top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 14, 2023




Talagang pinagmamalaki ng Miss Universe 2023 candidate na si Michelle Dee ang 'Pinas at gagamitin nito ang salitang "Pilipinas" sa kanyang pagpapakilala sa contest.


May bagong video nga ang kandidatang viral ngayon dahil sa paraan niya nang pagpapakilala sa sarili, sey niya "Michelle Marquez Dee, Pilipinas!"


Siya ay lumalaban para sa korona ngayong taon at may adhikaing buksan ang kamalayan ng mundo sa autism.


Kamakailan lamang, sinabik nga ni Dee ang mga netizens sa kanyang pag-drop ng hint tungkol sa kanyang susuoting costume.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 17, 2023


Marami ang naaliw sa post ni Heart Evangelista kung saan nakasuot siya ng hotdog costume at rumampa sa isang grocery. Ginawa raw ito ni Heart upang hindi na siya sinusundan at iniistorbo ng mga usisero.


Medyo dismayado lang si Heart dahil sa nakaraang Paris Fashion Week ay “na-shadow banned” at mukhang may sumabotahe sa kanya.


Ang term na “shadow banned” ay patungkol sa pagharang sa ilang pictorials niya na kuha sa ginanap na Paris Fashion Week at hindi kumpletong inilabas.


Ganunpaman, sa Milan Fashion Week ay si Heart ang itinanghal na top influencer na nagkaroon ng $1.4 M media impact value. Kumita nang malaki ang organizer ng Milan Fashion Week dahil kay Heart.


Maraming malalaking foreign products/brands ang kumukuha kay Heart bilang endorser. Certified fashion icon siya at kinikilala ng mga sikat na fashion designers abroad.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 03, 2023


Bukod sa pag-arte, may talent din sa pagme-makeup ang Kapuso actress na si Barbie Forteza. Pinag-aralan daw niya ito at nagpaturo rin sa ilang make-up artists kung paano ang tamang pagme-makeup.


Kaya ngayon, kaya na niyang mag-makeup sa sarili kung may events na pupuntahan.


Makaka-survive si Barbie kahit walang kasamang makeup artist sa taping o shooting.


Simple lang naman ang gustong makeup ni Barbie. Kabisado niya ang features ng kanyang mukha kaya alam niya ang nababagay sa kanyang makeup.


Hindi na siya aasa at dedepende pa sa makeup artist ng production sa serye nila ni David Licauco na Maging Sino Ka Man.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page