top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 28, 2025



Photo: Kyline Alcantara - IG


“Kung gimik man o sadyang nakasabay, dapat sigurong makinabang si Kyline,” komento ng ilang netizens sa biglang pagkakaroon nito ng bagong soap sa GMA-7.


Sa pinagdaraanan kasing kontrobersiya ni Kyline Alcantara sa usaping hiwalayan nila ni Kobe Paras, never na nagbigay ng anumang pahayag ang batang aktres.


Pero sa socmed (social media) ay masasabing bugbog na ang kanyang imahe bilang babae.


At dahil the secret is out na nga, magkakasama nga sa isang big project sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ito ay para sa upcoming revenge drama series ng GMA Public Affairs na Beauty Empire (BE).


Usap-usapan nga ngayong linggo ang bagong collaboration ng GMA Network sa Viu Philippines at CreaZion Studios. Makakasama nila rito ang dalawang tinitingalang beauty queens na sina Ruffa Gutierrez at Gloria Diaz. 


First project naman ito ng Korean superstar na si Choi Bo-min dito sa bansa habang mapapanood din dito sina Sam Concepcion, Chai Fonacier at Sid Lucero.


Sabi ng isang netizen, “Sobrang kaabang-abang ang series na ito, lalo na’t pagbibidahan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Can’t wait na, guys!”


Sey pa ng isa, “It’s giving!!! Iba talaga ‘pag GMA, full of surprises. Can’t wait na mapanood na agad si Kyline. Sana, kontrabida!”


Tulad ng kanyang mga fans, excited na si Barbie sa kanyang serye. 


“Coming from the grand period drama na Maria Clara at Ibarra at Pulang Araw, ngayon we will step into beauty and fashion. B-beauty si Ate Barbie, pa-fashion s’ya, so very, very excited. Together with my glam team, we’re all very excited,” sey ni Barbie.


Tiyak na aabangan ang seryeng ito!



Marami ang nanghinayang sa tandem nina Michael Sager at Emilio Daez na na-evict na nga sa bahay ni Kuya last Saturday.


Very emotional si Michael na on his third time as nominee ay natuluyan na ngang mapalabas sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition


Nakakaawa nga ‘yung emote niya kay Kuya na hindi na raw niya malaman ang kanyang gagawin sa loob dahil every time na nominated siya, pinipilit niyang ayusin at i-adjust ang sarili among his housemates.


Cool na cool naman si Emilio na hinangaan sa pagiging bubbly at smart sa loob. Maayos niyang tinanggap ang mabilis niyang paglabas sa bahay ni Kuya, lalo’t kahit noong na-nominate siya ay sinasabi niyang wala pa siyang fan para suportahan siya.


Ang hindi niya alam ay naka-gain siya ng maraming following at isa na nga siya sa mga tinatakan na magkakaroon ng bonggang karir outside what with his looks, charm, intelligence and appeal.


Si Michael naman ay maituturing na ring big star kumpara sa ilan pang male housemates na naiwan sa loob.


Malungkot din ang mga accla (bading) dahil dalawang legit na hunk, pogi, seksi at matalino ang hindi na raw nila masisilayan na nagdidispley ng mga katawan nila sa PBB. Hahahaha!


Vilma, pinatutsadahan… SIGAW NG MGA NORANIANS: CELIA, WALANG PINAGKATANDAAN


MAY mga Noranian friends kaming nagmensahe at tumawag sa amin after na lumabas ‘yung artikulo natin dito on Manang Celia Rodriguez na may tipong pa-shade nga kay Star for All Seasons Vilma Santos na ipinu-push para maging next National Artist. 


“Serves her right. Tama lang din na may pumitik sa kanya,” sey ng mga taga-Sorsogon at Iriga friends natin na mga Noranians.


Hindi rin daw ikatutuwa ni Ate Guy ang mga ganu’ng pananaw, lalo’t nakilala nila itong humble at never nanggamit ng kapwa-artista para iangat ang sarili.


Hirit pa nila, “May small group of friends kami na dumayo sa Legazpi, Albay dahil may film showing ng movie ni Ate Guy, may pa-misa, konting salu-salo at get-together to reminisce our old days na nakikipagbardagulan pa kami sa ibang fans, lalo na sa mga Vilmanians. Pero lahat ng ‘yan, for fun remembering lang. We are way beyond those days. Mas mabuting ‘yung magaganda at positibong impact at inspirasyon ang ipakita namin bilang pag-alala sa isang Superstar.”


Ayon pa sa mga kapwa-Uragon na nire-rediscover ang Superstar, “Ang Lola Celia natin, para namang walang pinagkatandaan. Galing ‘yan sa exclusive school at maayos naman ang angkan na pinanggalingan, pero kung kailan tumanda, saka naman naging jologs. May pagka-squammy ang awrahan kahit ‘yung fashion sense niya ay hindi na nagbago. Bakit hindi na lang niya bigyan ng pampanood ng sine ng mga movies ni Ate Guy ‘yung mga nanghihingi sa kanya ngayong may mga activities ang mga Noranians na ipalabas uli sa buong kapuluan ang ilang classic films niya?”


Although pinupuna rin nila na marami nga raw mga legit media and production organization na ‘ginagamit’ ang namayapa nang National Artist via reshowing her old film, gayung free and available naman daw ang mga ito sa ibang platforms.


“Tapos, ‘yung mga sinasabing Noranians from all over ay kinukuwestiyon kasi wala raw support?” dagdag pa nila.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 27, 2025



Photo: Marko Rudio - It's Showtime FB


Itinanghal na Grand Resbak champion si Marko Rudio sa Tawag ng Tanghalan (TNT). Kinanta niya sa finals ang Hallelujah song ni Bamboo at ang SB19 medley na binigyan niya ng ibang estilo. 


Ibang klase rin naman kasi itong sikat sa socmed (social media) dahil kumpletos rekado ang galing nito sa pagkanta. Mula sa mga simpleng kanta, hanggang sa rapping at rock, mapapasabay ka talaga sa bawat pagkanta niya. 


Among his prizes included a million peso, recording contract sa ABS-CBN Music atbp..

Second placer naman si Ian Manibale, na gaya ni Marko ay nakilala rin sa socmed (social media) dahil sa content nito as a singer. Pang-international ang boses ni Ian at hindi kami magugulat kung very soon ay rarampa rin ito sa international stage gaya ni Sofronio Vasquez.


Ang 3rd placer ay si Charizze Arnigo. Siya na nga ang bagong Charizze ng music industry na may napakasarap pakinggan na boses at napakalinis ding bumirit.

Dahil si Meme Vice Ganda na nga ang co-producer ng naturang segment sa It’s Showtime (IS), sulit na sulit ang investment niya dahil tunay namang loaded ng advertisement ang show.


Ang 3 pang pumasok sa Top 6 ay sina Rachel Gabreza, Ayegee Paredes at Raven Reyes. 

Wala ka talagang itatapon sa kanilang magkakaibang husay mag-perform at ganda ng mga boses. Ito na marahil ang pinaka-intense na grandfinals ng TNT na napanood namin.

Congratulations!


Tatlo lang sila kasama sina Maki at TJ…

SB19, NOMINADO SA JAPAN MUSIC AWARDS


UMUPONG hurado sa grand finals ng Tawag Ng Tanghalan (TNT) sina SB19 Pablo at Stell, kasama sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Bituin Escalante, Nyoy Volante, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla, Marco Sison at Maestro Louie Ocampo. 

Hindi namin namataan sina Nonoy Zuñiga, Erik Santos, Jed Madela at Darren Espanto na mga regular hurado rin sa show.


Nag-perform din ang SB19 ng kanilang bagong song na siyempre pa ay kinagiliwan namin nang todo bilang ka-A'tin kami. Hahahaha!


Grabe na talaga ang kinang at husay ng SB19. Sa nalalapit nilang 2-night concert sa Philippine Arena (May 31 and June 1) bilang kick-off sa muli nilang pagkakaroon ng world tour, bonggang-bongga ang preparation nila dahil nais daw nilang ihandog sa mga kapwa Pinoy ang ‘da best’ nila bago sila humataw sa ibang bansa.


May DAM tree rin sila sa BGC na laging puno ng mga visitors. ‘Yung collab nila with other icons like Sarah Geronimo et. al. ay socmed (social media) viral din.


And yes, sa nalalapit na Japan Music Awards ay 3 lamang sila nina Maki at TJ Monterde na mga Pinoy na nominado sa mga kategoryang Best of Listeners Choice at Request Special Award. 


Sinasabi ngang ang Japan Music Awards ang Asian version ng kilalang Grammy Awards sa USA.



“EXPECTED na namin ‘yan,” kuwento sa amin ng mga taga-Naga naming chummies na volunteer supporter pala ni Marco Gumabao.


Tungkol ito sa napabalitang nag-unfollow-han na nga si Marco at ang GF nitong si Cristine Reyes na marahil daw ay mauwi nga sa hiwalayan gaya ng ibang showbiz couples.


“Naririnig kasi namin na may sariling political plan si Cristine. Parang may conflict or something kaya siguro hindi namin nakikitang nakasuporta kay Marco,” tsika ng ilang nakausap namin.


May mga nagsasabi namang may support naman si Cristine sa BF, kaya lang, mas mahirap nga raw ‘yung paroo’t parito from Manila to Bicol, lalo’t hindi naman daw well-funded ang campaign ni Marco.


‘Yung iba naman ay nagpapalagay na baka tampuhang BF-GF lang ang nangyayari. At ang mga bashers nila ay nagsasabing nagpapansin lang ang dalawa, lalo’t ilang araw na lang ay botohan na.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 26, 2025



Photo: Celia Rodriguez - SS from video - FB Joey Austria


Akala siguro ni Manang Celia Rodriguez ay walang magre-react sa kanyang pag-shading sa isang Vilma Santos.


Kahit never niyang binanggit ang name ni Ate Vi nu’ng magkuda siya during the eulogy sa lamay ni Nora Aunor tungkol sa susunod na National Artist (ayon sa opinyon niya) from showbiz enumerating the likes of Eddie Garcia, Gloria Romero and even Lea Salonga, sa mga nakatutok sa kung ano’ng hanash niya kay Ate Vi, walang hindi mag-iisip na ang Star for All Seasons nga ang tinutukoy niya.


Sa dinami-rami ng mga matatalino at disenteng Vilmanians na sumagot using their socmed accounts, boljak na boljak si Manang Celia mereseng ang tapang-tapang niyang magsabi na wa’ siya pakialam kahit ma-bash siya.


“Wala raw pakialam, eh, panay ang kuda–dakdak n’ya sa mga kapwa niya artista kahit ayaw na siyang pakinggan. Halata namang affected s’ya ng mga ganting komento ng maka-Vi,” sey ng isa sa mga kauwa-beterana niyang aktres na nakarinig sa kanya.


Bigla ring naglabasan ang mga kapwa niya beteranang video clips sa naging interview niya noong Rubia Servios (RS) days (1978 MMFF entry) praising Ate Vi to heavens and even chose her as the more deserving actress over Ate Guy’s Atsay entry.

Ang RS ang first movie team-up nina Ate Vi and now National Artist Lino Brocka, while

Ate Guy’s movie director then was Eddie Garcia.


Nito na nga lang 2025 biglang kumambiyo at nag-iba ng preference si Manang Celia na hindi naman masama. Sabi nga niya, “It’s my opinion.” 


‘Yun nga lang, sa mga ginawa at sinabi niyang papuri at pag-angat sa iba, may mga kailangan siyang gamitin o basagin na pangalan at reputasyon.


Para saan? For clout in this time and age where socmed (social media) is the in thing in expressing opinions? Para pansinin siya sa mga TV works niya na halos ipamalimos niya sa mga producers?


As one Vilmate, Hershey Juezan aptly put it in her socmed account, “Respect is not claimed by seniority, but earned by credibility.”


Ibabalik natin ang usapin kay Manang Celia, sa halos 6 na dekada mo na rin po sa industriya at bilang kapwa-Bicolano namin, na-build po ba ninyo ang sapat na respeto para magkaroon kayo ng wastong kredibilidad?



KAYA naman kahit napakaikli at simple lang ang sagot ni Dolly de Leon sa isang interview tungkol sa opinyon niya sa kung sino sa tingin niya ang karapat-dapat mabigyan din ng National Artist honors, nakinig ang lahat at nagbigay ng mataas na respeto.


“Ate Vi, Vilma Santos,” sagot ni Ms. Dolly.


“Not said out of fanfare or favoritism, but from credibility. From someone who knows what it means to build a legacy, to earn every applause, and to carry the name ‘Pilipinas’ with pride across continents,” bahagi nga ng bonggang post ni Hershey Juezan sa socmed.


“See, real queens recognize real queens. Dolly didn’t need to throw shade. She didn’t need to drag others down just to lift someone up. No backhanded speeches. No bitterness masked as admiration. Just truth, fierce and fair,” sey pa ng post.


Well, base sa pinag-uusapang isyu, between Manang Celia Rodriguez and Dolly de Leon, sino nga ba naman ang mas may naiambag na bonggang respeto at kredibilidad sa larangan ng showbiz? 


O baka naman magkuda si Manang Celia na hindi niya kilala si Dolly de Leon, huh?

‘Yun na!



GAYAHIN na lang niya siguro ang bagets star na si Ashley Ortega na kahit hindi pa pala endorser ng mga juice products na LUXE Slim, aba’y bonggang-bongga nang gumagamit nito?


Dahil sponsor nga sa ongoing na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang Luxe ni Madam Anna Magkawas, may mga juice products sa loob ng PBB.


“Ako po talaga ang takaw ko. Kahit gutom ako, iniinom ko ‘yun. Ang daming colorful glasses sa loob ng ref with different variants ng juice. Frozen na nga ‘yung iba kaya ang sarap n’yang kainin as ice candy like. Favorite ko ‘yung avocado flavor,” madaldal pang tsika ni Ashley.


Kaya after siyang ma-evict kasama si AC Bonifacio, agad siyang ipinakontak ni Ms. Anna sa GMA Sparkle Center at hindi naman sila nahirapan.


“Mabilis ang naging negotiation. Ang nakakatuwa pa kay Ashley, alam talaga niya by heart ang mga juice products namin. Sino ba namang gaya ko ang hindi mae-encourage na kunin s’ya as endorser,” sey naman ni Ms. Anna.


Actually, si Ashley nga ang unang PBB housemate evictee na may nakuha agad na endorsement habang ongoing pa ang show. 


At ang nakakaloka sa bagets, gulat na gulat pa siya nang malaman niyang ka-level na niya ngayon sina Marian Rivera, Vice Ganda, Ruffa Gutierrez, Alexa Ilacad and more bilang kapamilya ng Luxe products.


“Hindi ko po talaga alam. Si Mavy (BF niya) ang nagsabi sa akin about it dahil naging endorser din pala nito si Cassy (Legaspi). Grabe naman po ang levelling,” tsika pa nito.


Nasa Lolong si Ashley sa ngayon at may niluluto pang project sa kanya ang GMA-7. Okey naman daw sila ni Mavy at ng pamilya nito. Mas okey na rin daw sila ng family niya, lalo na ng kanyang mother na unti-unting nare-reconnect sa kanya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page