top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 4, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2026 (Huwebes): Magtiwala ka sa iyong kapalaran dahil ginagarantiya ng langit na matutupad mo ang iyong ambisyon at kasunod nito ay ang masaganang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong labanan ang mahihina; sa halip ay kaawaan mo sila. Malakas ka, kaya kahit wala kang gawin laban sa kanila, ang kabiguan ay kanilang mararanasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-23-28-30-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi totoong masikip ang daan ng kaligayahan. Ang totoo ay sinusubukan lang ang tao na maging matatag. Kapag naging matatag ka sa mga pagsubok, ang pag-unlad at wagas na kaligayahan ang matitikman mong magiging kasunod. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-19-29-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Mag-aalinlangan ka sa isang pagkakataong lalagay sa iyong harapan. Pero ang payo ay nagsasabing kahit pa nag-aalinlangan ka, kailangan mo pa rin itong sunggaban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-16-25-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong akalain na ang mataas na kalagayan ay dapat mong iwasan. Dahil ang nasa iyong harapan ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay alalayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-7-14-20-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ganito ang sabi ng dakilang guro: “Mapalad ang matulungin, kaya tiyak na tutulungan din siya ng langit.” Tandaan, ang hindi matulungin ay walang tulong na ipagkakaloob ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-27-32-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagbigyan mo ang mga taong mahirap kausap at hindi marunong umunawa. Huwag mong banggain dahil walang mabuting idudulot ang pakikipagtalo sa makitid ang isip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-28-30-33-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdaratingan muli ang mga suwerte mo sa buhay pero may mga pangyayaring maaaring hindi mo magustuhan sa simula, subalit may napakalaking suwerte pala sa dakong huli. Kaya tanggap lang nang tanggap sa mga pangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-18-22-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lagpasan mo ang hindi mo kaya. Kumbaga, huwag mo nang ipagpilitan pa na kayanin ang talagang hindi mo naman kaya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-16-20-25-39-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaya mong magagawa ang gusto mo pero may kondisyon na ikaw na lang mag-isa ang gumawa dahil kapag may tumulong sa iyo, mas lalo ka lang mahihirapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-15-26-31-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sisipa ang kapalaran mo ngayon, na ang ibig sabihin ay biglaan at malakas ang dating. Ikaw mismo ay magugulat dahil ang mga suwerte ay biglang nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-12-19-27-33-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kunin mo ang pang-unawa at huwag mong kunin ang galit. Oo, ang piliin mo ay ang pagkakasundo at hindi ang paghihiwalay. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-1-13-16-21-24-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagkakabanggaan ang magkakadikit. Umagwat ka sa matigas magsalita na hindi tumatanggap ng opinyon. Ang nabubuhay nang payapa ay kusang dadapuan ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-22-28-30-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 3, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2026 (Miyerkules): Nakalaan sa iyo ang pamumuno. Kaya hindi ka mananatili sa ibaba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isama mo sa pangako mo na iiwasan mong magmalaki kahit na sa totoo lang ay marami kang maipagmamalaki. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-20-28-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madaragdagan ngayon ang mga taong may ranggo na makakasama mo. Sila ay naatasan ng langit upang ikaw ay alalayan hanggang sa matupad mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-17-23-26-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Makukulay at makikislap na bagay ang magsisilbi mong pampasuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-19-29-33-37.


CANCER (June 21-July 22) - Maaakit mo ang magagandang kapalaran sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalaga sa mga halaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-21-30-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dalasan mo ang pagpapaaraw sa unang oras ng umaga. Bukod sa lalakas ka, susuwertehin ka rin, dahil ito mismo ang magiging panlaban mo sa mga negatibong tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-22-26-34-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya kahit pa sobrang init ng panahon. Kaya hindi ka rin mawawalan ng mga oportunidad na lalo pang mapalago ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-24-31-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higit sa lahat, ang pang-unawa ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Sikapin mong maunawaan ang mga bagay na para sa iba ay napakahirap unawain. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-21-25-28-30.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mapipigilan na mangarap nang sobra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-19-27-33-37.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Lumayo ka sa mga bagay na alam mong makakasira sa iyong reputasyon. Sa panahong ito ng iyong buhay, marami ang kikilala at hahanga sa iyo. Kaya ingatan mo ang maganda mong imahe. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-14-20-22-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madaragdagan ngayon ang iyong mga ari-arian. Pahalagahan mo ito, dahil regalo ng langit ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-24-29-30-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kailangang mag-alala sa dami ng gusto mong mangyari, dahil gagawan ito ng paraan ng langit upang maganap at maibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-11-23-26-36-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadagsa sa kapalaran mo ang magagandang oportunidad na magbibigay sa iyo ng magandang buhay. Higit kailanman, ngayon mo kailangan lakasan ang iyong loob. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-20-28-35-39.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 2, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2026 (Martes): Malambot ang iyong puso at kalooban, kaya sa lahat ng klase ng tao, ikaw ang isa sa pinakamasarap magmahal. Hindi ka madaling makalimutan ng mga taong naging bahagi ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit may bahagyang ulap sa kalangitan, hindi nito maaawat ang ningning ng mga bituin. Tulad ng buhay mo ngayon, pansamantala lamang ang madilim na yugto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-11-13-28-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng taong gustong maging bahagi ng buhay mo. Huwag ka agad maniwala sa mga salita. Pag-aralan mo rin ang kanyang mga kilos at maging ang kanyang nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-29-31-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang masasayang pangyayari sa buhay mo. Magugulat ka, dahil dadalhin ka nito sa isang lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang mismong inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-27-33-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi masama ang mangopya. Sa totoo lang, halos lahat ay nangongopya rin. Kopyahin mo ang ginawa ng mga nagtagumpay upang ikaw ay magtagumpay rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-22-29-34-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Kukupas din ang iyong mga suwerte, ngunit ang masayang balita, magbabalik ang mga ito na mas matingkad at mas makulay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-17-21-27.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lungkot ang dala ng makulimlim na panahon. Ito rin ang panahon ng pagsusuri sa nakaraan. Kung may kailangang ayusin o itama, dapat itong tanggapin at hindi ikaila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-23-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Subukan mo muna ang sumusunod: kung saan ka masaya, roon ka. At kung hindi ka na masaya, bakit mo dadayain ang sarili mo? Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. Muli kang maghanap ng saya, at kasabay nito ay matatagpuan mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-13-20-28-31-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong magdudulot lamang ng hirap sa iyo. Mas mabuting piliin mo ang landas na magbibigay sa iyo ng mas magaan at masayang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-19-26-30-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpatangay sa gusto ng iba. Hawak mo ang sarili mong kapalaran, kaya bakit ka papayag na kontrolin ka nila? Kapag hindi ka na naiimpluwensiyahan ng iba, muling darating ang mga suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-28-33-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kaya ka nabibigo kung minsan ay dahil hindi ka desidido sa iyong mga nais. Ngayong alam mo na ang katotohanang ito, alam mo na rin kung ano ang dapat mong gawin. Maging desidido ka at buo ang loob sa anumang nais mong gawin upang ito ay matupad at magkatotoo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-24-32-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong huwag kang masyadong mapalapit sa isang taong palagi mong nakakasama. Hindi dahil masama ang magiging epekto niya sa iyo, kundi dahil hindi mo siya masisisi kung sakaling mahalin ka niya nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-25-29-35-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakahawa ang sigla at saya. Higit kailanman, sila ang kailangan mo sa iyong buhay. Kapag naging masaya at masigla ka, tuluy-tuloy na dadaloy sa iyong katauhan ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-17-27-36-45.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page