top of page
Search

ni Thea Janica Teh - | July 15, 2020




Suot ang magarbong gown, ang kolorete at mataas na sandals, ito ang mga pinaghahandaan ni Monica Afable bago sumalang sa pageant at rumampa sa harap ng maraming tao. Ngunit, naging viral si Monica nang makita itong rumarampa sa kalsada dala ang kaniyang paninda.


Isang 17-year-old beauty queen si Monica Afable mula sa bayan ng Borongan sa Eastern Samar. Sa pagsali sa mga pageant, nakilala ito bilang Miss Sinulog Festival Queen 2020.


Dahil sa pandemic, hindi pinayagang magkaroon ng mass gathering tulad ng contest at pageant. Kaya naman nag-isip si Monica ng paraan upang tuloy-tuloy pa rin niyang matulungan ang kaniyang pamilya.



Rumampa siya, hindi sa stage, kundi sa kalsada dala ang paninda niyang “shakoy” o pinipit na donut sa kanilang lugar.


Masaya itong dinadalhan ng merienda ang kaniyang mga kabaryo nang may ngiti tulad ng ipinapakita niyang ngiti sa mga sinalihan na pageant. Ito ang nakapukaw pansin sa mga netizen kaya naman agad na nag-viral.


Tunay ngang magandang halimbawa si Monica sa mga katulad niyang millennial at sa mga aspiring queen. Keep slayin’ bhie!

 
 

ni Thea Janica Teh | July 7, 2020




Dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa, maraming kababayan natin ang nawalan ng trabaho o nakaranas ng no work no pay dahil sa pansamantalang pagsara ng kanilang kompanya. Kaya naman kabi-kabilang paraan ang naiisip ng mga ‘Pinoy para kumita ng pera.


Kabilang na rito ang dalawang guro na sina Ana Palomares at Eliza Jane Reyes mula sa Meycauayan, Bulacan na nakaisip ng negosyo habang quarantine at walang klase.


Siyempre gusto natin na kahit nasa loob lang ng bahay ay fresh at on fleek pa rin ang istura natin. Kaya naman, inilunsad ng 2 guro ang A&E Cosmetics kung saan nagbebenta sila ng abot-kaya at magandang kalidad na lip tint at pangkilay thru online.


Maaari tayong mamili sa Rouge lip and cheek gel based-tint na may 3 available shades (Alectrona, Athena at Aphrodite). Mayroon din silang HD matte tint na may 4 available shades (AmareE, AubreE, AshleE & AddeE) na hango ang mga pangalan sa kanilang pamangkin.


Hindi lang ‘yan, mayroon din silang Matte powdery tints na may 5 available shades (Eve, Elise, Ellen, Erin & Ezrel). Hindi makukumpleto ang aura kung wala ang kilay on fleek kaya naman mayroon din itong eyebrow pomade na may 3 available shades (Gwenn, Gionne & Aki).



Ilan lamang ito sa mga produktong kanilang ibinebenta. Para makabili, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/RougeLipAndCheekTint o tumawag sa 0956-0569444.


Suportahan natin ang mga small business at local products tulad nito. Sabi nga, keep slayin’ bhie!

 
 

ni Thea Janica Teh | July 5, 2020




Sa panahon ng pandemiya, hindi lang paghuhugas ng kamay ang pasok sa proper hygiene, kasama na rin dito ang skin care routine. Ngunit, paano nga ba natin mapananatili ang magandang skin kung walang bukas na derma?


Sagot na ‘yan ng Ellure! Ito ang first-ever tomato bubble mask sa ‘Pinas. Ang Ellure Tomato Resonance Graphene bubble mask ay formulated sa Singapore na kayang mag-deep cleanse, paliitin ang pores, matanggal ang oil, blackhead & white heads, maiwasan ang acne at marami pang iba. Ito ay may ingredients na tomato, sophora angustifolia, licorice root extract, scutellaria baicalensis root at hyaluronic acid.


Ang Graphene ay isang thin layer ng carbon na nakatutulong para ma-absorb ang lahat ng dirt sa mukha at ng mukha para ma-absorb ang lahat ng nutrients ng face mask.


Hindi lang ‘yan, kaya rin nitong i-exfoliate ang mukha para matanggal ang mga dead skin at maging hydrated, fresh at healthy. Ano nga ba ang kaibahan nito sa ibang face mask?


Ang bubble face mask ay ang abot-kayang oxygen facial na kayang tanggalin ang blackheads at dungis gamit ang special oxygenation process o foam na nakukuha sa mask. Ito ang easiest way para malinis ang ating mukha ng hindi kinakailangang mag-scrub at maapektuhan ang skin protection.


Ito ay SGS tested at HSA notified. Proven and tested na ito hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Singapore.


Kaya naman, ano pang hinihintay ninyo, bisitahin na ang kanilang Facebook account sa Ellure Tomato Bubble Mask PH; Instagram Account sa @ellure.ph_official at subukan ang first-ever bubble face mask. Open din ito for distributors, maaaring mag-text o tumawag sa 0917-8300069.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page