ni Beth Gelena @Bulgary | August 30, 2025

Photo: Jessica Soho tungkol sa diumanong maanomalyang flood control projects - KMJS FB
Speaking of Anne Curtis, hindi napigilan ng actress-TV host na ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa patuloy na isyu ng mga ‘ghost flood control projects’ sa bansa lalo na sa mga sinabi ni Jessica Soho tungkol dito.
Aniya, “When ma’am @KM_JessicaSoho said, ‘Hindi na pala baha ang magpapalubog sa ating bayan kundi kasakiman!’ Sakit!”
Bukod kay Anne, nagbahagi rin ng komento sina Nadine Lustre at Bianca Gonzales laban sa isyu ng korupsiyon.
Bukod sa masakit ay nakakagalit naman talaga ang mga sakim sa pulitika na ibinubulsa ang pera ng bayan.
Well, hamon pa nga ni Jessica Soho, sila naman ang lumusong sa baha.
MAGBABALIK-TAMBALAN sina Anne Curtis at Jericho Rosales sa pelikula ni Irene Villamor under Viva Films, ang #TheLovedOne (TLO).
Unang nagsama ang dalawa noong 2008 sa pelikulang Baler at nasundan sa Philippine adaptation ng Korean drama na Green Rose (GR) noong 2011.
Marami namang netizens ang naghihintay na muling magkatrabaho ang dalawang A1 artist.
Komento nga nila…
“Swak, bagay… kape’t gatas… nagki-click talaga ang ganu’n like Rico-Claudine, kape’t gatas din, Nora & Tirso.”
“Abangan ko ‘yan, mga lodi ko na sina Jericho Rosales and Anne Curtis.”
“Pamagat pa lang, interesting na. Yes, yes, yes… Anne and Echo, swak talaga kayo para d’yan sa movie.”
“Sina Anne at Sam Milby sana. Miss ko na ‘yung linyahan nila sa Maging Sino Ka Man.”
May nagtanong naman, “Bakit hindi si Janine Gutierrez?”
Sa pagkakaalam namin ay may pelikula na silang ginagawa na hindi pa lang inire-reveal.
ISA nang ganap na Navy reservist ang aktres na si Kim Domingo na napapanood sa Batang Quiapo (BQ).
Kaya pala sanay sa action ang actress lalo na sa paghawak ng baril ay nag-training pala siya sa Philippine Navy. Opisyal na natapos ni Kim ang pagsasanay sa Philippine Navy, isang milestone sa labas ng kanyang showbiz career.
Natapos niya ang Basic Citizens Military Course (BCMC) Class 03-2025, isang programa na naghahanda sa mga indibidwal para sa serbisyo ng Navy Reserve Force.
Nakakuha si Kim ng Certificate of Merit matapos pumangalawa sa kanyang klase, na nagpapakita ng kanyang disiplina at determinasyon.
Ibinahagi ni Kim ang kanyang pagmamalaki sa pagkumpleto ng kurso at nag-post ng mga larawan na naka-uniporme sa kanyang social media account, kasama rin ang ilang kuha ng kanilang pagsasanay.
Sey niya, “Bawat push-up, bawat milya, bawat sandali ay humantong sa ganito. Proud to wear the uniform. #BCMC #BCMCClass03-2025.”
Idinagdag pa ni Kim ang isa pa niyang karera, pagbabalanse sa showbiz at culinary arts kasabay ng kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko.







