top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | May 14, 2021




Nakarating na si Miss Universe 2011 3rd Runner-Up Shamcey Supsup-Lee sa Miami, Florida noong May 11 at bilang director ng Miss Universe Philippines organization, nandu'n siya para suportahan ang ating pambato sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.


Sa IG post ni Shamcey, aniya, “After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are finally here in Miami! Thank you for all your prayers and well wishes. Can't wait to explore this beautiful city, but for now, some much needed sleep!”


Samantala, one week before the coronation, nag-post naman si Shamcey ng series of glam pix nila ni Rabiya na may magandang mensahe at pagsuporta.


Caption ni Shamcey, “The journey to the Universe continues.

“Grateful to the whole Miss Universe Team led by our directors: @albert_andrada @supermariogarcia @liandrearamos @sigulanon, who tirelessly worked day and night to make sure we bring Rabiya safely to Miami, most especially to our creative director, @jonasempire.ph, for making things happen despite all the setbacks and challenges. “To @rabiyamateo, you continually surprise us with your tenacity and drive to be better every day. All your hardwork and sacrifices have led you to the Miss Universe Competition and I am confident that you will continue to make us proud. Just remember that you are already a winner no matter what. “And to all the Filipino fans, thank you for the overwhelming support. Para sa inyo ang laban na 'to! “The journey to the Universe wasn't easy, but it's definitely worth it! See you in Miami!”

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021




Watawat ng Pilipinas ang naging inspirasyon sa inirampang national costume ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant, kung saan nauna nang nagpatalbugan ang mga kandidata ng iba’t ibang bansa na napanood via YouTube channel ng Miss Universe at Lazada kaninang umaga.


"I feel like I'm a Victoria's Secret angel right now," sabi pa ni Mateo habang suot ang national costume sa isang video clip na in-upload ng Miss Universe Twitter page.


Ayon sa ulat, pinagtulungan ng jewelry designer na si Manny Halasan at ng yumaong Pinoy international designer na si Rocky Gathercole ang pagdidisenyo sa damit ni Mateo.


Si Mateo rin ang unang pambato ng ‘Pinas na sumailalim sa pangangalaga nina Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup at beauty queen maker Jonas Gaffud.


“This outfit is inspired by the Philippine flag. The blue represents royalty, red stands for the courage and strength for an independent woman and yellow, the color of sun and stars, symbolizes freedom to choose whoever you want to be,” paglalarawan pa ng host habang rumarampa sa stage si Mateo.


Nakatakdang ganapin ang coronation night sa ika-16 ng Mayo (May 17 Manila time) na maaaring mapanood sa A2Z channel ng Philippine TV.



 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 12, 2021




“Regardless of the color, race, height, beauty, maganda kasi ang essence ng Miss Universe, it’s about sisterhood, it’s about unity. Maganda sana kung ‘yun ang ma-emphasize sa competition kasi instead of nagba-bash,” ang pahayag ni Ms. Olivia Quido-Co, owner at CEO ng O Skincare and Medspa na official sponsor sa 69th Miss Universe competition na gaganapin sa Mayo 16 (US time).


Nabanggit ito ni Ms. O dahil sa ginawang pamba-bash kay Ms. Universe Canada 2020

Nova Stevens ng ilang Pinoy dahil sa kulay niya.


“Siya ‘yung una kong in-interview na nangangapa pa ako sa hosting ko nu’n at napakaganda ng mga sinabi niya na regardless ng race, color, height and beauty, we are all brothers and sisters.

“Katwiran ni Ms. Nova na kahit siblings ay hindi rin magkakamukha pero pamilya at nagmamahalan.


“Kaya kahit anong lahi, dapat matuto tayong magrespeto, matutong magmahal sa kapwa natin kahit hindi natin kakulay o ka-race sila, pero ang puso nila ay tao pa rin.”


Mas lalo pang nadurog ang puso ni Ms. Olivia sa kuwento ng buhay ni Miss Canada.


“'Yung kuwento about her na hindi niya nakita ang mommy niya dahil ipinamigay siya at the age of 6, then 21 years later, saka niya nakita ang mommy niya for the first time,” kuwento ni Ms. O sa virtual interview namin para sa paghahanda niya sa nalalapit na pageant night.


Samantala, sobrang overwhelmed si Ms. O dahil nu’ng nakitang ipinost niya sa social media niya ang mga panayam niya kina Miss Philippines Rabiya Mateo, Miss El Salvador Vanessa Velasquez, Miss Colombia Laura Olascuaga at Ms. Canada ay ang dami na raw nagpa-schedule sa kanya ng interview at ito rin ang bilin ng mga organizers ng Miss Universe na sana, ma-accommodate niya lahat sila.


Sa tanong kung sino ang Top 5 na makakalaban ni Rabiya, “Sa ngayon kasi, kailangan ko silang makitang maglakad sa national costume, magsalita, sa preliminary. Kaya kung tatanungin ninyo ako, wala akong masasabi pa,” paliwanag ng skin care specialist.


Maganda naman ang naging impression niya kay Rabiya dahil, “On and off camera, malalaman mo na mabait na bata, saka kung ano ‘yung mga pangarap niya sa buhay, ikinukuwento niya from the heart.”


Nabanggit pa na mas nag-i-enjoy daw si Ms. Olivia kapag nasa backstage siya kaysa nakaupo sa harap.


“Kapag nasa backstage ako at nakikita ko silang natatarantang magbihis lahat, nakikita mo ‘yung talagang sila, mas gusto ko ‘yung mga ganu’n kaysa ‘yung nasa harapan lang ako at panonoorin ko lang sila sa stage, prim and proper na kasi sila nu’n. So, gusto ko ‘yung hindi nakikita ng tao,” natawang kuwento nito.


Anyway, lumipad na patungong Florida si Ms. O kasama ang team niya at si TV Patrol reporter MJ Felipe nitong Linggo, Mayo 9, para sa beauty regimen session ngayong Mayo 12.

“Magku-quarantine muna kami for 2 days bago kami magsimula sa regimen session, tapos abangan natin kung sino ang bagong Miss Universe for 2020,” nakangiting sabi ni Ms. O.


Ang ABS-CBN ang official partner ng 69th Miss Universe coronation night na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida at live telecast ito sa A2Z sa Mayo 17, 8 AM at may replay ng 10 PM, with live stream sa Pilipinas thru iWantTFC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page