top of page
Search

ni Mharose Almirañez | May 29, 2022




“Hiyangan lamang ang skin care,” sabi nila.


Agree naman ako r’yan, beshie. Pero knows mo bang puwede mo rin namang malaman ang hiyang na produkto sa ‘yo kung aalamin mo lamang ang iyong skin type? Yes, beshie, tama ang nababasa mo.


Kaya kung baguhan ka pa lamang sa pag-i-skin care, narito ang mga pangunahing impormasyon na dapat mong malaman before ka mag-hoard ng napakaraming products sa drug store:


1. ALAMIN ANG IYONG SKIN TYPE. Sa halip na bar soap o matatapang na facial wash, gumamit ka ng gentle cleanser sa paghihilamos. Pagkahilamos, ‘wag na ‘wag ka munang mag-a-apply ng kahit anong products sa ‘yong mukha. Hayaan mo lamang ito na kusang matuyo at obserbahan sa loob ng 30 minuto upang ma-determine ang iyong skin type.

  • Oily skin- kapag naging malagkit o makintab ang iyong mukha

  • Dry skin - kapag pakiramdam mo ay ang gaspang-gaspang ng iyong mukha

  • Sensitive skin - kapag naging mapula o iritable ang iyong mukha

  • Combination skin - kapag ang ibang parte ng mukha mo ay malagkit, magaspang o namumula, kumbaga, nag-combine ‘yung reactions

  • Normal skin - kapag walang nangyari sa mukha mo


2. SUNSCREEN. Ito ang magsisilbing proteksyon ng ating balat laban sa ultraviolet (UV) rays na nanggagaling sa araw. Inirerekomenda ng mga dermatologist ang paggamit ng SPF 30 hanggang SPF 50. Mas mainam din anila kung may naka-indicate na ‘broad spectrum’ o ‘PA RATING (PA++++)’ sa label ng sunscreen.


3. MOISTURIZER. Gamitin mo ‘yung moisturizer na bagay sa iyong skin type. May iba’t ibang klase ng moisturizer, kaya bago ka bumili ng product ay basahin mo muna ang label o mag-research. Maaari ka ring manood ng product reviews sa YouTube.


4. SERUMS. Nakakatulong ito para mawala ang ating dark spot, acne scars, signs of aging, breakouts atbp.


5. MAGPA-DERMA. Sa tulong ng partner institutes ng Philippine Dermatological Society (PDS), maaari ka nang kumonsulta sa mga dermatologists for free! Mangyari lamang ay bisitahin ang pds.org.ph o ang kanilang Facebook page upang makapag-inquire.


Kung gusto mo talagang ma-achieve ang clear skin, dapat ay maging consistent ka sa pag-i-skin care every day and night. Hindi ito parang magic na porke ginamit mo ‘yung ine-endorse na product ng sikat na artista ay magiging kamukha mo na siya. ‘Wag kang assuming, beshie!


Bonus DIY tips na rin ang pag-steam o paglanghap ng usok mula sa pinakuluang tubig sa loob lima hanggang 10 minuto, dalawang beses kada buwan. Bukod sa naaayos ng steaming ang ating blood circulation ay nakakatulong din ito para mabuksan ang ating pores. Maaari nitong mapalabas ang mga nakatagong whiteheads, black heads, acne, pimple, dead cells at iba pa. Mainam itong gawin matapos mag-exfoliate.


Habang nakabukas ang pores ay madali nitong maa-absorb ang kahit na anong produkto na ipapahid natin sa ‘ting mukha at ‘yun ang crucial part, kaya siguraduhing hiyang sa ‘yo ang mga ia-apply na product.


Matapos mag-steam, puwede kang magbanlaw ng maligamgam na tubig.


Habang ang yelo naman ang magsasara ng bumukas na pores. Siguraduhing nakapag-adjust na sa temperature ang iyong mukha upang hindi ito mabigla sa lamig. Idampi-dampi mo lamang ang yelo sa paligid ng iyong mukha.


Sa huli ay puwede kang mag-apply ng serum, moisturizer o facial mask.


Ilang vloggers, TikTokers and artists na rin ang gumawa at nagrekomenda nito. But again, hindi porke hiyang sa kanila, hiyang din sa ‘yo. Magkakaiba kayo ng balat. Sabi nga nila, “If symptoms persist, consult your doctor.”


Okie?

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 8, 2022



Speaking of Ariella, masayang-masaya ang beauty queen-turned-actress na nakapasok sa Bb. Pilipinas si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.


“Actually, si Herlene, very close to my heart bilang nakasama ko sa Wowowin. I’m really, really proud of her,” sabi ni Ariella nang makatsikahan namin sa mediacon din ng Breathe Again.


Nakausap pa raw niya si Hipon Girl bago ito sumali sa Bb. Pilipinas.


“Nagkita kami sa studio. Sabi niya, ‘Ate, sasali ako sa Binibini, puwede ba ako?’ Sabi ko, ‘Oo naman 'no, basta magtanong ka sa akin kapag may question ka,’” kuwento pa ni Miss Universe-Philippines 2013.


Dahil nga komedyante si Hipon Girl, akala raw niya ay nagbibiro lang ito kaya nagulat na lang daw siya nang makita niyang sumali na nga ito.


“In fairness, sobrang nag-bloom siya,” sey pa ni Ara (nickname ni Ariella).


Naniniwala ang former MUP title-holder na kayang-kayang kumuha ng korona ni Hipon Girl kahit either Grand International or International or any title.


“Sabi ko nga, ‘Girl, kung ako sa ‘yo, parang gusto kong mag-grand international ka, tutal naman, 'di ba, ang peg nu’n, talagang ikaw na ikaw? Feeling ko, ilalaban mo ‘tong Pilipinas, saka maloloka sa 'yo si anchor.' So, itodo na natin, 'di ba?” aniya.


So, hindi siya naniniwalang “hipon” si Herlene?


“Ay, ngayon pa ba? No!” natatawa niyang sabi.


Pero aminado siyang nakatulong daw kay Herlene ang bansag na 'Hipon Girl' dahil talagang sumikat ito sa nasabing alyas.


“Talagang sobra ‘yung recall until now sa kanya,” she said.


Mensahe niya kay Herlene, basta kailangan daw ang tulong niya or may tanong ito ay willing na willing siya to help.


Anyway, since nabanggit nga niya si Willie, naitanong din kay Ara kung nagkikita pa ba sila ng TV host. Aniya ay huling kita nila noong finale episode ng Wowowin.


“Binisita ko lang nu'ng finale episode ng Wowowin. Doon po kami nagkita ni Hipon,” tsika ni Ara.


Hindi ba siya niyaya sa Villar network?


“Why not, 'di ba? Join lang nang join. Pero wala pa po nu'ng time na ‘yun, kasi hindi rin namin matanong kung… siyempre, nakakahiya. Wala pa, wala pa po,” saad ng aktres.


Anyway, sumabak na rin si Ariella sa pagpapa-sexy at may mga maiinit nga siyang eksena kina Ivan and Tony dito sa Breathe Again.


 
 

ni Lolet Abania | May 1, 2022



Nakamit ni Celeste Cortesi ang korona bilang pinakamagandang Pilipina sa Miss Universe Philippines 2022.


Sa kanyang Instagram ngayong Linggo, labis ang pasasalamat ng Filipina-Italian beauty queen habang binabalikan niya ang coronation night at nai-share din niya ang mga naisip nang mga panahong iyon.


“Yesterday, as I was walking on that beautiful stage, all I was thinking [about was my] mom and dad. The strength I got from them is indescribable,” caption ni Celeste sa kanyang IG post.


“I’ve worked so hard for this, I’ve prepared. And I let God do the rest in knowing that whatever is meant for me will never pass me by,” dagdag niya.


Kung ikukumpara ngayon mula sa unang pagdating niya sa bansa, sinabi ng 24-anyos na si Celeste na pinapangarap niya talagang mag-represent ng bansa para sa prestihiyosong pageant na ito.


“I’ve grown so much since I came [to] the Philippines [five] years ago and I really promised myself that I would only join a pageant if I’m ready to take the responsibility of a crown, and I am now,” sabi ng beauty queen.


“Yesterday, [I] received my second chance and I am beyond honored and grateful to be able to represent my country in the Miss Universe stage,” ani Celeste.


Sa nakamit niyang korona, umaasa naman si Celeste na ang kanyang istorya ay magbibigay ng inspirasyon sa marami aniya, “can inspire so many to never give up on their dreams because [through] hard work, perseverance, and faith, you can achieve anything you want.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page