top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 27, 2025



Photo: Julia Barretto - IG


"Sila pa rin. May kani-kanya lang na pinagkakaabalahan," sey ng napagtanungan naming common friend nina Gerald Anderson at Julia Barretto hinggil sa napabalitang naghiwalay na ang dalawa.


Kumalat kasi ang tsismis last weekend na nag-break na diumano ang dalawa. Mabilis na nag-speculate ang mga netizens lalo't napanood sa Eat… Bulaga! si Julia as guest co-host na para raw matamlay.


May nagsasabi pang may ilang photos silang dalawa ni Gerald na dinelete ni Julia sa Instagram account niya at wala nga itong latest post na magkasama sila.


On the other hand, matagal na rin daw na walang post si Gerald na magkasama sila ni Julia at puro tungkol sa motoring activity niya ang nasa socmed account nito.


Kahit daw nu’ng nag-birthday si Marjorie Barretto (mother ni Julia) ay no show si Gerald na in the past naman ay lagi-laging kasama sa mga family-related bonding time ng mga Barretto. Pero binati naman nito si Marjorie at sumagot din ang huli.


"Wala, sila pa rin. Walang isyu. Baka lang talaga sobra silang busy. Basta ang alam namin, maayos pa rin sila as partners," sagot ng aming kausap.


Esplika naman ng ilang uzi at mga sawsawera, "Naku, baka umabot na sa stage na nagsasawa na si guy. Kung pagbabasehan natin ang mga previous romances niya, lagi siyang may ganyang phase until umabot na sa hiwalayan. Sana nga hindi naman, huwag naman dahil sayang."



PINAG-UUSAPAN din sa socmed ang magkaibigang Vice Ganda  at MC Muah.

Pumutok din kasi ang tsikang sobra naman daw yata ang ginawang pamamahiya ni Vice sa kaibigan at co-host sa It's Showtime.


Nangyari nga raw ‘yun nang magkaroon sila ng rebonding time sa Palawan kung saan magkakasama nga silang magkakaibigan na matagal nang hindi nagkakaroon ng time as friends.


Kabilang diyan ang mga tropa nilang sina Lassy, Chad Kinis, Tonton at iba pa na pawang mga performers din sa comedy club ni Vice.


"Sobra naman ‘yung ginawa ni Meme Vice. Nai-content pa niya talaga at nagmukha tuloy na nagamit ‘yung isyu niya kay MC," saad ng netizen.


Simpleng kaso ng disgusto sa ugali ng isang kaibigan na normal naman talagang meron lagi sa grupo. ‘Yung nale-late, ‘yung tipong matagal lumabas, ‘yung hindi agad nakakasunod sa pinag-usapang oras o gawain, etc. In simple term, "hindi marunong o maayos makisama."


Pero dahil si Vice nga ang nagsisilbing pinakasikat, pinaka-boss at powerful, siyempre, siya itong may hawak ng timon at kung gusto nitong okrayin ka o i-humiliate in public, gagawin niya.


Although nagkaayos na sila at nagkabati at nagkapatawaran, sinasabing "pinagbigyan" na lang ni MC ang kaibigan to end the rift. 


Marami pa rin ang naniniwala base sa nakikita nila kay Vice na nag-play demigod umano ito at ipinakita sa tropa niyang "untouchable" siya at siya lang ang may "K' manita o mang-okray anytime, anywhere to anybody at his convenience.

Awww!!!



GRABE rin ang reaksiyon ng mga netizens sa kasong kinasangkutan ng anak at pamangkin ni Sen. Jinggoy Estrada sa Boracay kamakailan.


Nagkaroon na naman tuloy ng oportunidad ang mga bashers ng senador nang lumabas nga sa mga balita ang ora-orada nitong pagpunta sa Boracay Island nu’ng magkaroon ng insidente ng pambubugbog sa anak at pamangkin.


Although nasampahan na ng kaso ang mga gumawa nito, hindi nakaligtas sa mga mapanuring bashers ang diumano'y "powers at influence" na posibleng ipinaramdam ng senador sa mga otoridad ng lugar at sa mga nambugbog sa anak at pamangkin.


Naglabas na rin ng pahayag ang nabugbog na anak ni Sen. Jinggoy na si Julian kaya't nanawagan din ang mga netizens na maglabas na rin ng kanilang side ang mga kinasuhang nambugbog dito para naman daw mabalanse ang kuwento ng bawat panig.


Well, bilang magulang ay hindi natin maiaalis kay Sen. Jinggoy ang naturang gawain. Eh, ano naman kung ora-orada ay nakalipad agad siya from Manila to Boracay to attend to his son's need? Nagkataon lang na isa siyang may mataas na posisyon sa bansa kaya't expected na ang mga ganu’ng reaksiyon mula sa mga kalaban o hindi siya gusto.


But then again, may naisampa nang kaso kaya't hayaan nating gumulong ang tamang proseso.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 24, 2025



Photo: Team Pacquiao


O, ayan na nga. Mayroon nang July 19 na playdate ang pagbabalik-boxing arena ni Manny Pacquiao.


Makakalaban ni Manny si WBC Welterweight Champion Mario Barrios sa MGM Grand sa Las Vegas, USA.


Mismong sa Facebook (FB) account ni Manny inilabas ang balita kaya naman samu’t sari na naman ang mga bashing na inabot ng itinuturing na Pambansang Kamao.


Siyempre pa, lahat ng mga nega opinion ay may kinalaman sa paghahangad muli ng ‘pera’ ni Manny na gaya nga ng mga balita ay tila raw nauubos na.


Sa pagkatalo ni Manny sa muling pagpalaot nito sa pulitika kamakailan, marami talaga ang nagsabi na magbabalik-boxing ito dahil ito ang ‘easiest way’ upang maibalik niya ang kanyang pagiging economically rich. 


Hindi na raw ito usapin ng fame or honor dahil once na ma-prove niyang keri pa niyang manalo, kusang lalapit daw ang mga economic opportunities mula sa mga endorsements hanggang sa iba pang pagkakakitaan.


Ang boxing world naman ay parang hindi na ganu’n ka-excited sa naturang match. May mga nagsasabing hindi madaling laban ang gagawin ni Manny at tila madaling makakalimutan ng kasaysayan ang mga previous victories niya.


Meron pa ngang nagpayo sa boxer na magpa-check-up na ito ng utak dahil mukhang sobra na raw itong naalog at naapektuhan para ipagpalagay niyang isa siyang ‘Superman’.


Balik-Freddie Roach at Buboy Fernandez training si Pacman na sinasabi rin ng mga new gen of boxing fans na dapat din ay nag-retire na.

Well…



PINAG-UUSAPAN ngayon ang naging matinding pagbuhos ng emosyon ni Alden Richards.


Matindi dahil first time na nagsalita ang aktor sa kondisyon ng kanyang mental health na noong 2024 nga raw sumadsad nang grabe. As in ‘rock bottom’, ayon pa sa deskripsiyon ni Alden.


Siyempre pa, marami ang naalarma sa ibinahagi ni Alden dahil isa nga naman siya sa mga kilalang personalities na may maituturing na most successful career sa showbiz.


Sa likod pala ng mga magagandang ngiti at tawa na ‘yan ay nakatago ang isang bahagi ng emosyon at pag-iisip ni Alden na konektado sa depresyon.


Isang napakahirap na sitwasyon na nangangailangan ng expert in the field para mai-address nang tama.


Grabe rin ang pagkagulat ng lahat nang kuwestiyunin ni Alden na bakit daw kasi dapat na i-equate sa pagkakaroon ng love life ang kaligayahan o kasiyahan ng isang tao?


Hmmm… marami na rin kaming mga nakitang personalidad o kahit mga ordinaryong tao na hindi agad-agad nako-contain ang mga ganyang isyu sa sarili. ‘Yun bang kapag nasa work ka o nasa harap ng mga tao, may naipapakita kang ibang parte ng pagkatao mo, and yet, kapag nag-solo ka na lang, doon na lahat naglalabasan ang mga tanong kung masaya ka ba talaga o may mga tanong na hindi mo masagot. 


‘Yung mga biglaang atake ng anxiety, ng kalungkutan, ng belongingness and the like, yes, mental issue nga ‘yun na hindi dapat balewalain.



KAYA hahangaan mo rin ang isang gaya ni Nadine Lustre.

Sure kaming matindi rin ang epekto sa kanya ng mga nega comments and bashing kaya naman minarapat na niyang sampahan ng kaso ang mga gumagawa nito sa socmed (social media).


Pormal na ngang nag-file si Nadine ng kasong paglabag sa Safe Spaces Act laban sa ilang indibidwal at grupong umaatake sa kanya.


Ayon pa sa aming napag-alaman, ang Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313, na kilala rin bilang Bawal Bastos Law ay batas na naglalayong protektahan ang bawat indibidwal laban sa gender-based sexual harassment sa iba’t ibang lugar — kabilang ang mga pampublikong espasyo, paaralan, lugar ng trabaho, at online platforms — mula sa anumang uri ng pang-aabuso o pambabastos.


Wala kaming mga nakuhang pangalan o grupo ng mga tao na specifically sinampahan ng kaso ni Nadine, pero malalaman daw natin in the coming days ang mga update hinggil dito.


No less than si incoming Mamamayang Liberal (ML) Partylist representative Leila de Lima ang unang nagpahayag ng suporta sa aksiyon ni Nadine, pati na rin ang iba pang mga nag-iisip na ring ‘sampulan’ ang mga bullies sa socmed at iba pang sakop ng Bawal Bastos Law.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 23, 2025



Photo: BINI PH - IG


“Budol!” sigaw ng netizen na may mga kaanak sa Dubai na nagrereklamo sa tila ‘way below’ production value ng BINI concert sa naturang lugar.


Para raw sa mga Bloomers at mga nagbayad ng mahal sa concert, hindi nila sinisisi ang kilalang girl group dahil magagaling naman daw ang mga ito at hindi pa rin binigo ang mga fans nila.


Ang problema nga raw ay hindi man lang inisip ng producer ng show ang sitwasyon ng mga manonood na nasa malayong puwesto.


“For such a venue that holds thousands of crowds? Mahal pa ang tickets? Ganu’n lang ang production value, parang school program lang?” ang halos magkakaparehong komento ng mga Pinoy na nanood ng nasabing show.


Bahagi nga ng world tour ng BINI ang naturang Dubai leg, kaya’t mataas umano ang expectation ng mga tao lalo na ‘yung mga Bloomers talaga.


“They (producers) made it look cheap. We would not be surprised if sooner or  later, the girl group would disband,” sey naman ng ilang tila negatrons.


Hindi pa namin na-receive ang anumang photos o video na ini-request namin sa mga nagrereklamo. Ilan nga ang tungkol sa sinasabing way below production values ay gaya ng kawalan ng malaking LED monitor para sa mga nasa malalayong puwesto, ang bonggang audio system, ang mga paandar na ilaw at fog machine, pati na ang iba pang audio-video enhancements para matawag man lang na ‘world-class’ ang naturang Dubai leg.



SA nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) ay sunud-sunod nang ipinakita ang character teasers ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian, pati na rin ang karakter ni Rhian Ramos.


Marami ang bumilib at talaga namang pinag-uusapan ang mga karakter. 


Sey ng ilang netizens, “Napahanga ako sa line ni Bianca na ‘Para sa Encantadia.’ Ang strong and powerful niya nang sinabi n’ya na ‘yun. Masasabi ko na bagay talaga sa kanya ‘yung role. I can’t wait na mapanood ang bagong Encantadia. Super-angas ng special effects and graphics. Kudos Encantadia Chronicles: Sang’gre. Super-galing n’yo.”


Samantala, kani-kanyang bida rin ang mga fans nina Faith, Kelvin at Angel sa kanilang mga teasers. Kasabay din nito ang pagpapakilalang muli kay Rhian Ramos bilang Mitena. 


Sey ng isang netizen, “Mukhang may bago na namang magpapa-highblood sa ‘kin.”

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ngayong Hunyo sa GMA Prime!


Dapat daw kayang basahin ang isip niya…  

SOFIA, ROBOT ANG HANAP NA ALALAY


MEANWHILE, may mga netizens namang nagtatanong kung nahanap na ba o nakakuha na ba si Sofia Andres ng kanyang personal assistant?


Nag-viral kasi ang naging post ni Sofia hinggil dito, lalo’t para sa mga netizens o nakabasa ng kanyang post ay tila naghahanap daw ng kakaibang ‘robot’ ang mayamang aktres.


Kung inyong matatandaan, ganito ang naging post ni Sofia, “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule). Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to ‘I forgot.’ Think that’s you? Slide into the inbox—applications open, excuses closed. Email me thesofiaandres@gmail.com.”


Grabe ang inabot na bashing ng aktres hinggil dito lalo na sa parteng ‘keri raw na basahin ang kanyang isip ng naturang PA.’


Wala namang kumuwestiyon sa kakayahang magbayad ni Sofia dahil alam nilang bilyonarya ito. ‘Yun nga lang, may nakuha na kaya siya o may nag-apply man lang?


‘Di umubrang senador…

IPE, ALALAY NI SEN. BONG GO ANG BAGSAK


AY, speaking of apply, may mga bashers si Phillip Salvador o Kuya Ipe na nagsasabing hindi na sila magugulat kung maging PA (personal assistant) man ito ni No. 1 elect-Senator Bong Go.


Kahit hindi pa raw pumapasok sa pulitika si Kuya Ipe ay hindi na talaga ito nangimi o nahiya man lang na maging PA ni Sen. Go. 


In fact, sa napakarami raw na commitments ng senador kahit noon pa ay madalas na inire-represent siya ng aktor.


“Kaya ‘wag na po tayong magtaka kung magiging regular na ‘tao sa Senate office’ si Kuya Ipe dahil sure namang  mag-e-enjoy siyang maging alalay ni Sen. Bong Go,” hirit ng netizen.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page