top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 26, 2026 (Biyernes): Marami ang yayaman dahil sa iyo, at puwede ka rin namang yumaman kasabay ng pagyaman nila. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang iyong pampasuwerte. Puwede ka rin namang gumamit ng anumang uri ng kasuotan, basta may metal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-33-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang payo na lumakad ka nang walang sapin sa paa. Ito ang susi nang sa gayun ay mapasaiyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-8-13-25-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao at hindi rin bagay ang iyong pampabuwenas, kundi ang mabilis na pagpapasya at pagkilos. Kaya isabuhay mo ang pagiging mabilis sa anumang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-24-27-38-43.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang pampabuwenas mo ngayon. Ang mga taong panggulo sa buhay mo ay magbibigay sa iyo ng nakakagulat at nakakamanghang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-15-23-31-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang hiniling mo. Ito ang kahulugan ng, “Kapag may tiwala sa sarili, makukuha mo anumang naisin mo.” Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-19-28-34-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang magbibigay sa iyo ng magandang buhay. Kaya huwag mong bibitawan ang talas ng iyong isipan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-21-33-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang suwerte mo ngayon. Gayunman, ‘wag mo nang pabalikin sa buhay mo ang mga pinagmulan ng iyong kamalasan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-16-20-22-32-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lakas ng loob ang iyong pampabuwenas. Madali lang gawin kung saan, lakasan mo lang ang loob mo na gawin ang mga bagay na noon pa man ay gustung-gusto mong maabot. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-24-35-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na ikaw ang amo kahit pa may nakatataas sa iyo. Sa huli, sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang magiging amo na mas mataas pa sa amo mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-26-32-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pumunta ka sa mga may malalagong halaman. Dahil ito ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing kusang lalapit sa iyo ang mga magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-19-25-34-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang kaaya-ayang kapaligiran ang pampabuwenas mo ngayon. Bigyan mo ng bagong anyo ang iyong tahanan nang sa gayun ay magdatingan sa buhay mo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-9-17-28-30-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalilimutan na mas susuwertehin ka kapag pumunta ka sa tabing-dagat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-16-23-31-45.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2026 (Huwebes): Mas magandang pumunta ka sa malalayong lugar upang manariwa ang iyong lakas. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magtiwala sa mga taong sobra kung magkuwento. Sa halip, mag-ingat ka, dahil may babala na posible kang maloko. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-23-28-34-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maaaring mapasaiyo ang magagandang kapalaran kung mamamasyal ka, lalo na sa mga lugar na malapit sa kalikasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-18-21-26-30.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Bago ka magpasya, pag-isipan mo munang mabuti, nang sa gayun ay may pagkakataon ka pang mabago ang mga maling desisyon mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-29-32-36-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nasa sa iyo, huwag mong ibigay sa iba. Sa madaling salita, ipaglaban mo ito! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-10-14-28-33-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Abangan mo ang masusuwerteng balita na magdaratingan, pero hindi mo puwedeng angkinin ang lahat, mamili ka lang ng gusto mo. Samantala, ang mga suwerteng ‘di mo napili, muli rin naman ‘yan babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-15-24-34-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka! Kung masaya ka sa inyong tahanan, du’n ka mamalagi at ‘wag ka nang mamasyal pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-22-28-39-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mong mabuti ang mga iniaalok sa iyo at maging wais ka.  Kung ano ang makakatulong sa buhay mo, iyon ang piliin mo. ‘Wag mong hayaan na nakabitin ng matagal ang mga iniaalok sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-15-21-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit kaya mong mag-isa mas mainam pa rin na tanggapin mo ang alalay ng mga taong lumalapit sa iyo. Kailangang makita at madama nila na mahalaga sila sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-25-34-41.

 

SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Itinataas ang nasa ibaba at ibinababa ang nasa itaas. Darating ang panahon na ikaw naman ang itataas, ang magara pa nito, kahit sa iyong pagtanda, hindi ka na ibababa pa kahit kailan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-13-19-22-27-38.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sukatin mo ang makakaharap mo. Hindi lahat ng mga tao na maganda magsalita ay may magandang pagkatao. Madalas sa masayang kuwento nakatago ang masamang motibo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-21-28-39-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig kang mabuti sa mga sasabihin sa iyo. Sa pakikinig gagana ang iyong espesyal na pandama, kaya mabibisto mo ang nagkukunwaring mabuting tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-27-33-37-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagkalat ngayon ang mandaraya at mapagkunwari. Mas piliin mong dumikit sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, at mag-ingat ka sa mga bago mong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-19-25-31-36.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 24, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 24, 2026 (Miyerkules): Huwag kang mawalan ng pag-asa, sapagkat kumikilos ang iyong kapalaran upang gumanda ang buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Tatanglawan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa langit na ang pangalan ay “Sinag ng Suwerte at Sinag ng Bagong Pag-asa.” Kaya magiging kakaiba ang lakas ng loob mo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-24-28-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Kung ano ang maganda sa iyong paningin, ‘yun ang piliin mong inspirasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-13-20-25-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) – Malakas ang karisma mo at lalakas pa ito sa mga susunod na araw. Maraming hahanga sa iyo at mangangarap na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Gayunman, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-21-27-30-32.


CANCER (June 21-July 22) – Kambal na suwerte ang dadapo sa iyo. Magkasabay na guguhit sa iyong kapalaran ang mga biyayang ito. Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon at matutong pahalagahan ang mga biyayang nagsisimula nang dumating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-19-31-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) – Lahat ng mata ay nakatingin sa iyo. Kaya hindi ka dapat magkamali. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya dahil ang mga taong nakatingin sa iyo ay may tiwala sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-23-26-37-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Nagkakamali ang taong hindi nag-iisip, kaya pag-isipan mong mabuti ang bawat hakbang na iyong gagawin. Ang taong bukas ang isip sa pag-aaral ng mga posibilidad ay may malaking tsansang magtagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-17-22-35-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang gusto mong gawin. Kahit tila imposible o mahirap mangyari, papayagan ng langit na maganap ang mga bagay na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-9-15-24-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-27-35-39-44.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) – Aayon sa iyo ang mga pangyayari kapag nakita ng kapalaran na ikaw ay lubos na determinado. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo sa ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-18-23-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Mawawala na parang bula ang iyong mga problema. Sa katunayan, pansamantala lamang ang mga ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-13-19-26-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Bantayan mo ang iyong sarili. Kung babalikan mo ang iyong mga nakaraang kabiguan, mapapansin mong madalas ay hindi mo nakokontrol ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-20-22-25-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Dadaloy sa iyong buhay ang mga suwerteng kailangan mo. Hindi pinababayaan ng langit ang mga taong may matatag na personalidad at marunong umiwas sa mga tukso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-21-28-32-36.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page