ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 10, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 10, 2026 (Miyerkules): Kabilang ka sa masusuwerte. Kaya suwerte ka at suwerte rin ang mga magiging bahagi ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ayon sa kapalaran mo, kapag masaya ka, mas bubuwenasin ka. Kapag naman malungkot ka, siyempre alam mo na kung ano ang kasunod. Kaya magpakasaya ka ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-10-19-26-30-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gawin ang pagkakawanggawa. Malalaking biyaya ang mapapasaiyo at hindi mo na masasabi na walang napapala ang pagtulong sa kapwa kundi konsumisyon lamang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-21-25-37-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Puwede kang iligaw ng sarili mo. Malaki ang tsansa na akalain mong mas susuwertehin ka kesa sa taong naging malapit sa iyo, gayung ang totoo ay nasa dati mong suwerte ang biyaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-27-33-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Proteksiyon ang kaloob sa iyo laban sa mga taong may masamang motibo. Bibigyan ka rin ng langit ng ilang suwerte na magbubunga ng matinding inggit mula sa mga naiinggit na sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-15-22-28-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Para sa iyo ang araw na ito. Kaya sinumang magtangkang sirain ang araw mo, langit mismo ang makakabangga. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-20-24-25-29.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bago para buwenasin ka, dahil ‘yun ang magbibigay ng suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-27-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ngayon ang panahon ng pagpapalit ng mga plano, paninindigan, at maging ng minamahal. Kung ano ang iyong kasalukuyang kalagayan, iyon mismo ang magbubunga ng suwerte at magandang kapalaran sa hinaharap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-14-23-30-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon mo bigyang-laya ang iyong sarili. Ngayon mo rin pasayahin at pahalagahan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-24-31-38-40.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Mawawala ang mga alalahanin mo at ang iyong mga takot ay mapapalitan ng sigla at saya, dahil ang mga magagandang balita ay kitang-kita mong mangyayari talaga sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-19-22-28-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gulung-gulo ang mga kontrabida sa buhay mo dahil alam na alam nilang bigo silang bigyan ka ng kalungkutan at problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-21-25-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit pa mali ang maging pagkilos mo at kahit pa hindi tama ang mga katuwiran mo, hindi sapat ang mga ito upang mabago ang pasya ng langit na ikaw ay suwertehin sa panahong ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-23-29-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalhin ka ng iyong mga paa sa harap mismo ng pagmumulan ng masarap mong buhay. Huwag mo itong talikuran dahil ang tadhana ang nagpasya at nagpanukala ng lahat ng ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-13-20-26-38.

