie”.

To recall, nabuntis si Denise at nagdesisyong maging single mom sa edad na 23. Nasa peak siya ng career noon. Inamin niyang hindi pa siya handa, pero ginusto pa rin niyang maging isang ina.


Tinanong siya ni Karen Davila kung ang kanyang 14-year-old na anak ay nagtatanong tungkol sa kanyang biological na ama. Dito ibinahagi ng aktres kung ano’ng uri ng relasyon ang mayroon sila ng ama ng anak.


Naalala niya na nagsimulang magtanong si Bulkie tungkol sa kanyang ama noong panahon ng pandemya. Tinanong daw siya ng anak kung ano’ng uri ng tao ang kanyang ama, kung isa raw itong mabuting tao, bukod sa iba pang bagay.


Bilang ina, hindi sumagi sa isip ni Denise na ilihim kay Bulkie ang tungkol sa ama nito.

Sagot niya kay Karen, “No, they’re not in touch, but I did tell him na ‘pag ready na s’ya maging tatay at maging present, then he can fully come into the picture. But if he’s gonna be wishy-washy (not sure), ‘wag muna.”


Well, sino nga kaya ang ama ng anak ni Denise Laurel? Nakakaintriga naman!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 22, 2025



Shaira Diaz - IG

Photo: Shaira Diaz - IG


Bilib ang mga netizens sa love story nina Shaira Diaz at Edgar Allan “EA” Guzman. Imagine, 12 long years ang kanilang relasyon, pero napanindigan nila na igalang ang isa’t isa.


Kaya naman, tinawag ng mga netizens na ‘Queen of Virgin’ si Shaira dahil never ito umanong nagpagalaw sa kanyang longtime boyfriend hanggang sa sila ay ikasal last August 14.


Ayon kay EA, naging role model umano sila sa ilang kabataan dahil sa nagawa nila ni Shaira na hindi galawin ang isa’t isa sa tagal ng relasyon nila.

“Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still (a virgin), kaya ko s’ya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganu’n. 


“Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save (ang virginity), kaya after marriage. So para sa akin, wow!” ani EA.



Kadiri raw… “PAHUBAD OOTD” NI CARLOS SA KASAL, NILAIT NG MGA NETIZENS



Pinakasalan na ni Carlos Agassi ang kasosyo niya sa negosyo na si Sarina Yamamoto pagkatapos ng pitong taon.


Sa Instagram (IG) account ng aktor, aniya, “I never imagined myself being so emotional in my life, tears of joy as I married my soulmate, bestfriend & partner for life. Jokes aside, mas marami pa akong iyak kesa kay Misis. LOL (laugh out loud).”


Aniya pa sa latest post, “7 years stronger together forever. Marriage is forever so only get married when you are 101% sure. Mahiya ka naman kay Lord, sa sarili mo, sa asawa mo. You have a choice, choose forever happily ever after putting God above or else.”

Komento ng mga netizens…


“In fairness! Nilaro pa rin nila ‘yung kasal nila sa outfit but I love it. Sobrang uso!”

“Congrats! Pero kadiri ‘yung 3rd pic, ‘di na nakaka-yummy.”


Ang tinutukoy ng nag-comment ay ang wedding photo nina Carlos at Sarina kung saan kitang-kita ang mabuhok na dibdib at abs ng aktor sa kanyang suot.


“Ba’t parang nag-iba mukha ni Kuya Carlos?”


“Bakit naman ganyan suot mo, Carlos? Kailangan ba talaga, kita dibdib? Like kadiri mga hairs sa dibdib.”


“‘Di man lang inayos ang pagkaka-edit. ‘Kaloka! Hahaha!”


“Proud siya lagi sa abs n’yang tuyot na? Anyway, congrats, akala ko matagal nang kasal kasi Agassi na ang last name ng partner n’ya.”


“Ang tacky lang nu’ng pahubad effect.”


“Over naman sa filter, pero I love their wedding outfit! (Except sa pahubad ni guy). Lalo na sa bride, ang unique ng wedding dress. It’s really them. Hahaha! Ang cute.”

“Ang ganda ng wedding dress, I like the style.”


Nakakaloka naman ang isang commenter na ang sabi, “Wala pa man pero alam mo na agad kung ano’ng ending ng marriage nila.”

Ganern?!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page