top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 ang isang kandidata ng Miss Universe pagdating nito sa Israel, ayon sa Miss Universe Organization.


Hindi pinangalanan ng organizers ang nasabing kandidata at hindi pa rin tukoy kung ito ay may kinalaman sa Omicron variant.


Agad naman itong dinala sa government-run isolation hotel ng Israel.


Ayon pa sa Miss U organization, fully vaccinated ang kandidata at sumailalim sa COVID test bago pa man ito bumiyahe patungo sa host country.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 29, 2021



Tuloy pa rin ang 70th Miss Universe, na gaganapin sa Eliat, Israel sa Dec. 13 (Philippine time), tulad ng naunang plano.


Ito ay matapos ipahayag ni Israel Prime Minister Naftali Bennett ang pagba-ban sa pagpasok ng mga foreigners upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Omicron variant.


Sinabi ni Israel Tourism Minister Yoel Razvozov, na lahat ng mga participants na itatalaga sa Red Sea resort sa Ellat ay mabibigyan ng waivers at sila ay sasailalim sa PCR testing tuwing 48 oras.


Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay nagtatanong ang fans at pageant enthusiasts kung makakansela ang naturang pageant dahil sa ipinatupad na travel ban ng host country na Israel.


Samantala, nasa Israel na ang pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez.

 
 

ni Lolet Abania | November 20, 2021



Dumaranas ng beauty crisis ngayon si Maine Mendoza. Sa kanyang Instagram post, nai-share ng girlfriend ni Arjo Atayde ang isang photo na naka-pouting habang ipinakitang nabunot ang kanyang eyelashes at nakalbo ang ilang spot ng kanyang upper left eyelid.


Sa isa pang larawan, ipinost ng aktres ang curler na kanyang ginamit nang aksidente mabunot niya ang halos lahat ng eyelashes.


“Eyelash curler nightmare!!!” caption ni Maine sa IG.


“Swipe left to see what happens when you put too much pressure on an eyelash curler (without finger rings)… You get a chunk of your lashes ripped out in a flash.”


“Girls, go easy when curling if you don’t want a semi-kalbo lid,” dagdag pa ni Maine. Umani naman ang ipinost ni Maine ng mga sympathetic comments mula sa mga celebrity friends niya gaya nina Janine Gutierrez, Maggie Wilson, at Iza Calzado.


Pero si Paolo Ballesteros ay nagbigay sa kanya ng isang light-hearted comment.


“Eto pala yung nahuli kong pumoposing ka,” sabi ni Paolo, na may hashtag “#walakongkasalananjanha.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page