top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 5, 2025



Photo: Claudine Barretto - IG


First runner-up finish ang inabot ni Winwyn Marquez sa katatapos na Miss Universe-Philippines 2025.


Hindi man niya nakuha ang pinakamimithing korona na magbibigay sa kanya ng karapatan to represent the country sa Miss Universe 2025 sa Thailand this year, hindi naman niya binigo ang kanyang mga supporters.


Naging hakot queen nga si Winwyn matapos niyang makuha ang halos lahat ng minor awards nu’ng prelims. At nu’ng finals naman ay super-kabogera pa rin ang kanyang aura at talino.


Sadya lang talagang hindi pa ready ang bansa na magpadala ng candidate na may asawa’t anak.


Si Ahtisa Manalo na tatlong beses nang nagtangka sa korona ang nanalo kahit may mga bashers na nagsasabing mas tinalbugan siya ng Siniloan, Laguna, Cebu City at Sultan Kudarat candidates, na may mga minor international pageants ding sasalihan.


May mga naysayers pang nagkomento na sure na raw na luhaan na naman tayo sa Miss Universe 2025 dahil kung ang mga minor international titles nga raw ay hindi magawang mapanalunan ni Ahtisa, how much more pa raw ang Miss Universe? 


For the record, naging first runner-up sa Miss International 2018 at naging top 10 nga lang sa Miss Cosmopolitan 2024 si Ahtisa.


May mga bashers din namang nagsasabi na tila nawalan din daw ng saysay ang pagiging Reina Hispano-Americana 2017 ni Winwyn lalo’t tinawag nga siyang “Latina-slayer” dahil kinabog niya ang mga ito sa naturang title noong 2017.


Well, ganyan talaga ang buhay ng mga beauty queens. Ang importante, nagagawa pa rin nilang maging matatag at palaban sa anumang laban.

Huge kudos sa inyo!



TAONG 1986 pa namin nakilala at nakasama sa Actors’ Workshop Foundation thru DKB PopCom project si Direk Ricky Davao.


Ang natatandaan naming kasama niya noon ay sina Direk Gina Alajar, Leo Martinez at iba pang members-volunteers ng AWF.


Kami naman ay sa hanay ng DKB PopCom bilang naging federation president nga kami noon sa Bicol ng Kabataang Barangay ni Sen. Imee Marcos.


Kaya nang maging parte na kami ng showbiz, mas nakilala at naging kaibigan namin ang mahusay na aktor-direktor.


In 2008, ilang araw din namin siyang nakasama sa Bohol shooting with Direk Cesar (Buboy) Montano, Angel Aquino at Mercedes Cabral with our dear friend amiga Dolly Anne Carvajal.


Tapos ‘pag may birthday party din kami, lagi niya kaming pinauunlakan na maging "singer-entertainer" (totoo ‘yung running joke na huwag siya dapat paghawakin ng microphone dahil mahihirapan ka nang sumingit kumanta, hahaha!) at signature song nga niya ‘yung La Vie en Rose.


Sa dose-dosenang beses na namin siyang napuntahan sa mga set visit, movie premiere at shoots at iba pang okasyon, ‘yung pagiging makuwento, pakyut moment, at paghula sa blind items namin ang regular naming bonding spree.

Mga twice or thrice na rin niya kaming niregaluhan ng ‘cap’ o sumbrero at most special sa amin ‘yung Lacoste black cap.


Ang pinakahuling beses nga namin siyang nakasama (ironically with Direk Gina Alajar) at nakahuntahan ay nu’ng guesting nila sa Marites University podcast at film screening sa Net25 ng Monday First Screening nu’ng 2023.


And our last exchange of messages was in May-June 2024 nu’ng hiningan namin siya ng video endorsement for Ate Vi’s (Vilma Santos) bid for National Artist, bilang nagkasama sila sa ilang mahahalagang movie projects in the late ‘90s at naging magkaibigan din. 


Pero hindi na nga niya naipadala sa amin dahil marahil ay may iniinda na siyang karamdaman noon.


Hay, napakabata pa ni Direk Ricky at 63. Pero life is life, ‘ika nga. Kakambal lagi nito ang kamatayan na doon naman talaga tayo papuntang lahat.


Rest in peace, Direk. Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya, kaibigan, katrabaho at mga mahal niya sa buhay.


Indeed, isa na namang acting great at mabuting kaibigan ang nawala sa atin.



HAHARAP ngayong araw, Lunes, May 5, sa showbiz media ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.


Naging tradisyon na nga ng Regal Entertainment family ang magbigay ng salu-salo sa mga napupusuan nilang mga kandidato kasama ang mga friends in showbiz media, isang legacy ng yumaong si Mother Lily Monteverde na ngayo’y itinutuloy ng mag-inang Roselle at Atty. Keith.


Naku, nakaka-excite na chikahan ito lalo’t bongga ang naging pagpayat ni Mega Shawie na for sure ay ise-share niya.


But of course, more than that ay nasisiguro nating marinig ang plataporma ni Kiko na sobrang identified na sa mga magsasaka at mangingisda.


Sa napaka-cute nilang political ad na “kapag may Sharon, may Kiko,” tiyak na mas marami pa tayong maririnig na parehong may intriga at katotohanang mga isyu.


Ine-expect na rin nating kantahan tayo ni Shawie to prove to us na hindi naapektuhan ang kanyang boses sa nangyaring pagpayat niya, kahit pa nga sagad-sagaran din ang pagsama niyang pag-iikot from Luzon to Mindanao para humingi ng boto sa mga tao.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 3, 2025



Photo: Claudine Barretto - IG


Hindi pa man nagsisimula ang sinasabing project na posibleng magpabalik kay Claudine Barretto sa mainstream leading star status, aba’y grabe na ang bashing ng mga maka-anti-Duterte.


Sa ipinakitang convo ni Clau with Direk Darryl Yap, ramdam natin ang excitement sa aktres na gampanan ang life story ni VP Sara Duterte.


Meron pa siyang sagot du’n na willing siyang magpagupit ng buhok para lang lalo niyang ma-imbibe ang aura ng kontrobersiyal na VP ng bansa.


Kung marami ang maagang nagba-bash, lalo’t equally scandalous ang direktor nitong si Darryl, marami rin naman ang interesado at excited lalo na ang mga Duterte followers.


From the looks of it, tanggap na marahil ni Darryl na ‘shelved’ muna ang Pepsi Paloma project niya kaya’t before the year ends, need niyang makagawa ng higit ding kontrobersiyal na movie project.


Marami lang ang nagtatanong kung gagawin din daw bang ‘beshie’ ni Darryl si VP Sara gaya ng pagiging beshie nila ni Sen. Imee Marcos na siyang nag-introduce sa dalawa?


Siyempre, kasali riyan si Claudine na hindi naman kuwestiyunable ang galing at husay sa pag-arte. Kumbaga, kering-keri niya ang naturang role nang hindi na mag-e-effort nang todo.



Bongga rin ang style ng mga defenders ni Kyline Alcantara.


After kasing maglabas ng statement ang GMA-7 Sparkle na nakikiusap na hayaan nang mag-move on si Kyline, kaya ‘wa na ito talk sa isyu nila ni Kobe Paras, sunud-sunod naman ang socmed (social media) posting for her and about her.


Nandiyan ang friendship nito with Michael Sager, ang pag-follow uli rito ni Sarah Lahbati at ultimo ang pagbigay ng flowers ni Marian Rivera ay tila mga ganting promo blitz sa ngayo’y kuwestiyonableng imahe ni Kyline.


Naka-segue ang mga ito sa upcoming series na Beauty Empire (BE) na at this early ay napag-uusapan hindi ang kagandahan, kundi ang diumano’y kapangitan ng pagkakasama ni Kyline sa series.


Bigla nga niyang tinalbugan ang mga lead stars ng series na sina Barbie Forteza, Ruffa Gutierrez at Gloria Diaz.


Being the youngest nga naman sa line-up, siya ang tila higit na may kailangang patunayan mereseng umaabot na sa halos 5 million ang followers niya sa Instagram (IG).



MEANWHILE, going smoother naman ang relationship ngayon nina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.


Nang makausap nga namin si Ashley nu’ng pumirma siya ng kontrata under LUX beauty company ni Mam Ana Magkawas, proud nitong sinabi na isa nga si Mavy sa mga ni-look forward niyang maka-bonding after niyang ma-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE).


Bukod sa sariling pamilya at pagkakaroon niya ng komunikasyon sa kanyang ina, talaga raw kinarir nila ni Mavy ang pagkakaroon ng time na mag-chill.


Ang bongga pa riyan, kasama pa ni Ashley ang pamilya ni Mavy na inilarawan niyang “very welcoming”.


At dahil ex-GF ni Mavy ang kontrobersiyal ngayong si Kyline Alcantara, hindi maiwasang ikumpara ito kay Ashley na tanggap na tanggap nga ng Legaspi family at panay magagandang reaksiyon lang ang ibinibigay dito.


Very bubbly, straightforward, ma-chika at very respectful magkuwento si Ashley kaya hindi kami nagtataka na ‘in na in’ siya sa pamilyang Legaspi.

Tama ba, Nanay Mina at Tatay Zoren?

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 2, 2025



Photo: Jomari Yllana - IG


Halata namang very passionate si Jomari Yllana sa kanyang motorsport hobby.

In fact, halos hindi na nga ito hobby dahil gaya nga ng kanyang sinabi before, parte na ito ng kanyang buhay.


Ang feeling nga namin, mas pipiliin talaga niya ang naturang sport kumpara sa public service.


Sa tatlong leg ng collab nila ng Okada Manila, itong May 4 ang mauuna sa Parañaque City. 


Aniya, “For some reasons, importante sa amin ang lugar na ito dahil bukod sa resident kami ru’n, we want to have that ‘homey’ vibe para sa mga susunod na events, para lang din kaming namamahay.”


Although high-end na matatawag ang motorsport sa bansa, malaki nga ang potential nito sa mga aspetong tourism at advocacy na ‘safe and responsible driving.’

Off the record na nga kung ilan na ang naging high-end cars ni Jom, pero more than those raw, ‘yung naibibigay nilang inspiration ang mas nakakapag-satisfy kay Jomari.


Wish nga lang niyang sana soon daw ay manahin ng kanyang anak na si Andre ang mas determined passion niya sa motorsport.


“Well, baka naman kapag nagkaanak na kayo ni Abby (Viduya) ay may lumabas na ‘junior’ mo, mapa-lalaki o babae man ‘yan,” tanong ng isang kapatid sa panulat.

“Puwede, why not?” ganting sagot ng champion racer.



“The best Jodi Sta. Maria horror movie,” sigaw ng mga nakapanood ng Untold na currently showing sa mga sinehan nationwide.


Ayon nga sa mga Jodinatics na katabi namin sa panonood ng movie, ibang-iba raw si Jodi sa Untold, kumpara sa mga nagawa na niyang Clarita, Maria, Leonora, Teresa (MLT), Apparition, na pawang may horror element.


Totoo naman, lalo’t hindi mo kayang kuwestiyunin ang husay mag-interpret ng role ni Jodi. Minamani-mani lang ni Jodi ‘yung pag-shift ng emotions from a very manipulative and scheming news reporter to being a loving daughter, to mixing her comedic skills to drama. 


Kaya nakapagtataka talagang hindi ito napili ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil kumpara sa award-winning horror entry last MMFF, ‘di hamak na mas matino at mahusay ang pagkakagawa ng Untold.


Kuwela ang script at ang very updated mga batuhan ng linya rito. Hindi ka maliligaw kung isa ka sa mga boomers, Gen Z o millennial, etc.. Na-capture nito ang lahat ng audience.


Bongga rin ang story at talagang may ‘mata’ si Direk Derrick Cabrido sa mga ganitong tema ng movies.


Bongga rin ang SM theaters dahil bukod sa binabaan nila ang singil sa sine, may extra discount pa ang mga students na manonood basta dalhin lang daw ang mga “I.D.s” nila.


Sana nga ay panoorin ito ng mas maraming mga tao dahil masarap sumigaw, tumili, magulat at masindak nang may kasama o katabi ka sa sinehan. Hahaha!


Aminin po natin, mas may saysay ang isang horror flick kapag napapasaya tayo habang sumisigaw sa takot. 


Hindi gaya ng iba na nang-iinsulto na ng ating kamalayan, nanloloko pa sa pagkuwento. Hahaha!



NALOKA sa amin si Pops Fernandez nang tawagin namin siyang “Pambansang Hurado” ng mga singing contests.


Mula nga naman sa pagiging Concert Queen in the 80s-90s, ngayon ay puro pag-upo bilang hurado ang madalas niyang gawin.


Mula nang maging judge siya sa The World’s Best (TWB), nasundan ito ng mga stints niya sa Eat… Bulaga! (EB!) at ibang shows na hurado siya.


Tapos, nitong katatapos lang na Grand Resbak sa Tawag ng Tanghalan (TNT), at itong paparating na Masked Singer Pilipinas (MSP).


Sa Season 3 nga ng MSP, makakasama niya sina Janno Gibbs, Arthur Nery at Nadine Lustre, with Billy Crawford as host.


“This is an entirely different experience. Not that this is not so serious kumpara sa mga bardagulan sa ibang singing shows, but the seriousness in what they do is there. Talagang kinakarir din ang pagkanta ng mga contestants na kung tutuusin nga ay mas difficult dahil naka-maskara costume sila. Ang hirap kaya nu’n. 


“And yes, we as judges are also very serious sa paghula sa kung sino nga sila under their masks. Grabe nga ang kantiyawan namin,” kuwento pa ni Pops.

Ngayong May na ‘yan mapapanood sa TV5 on weekdays.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page