top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 1, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 1, 2026 (Miyerkules): Masuwerte ka dahil itinakda na lagi kang manguna sa lahat ng bagay, at kung sakaling 'di sinasadyang ikaw ay pumangalawa, kikilos ang iyong kapalaran at muli kang ilalagay sa unahan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi pa nagpapaawat ang masasaya at magagandang kapalaran na sa iyo ay magdaratingan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-20-28-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka para mabawasan ka. Kapag nabawasan ka, madaragdagan ka naman ng mga biyaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14-19-28-35-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Dapat lagi kang alerto dahil ang gulong ng iyong kapalaran ay mabilis na gagalaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-15-25-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nakabukas ang puso mo ngayon. Masaya ang ganyan, pero sobrang nakakakaba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-21-23-30-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Minsan tama ang mata sa mata at ngipin sa ngipin, pero 'wag mong gagawin ito. Mas mabuting pag-ibig pa rin ang ipalit sa galit, imbes na paghihiganti. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-22-24-26-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami ang mag-aakala na wala kang ginagawa dahil lagi kang nakatingin sa kawalan. Pero ang totoo, gumagana ang isip mo sa pagbuo ng isang magandang pormula kung paano makakamit ang isang malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-9-16-26-31-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang kailangan ng taong gustong umunlad, sa iyo sila kukuha ng kakaibang inspirasyon. Dahil dito, mas lalo pang gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-12-27-30-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos pa rin ang langit kahit maganda na ang kapalaran mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-13-28-36-38-40.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Galit na galit ang toro sa loob ng arena, lalo na kung ito ay nasusugatan. Ikaw rin ay ganu’n ngayon. Habang nasasaktan ka, lalo kang manggigigil sa pag-abot ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-20-23-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahon at pagpipigil ang piliin mo ngayon. Ang pagiging mahinahon ang daan upang makabuo ng magandang plano. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-8-16-18-25-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpapatuloy na kaligayahan mo ang ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-1-19-21-32-34-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto nang sumuko sa iyo ng mga kaaway mo dahil habang hinahangad nilang mabigo ka, kitang-kita na mas sumasaya ka habang sila naman ay patuloy na makakaramdam ng sunud-sunod na kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-24-28-38-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 30, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 30, 2026 (Martes): Itinalaga ka sa mataas na posisyon. Ang pamamahala ay para sa iyo. Mahalin mo ang mga nasa ibaba at dapat na laging nakasayad ang mga paa mo sa lupa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Angat na angat ka ngayon, pero isabuhay mo pa rin ang pagpapakumbaba dahil ang gusto ng langit ay kahit na angat ang buhay mo, hindi mo ito dapat ipagmalaki. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-20-23-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit sa iyong kahilingan, lalo na ang mga kagustuhan mong hindi para sa iyo kundi para sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-21-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Makikinig sa iyo ang mga gustong umasenso dahil kakaibang susi ng tagumpay ang maglalabasan sa isip mo na kung isasabuhay ng iba, tiyak na yayaman din sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-25-27-31-40.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi masama ang magdamot, lalo na kung ang pagdaramutan ay ang paulit-ulit na lang. Ikonsidera mo na ikaw rin naman ay may mga pansariling pangangailangan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-10-16-24-33-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi lamang sa gubat may ahas, dahil mayroon din sa siyudad. Kaya mag-ingat ka. Tandaan, ang pag-iingat ay makabubuti sa isang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-27-32-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na parang wala kang mga alalahanin. Magugulat ka dahil mawawala ang iyong mga pangamba at malalaman mo na sa pagkilos ay gumaganda ang lahat para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-19-21-35-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa panahong ito ng tag-ulan, kung ano ang gusto mo, iyon ang ibibigay sa iyo ng langit. At ang mas mabuting balita pa rito ay bukod sa gusto mo, ibibigay rin ng langit ang mga bagay na gusto rin ng mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-17-22-30-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka magkakamali kapag ang mga makalumang patakaran ang iyong sinunod, dahil ang pagkakamali ay karaniwang kakambal ng mga bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-18-24-28-34-43.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Hindi lahat ay nakukuha ng tao. Magkagayunman, ang mga hindi nakuha ay puwedeng mapasakamay sa ibang araw. Makuntento muna sa iyong makukuha. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-25-31-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakamangha ang iyong katatagan. Marami ang hahanga sa iyo, lalo na ang mga mahihina, at ikaw ay kanilang papangarapin na maging bahagi ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-14-19-27-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nababawasan na ang mga pabigat sa buhay mo, pero may mga paparating pa. Hindi mo sila basta-basta malalayuan, dahil sa totoo lang, ikaw rin naman ay napapasaya nila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-21-32-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ipagdamot ang iyong sarili. Kahit na sa panahon ngayon ay kailangang magtipid, huwag mo pa ring tipirin ang iyong sarili. Dahil habang nagiging galante ka sa iyong sarili, magiging galante rin ang suwerteng darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-26-28-33-42.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 29, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2026 (Lunes): Pataas nang pataas ang iyong buhay. Huwag mong kaligtaan na dapat ay manatiling nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Ibig sabihin, huwag kang magmamataas, bagkus lagi kang magpakumbaba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka upang magtagumpay ka. Kung babagal-bagal ka, maraming oportunidad ang iyong panghihinayangan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-10-18-20-23-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy ang dating ng mga suwerte sa buhay mo. Kaya huwag kang magsasawang mahalin ang iyong kapwa dahil ito mismo ang dahilan kung bakit ka pinagpapala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-24-28-37-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Pabilis nang pabilis ang takbo ng mga araw. Maiiwan ang mga nag-aalinlangan, habang ang mga taong mabilis kumilos ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-25-32-35-44.


CANCER (June 21-July 22) - Maaga mong makukutuban ang motibo ng isang tao. Gayunman, agad kang lumayo sa mga may masasamang layunin, kahit pa kabutihan ang ipinapakita nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-24-30-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maghangad ka. Hindi puwedeng susunod ka sa paniniwalang bawal ang maghangad. Kapag hindi ka naghangad, ang malalagay sa alanganin ay ang iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-3-19-26-28-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sakyan mo ang agos ng buhay. Sa panahong nagsasaya ang lahat, magsaya ka rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-22-26-31-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talasan mo ang pakiramdam mo. Ang ayaw sa iyo ay ayawan mo na rin agad. Mali na manatili ka sa piling ng mga taong ayaw naman sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-16-21-27-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang iniaalok na proyekto sa iyo, dahil ito ang magiging daan mo upang umunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-12-24-28-30.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Huwag mong papalitan o babaguhin ang iyong pangarap, kahit pa makaranas ka ng mga hindi magagandang pangyayari. Sa huli, kung ano ang ginusto mo, iyon din ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-29-37-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Kapag binigyan mo sila ng halaga, maaaring matulad ka sa kanila na pawang negatibo ang iniisip sa kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-18-26-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong yakapin ang galit upang ‘di ka magkasakit. Dapat kang mabuhay sa pag-ibig dahil ang pag-ibig ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-22-25-28-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung may naisip kang magandang pormula sa pagpapayaman, sarilinin mo na lamang upang hindi na muling maulit na maisabuhay ng iba ang iyong ideya at sila pa ang umasenso at yumaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-21-23-36-41.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page