top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 20, 2021




Binigyan ng certificate of recognition ng Philippine Embassy in the United States of America si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.


Nakaharap ni Rabiya si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa kanyang pagbisita sa tanggapan ng embahada kung saan binigyan siya nito ng certificate of recognition at inimbitahan ding sumali sa online Fiesta Filipinas celebration.


Saad pa ng Philippine Embassy in the USA sa social media post, “Ambassador Romualdez presented Ms. Mateo with a Certification of Recognition, and invited her to the online Fiesta Filipinas celebration. “Ms. Rabiya also joined the Philippine Embassy’s flag retreat later that afternoon.”


 
 

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 19, 2021




Hindi man pinalad na makapasok sa Top 5 sa katatapos na 69th Miss Universe beauty pageant ang ating pambatong si Rabiya Mateo, bumubuhos naman ang simpatya sa kanya ng ilang beauty queens tulad nina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Shamcey Supsup, MJ Lastimosa, Ruffa Gutierrez, atbp..


Maging ang ilan sa mga sikat nating artista ay nag-post ng kanilang paghanga kay Rabiya Mateo sa ipinakita nitong tatag at dedication during the pageant.


Sina Kathryn Bernardo at Sanya Lopez ay nagparating din ng kanilang paghanga at pakikisimpatya kay Rabiya. Halos ang buong sambayanan, maging ang LGBT community ay nagbigay ng moral support kay Rabiya nang hindi ito nakapasok sa Top 5 at nabigong maiuwi ang korona.


Nakita nila na nag-effort naman nang husto si Rabiya at deserve na magkaroon ng puwesto.


Well, sa kanyang pagbabalik sa 'Pinas, ipagbubunyi pa rin naman si Rabiya Mateo ng kanyang mga kababayan sa Iloilo. Ang kanilang gobernador nga ay nangakong bibigyan ng bonggang pagsalubong si Rabiya Mateo kapag umuwi sa kanilang probinsiya.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 17, 2021




Ngayong umaga (May 17) na ang pinakaaabangang 69th Miss Universe pageant kung saan ang ating pambato ay si Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo na isa sa mga pinakamaingay na delegada actually.


Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ng nararamdaman si Rabiya.


“I still can’t believe Miss Universe is gonna happen tomorrow. The days were so fast. Last night was our preliminary competition.


“I’m so proud of all the girls. Everyone is beautiful and amazing. We gave the audience a great show,” aniya sa kanyang post last Saturday.


Sa kanyang pinakahuling post ay nagpasalamat ang beauty queen sa lahat ng nag-cheer at sumuporta hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng kandidata.


“This post is dedicated to all pageant fans all over the world. Salamat po. Terima kasih. Khob khun ka. Gracias.


“Thank you for celebrating and empowering us candidates. There may be some who are critical to us but still there’s millions of nice people who cheer for us. Sending love from Florida to the rest of the Universe,” saad ni Rabiya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page