top of page
Search

ni Lolet Abania | October 27, 2021



Pinal nang naitakda ang petsa ng koronasyon para sa pinakamagandang babae sa sansinukob.


Inanunsiyo ngayong Miyerkules ng mga organizers ng Miss Universe 2021 pageant na ito ay gaganapin sa Disyembre 12, 2021, 7:00PM ET (Disyembre 13, 7:00AM sa Pilipinas).


Ito ay aired live mula sa Red Sea resort sa Eilat City, Israel, at si Steve Harvey ang napiling host ng event. Si Noa Kirel, ang international pop star, ay isa sa mga nakuhang performers ng pageant.


Ang mga naggagandahang kandidata mula sa tinatayang 100 mga bansa ang inaasahang maglalaban-laban sa korona para sa 70th Miss Universe pageant, kung saan ibo-broadcast ito sa buong mundo.


Kokoronahan naman ang itatanghal na bagong reyna ni reigning Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico. Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City na nagwagi ng titulo nitong Setyembre, ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2021.




 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 07, 2021



"Never say die" at "Try and try until you succeed" ang motto ni Kisses Delavin, kaya sa kabila ng pagkatalo nito sa nakaraang Miss Universe-Phils. kung saan hanggang Top 10 lang ang inabot niya, sasali pa rin daw siya sa susunod na Miss Universe-Phils. beauty pageant.


Matatandaang nag-viral ang video kung saan makikitang umiiyak si Kisses sa mismong coronation night after hindi palaring maiuwi ang korona ng Miss Universe-Phils.


Paliwanag ni Kisses sa panayam sa kanya sa Unang Hirit kung bakit siya napaiyak, “Sa backstage po, ang daming emotions. I think lahat kami, umiyak kasi 'andu'n 'yung family namin.


"Tapos, inaalala namin 'yung mga designers namin, 'yung lahat ng pagod, 'yung friendship,” sabi pa ng 22-anyos na aktres.


Bata pa naman si Kisses kaya puwedeng-puwede pang sumali next year.


Puwede siyang humingi ng tips sa Miss U 2015 na si Pia Wurtzbach para mas mag-improve pa.


 
 

ni Lolet Abania | October 4, 2021



Si Tracy Maureen Perez ang nagwaging Miss World Philippines 2021 sa ginanap na coronation night sa Subic, Zambales nitong Linggo nang gabi.


Ang 28-anyos na si Tracy ng Cebu City, ang kinoronahang Miss World Philippines 2021 mula sa 44 na naggagandahang mga kandidata.


Isang industrial engineer by profession si Tracy na isa ring model at beauty queen, kung saan siya ang reigning Binibining Cebu Charity mula 2018 hanggang 2019.


Sinubukan din ni Tracy na sumali sa Miss Universe Philippines noong nakaraang taon at nabanggit niya sa mga ginanap na preliminary interviews na siya ay isang miracle baby.


Para kay Tracy ang kanyang buhay ay matatawag na isang “absolute blessing” o sukdulang biyaya ng Diyos.


Ito rin ang kanyang inspirasyon upang mamuhay ng maayos at mabuti dahil aniya, “learn from every experience, both good and bad.”


Sa final Q & A, naibahagi ni Tracy ang kanyang napakahusay na tugon hinggil sa kung anong dapat na matutunan ng bawat isa matapos ang COVID-19 pandemic.


“After this pandemic, I hope that we never take for granted the family that we have, taking care of our health, and taking care of the people that protect us -- our leaders, our front liners,” sabi ni Tracy.


“We should always give importance to those people. We may not see the efforts that they give out, but most definitely, they are our modern heroes and for that, we should always be grateful and we should always stick with them and pray for them,” dagdag niya.


Bukod sa koronang Miss World Philippines, nagwagi din sa kompetisyon si Tracy bilang Ms. Bench Body o Best in Swimsuit award, Miss Bluewater Day Spa, Miss Artopian International, Miss Bench, at Miss Derma Fix.


Nakapasok din siya sa Top 10 ng National Costume competition na para kay Tracy ay bilang pagkilala sa 500 taon ng Christianity sa Pilipinas sa pamamagitan ng ensemble na tinawag na “Vessel of Faith.”


Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga nag-uwi ng korona at titulo sa coronation night nitong Linggo:


Miss Eco Philippines 2021: Kathleen Paton


Reina Hispanoamericana Filipinas 2021: Emmanuelle Vera


Miss Tourism Philippines 2021: Trisha Martinez


Miss Environment Philippines 2021: Michelle Arceo


Miss Multinational Philippines 2021: Shaila Rebortera


Miss Eco Teen Philippines 2021: Tatyana Austria


1st Princess: Riana Pangindian


2nd Princess: Ganiel Krishnan


Si Dindi Pajares, na nag-represent sa bansa sa Miss Supranational 2021 pageant noong Agosto ay pormal na kinoronahan bilang Miss Supranational Philippines 2021.


Magre-represent si Tracy sa Pilipinas sa gaganaping 70th Miss World pageant sa Disyembre sa Puerto Rico.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page