top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 30, 2025



Photo: Albee Benitez at Ivana Alawi - IG


Naku, hayan na, pinangalanan na si Ivana Alawi sa demanda na inihain ni Dominique “Nikki” Lopez Benitez.


Ayon sa mga lumabas na balita, nagsampa ng kasong VAWC (Violation Against Women and Children) si Gng. Benitez laban sa asawang si dating Bacolod City Mayor Albee Benitez at sa sexy actress na si Ivana. Matinding mental at emotional distress umano ang naidulot nito kay Mrs. Benitez.


Ilang taon na rin ang nakalipas nang masangkot sa iskandalo ang mga personalidad na nabanggit, lalo’t maraming mga sighting ang dalawa here and out of the country.

Ipinaliwanag lang nila ‘yun bilang ‘chance encounters’ kaya’t walang sapat na ebidensiya na may namamagitan nga sa kanila.


Kahit ang anak nina Albee at Nikki na si Javi Benitez na minsan din namang naging parte ng showbiz at ex-BF ni Sue Ramirez ay mayroon ding mga cryptic messages noon tungkol sa umano’y relasyon ng ama kay Ivana.


Base nga sa isinampang kaso ni Mrs. Benitez, napag-alaman nga niyang nagkaroon na pala ng dalawang anak sa labas ang asawa habang nagsasama pa sila at umamin nga itong may kaugnayan o relasyon pa kay Ivana.


Aabangan natin ang mga susunod na kaganapan hinggil dito.

Samantala, kung matatandaan ay naglabas noon ng pahayag si Ivana thru her Facebook (FB) account hinggil sa isyu.


Itinanggi nito na may kaugnayan siya kay Cong. Albee at ayon pa sa post niya, nagpapahayag siya dahil sa mga hindi magagandang salita na ipinupukol sa kanyang ina at kapatid na babae.


“This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito,” saad pa ng post ni Ivana na umaming “I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a politician.”


Winner, ginawa raw seller sa Tiktok, nag-resign…

CJ OPIAZA, PALIT KAY MS. INDIA BILANG 2024 MS. GRAND INTERNATIONAL


TINANGGAP na kaya ni CJ Opiaza ang korona na posibleng ipagkaloob sa kanya bilang kapalit ng 2024 Ms. Grand International?


Para sa mga beauty enthusiasts, bongga ang balitang ito mula mismo sa pamunuan ng Ms. Grand International, isa sa mga itinuturing na pinakasikat na beauty pageants kasama ng Miss Universe, Miss World, Miss International, Miss Earth at Miss

Supranational.


Sa ginawang announcement ng kontrobersiyal na owner nitong si Nawat Itsaragrisil (na isa na rin sa mga may-ari ng Miss Universe franchise sa ngayon), posible ngang ibigay kay CJ (Cristine Julianne) ang korona after nilang tanggalin ito sa nanalong si Ms. India Rachel Gupta.


Ayon sa mga naglabasang balita, tinanggalan ng korona si Rachel dahil sa hindi nito pagsunod sa mga tungkulin bilang Ms. Grand International.


Subalit sa inilabas namang video message ni Rachel, siya ay nag-resign dahil sa may mga bagay sa organisasyon na hindi niya maramdaman gaya ng wastong suporta at mga kaukulang bagay para sa isang reyna. Binanggit pa niya na ginawa lamang siyang ‘seller sa TikTok’ ng Ms. Grand International organization, taliwas sa dapat ay tungkulin niya.


Well, kung tatanggapin nga ni CJ ang korona, ito ang kauna-unahang beses na mayroon na tayong Ms. Grand International title para sa bansa.


That makes us indeed among the powerhouses pagdating sa mga beauty pageants dahil nakuha na natin ang 6 sa most prestigious titles sa mundo ng pagandahan at patalinuhan.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 29, 2025



Photo: Sofia Andres at Marian Rivera - IG


Nakakaloka pero viral ang photo opp ni Sofia Andres kasama si Marian Rivera.

Nilagyan pa ito ng caption ni Sofia na: “Nakakahiya ilapit ang face ko, napakaganda (teary-eyed and in love emojis).”


Wala ni isa man ang kumontra sa naturang caption dahil sinang-ayunan pa nila si Sofia.


Dahilan para ma-bash pa nga siya at tawaging “mas mukhang matanda at haggard”, “hindi na fresh”, “hindi kasi nakuntento sa dating ganda”, etc., etc., na lahat nga ay pamimintas kay Sofia.


Sa naturang picture kasi ay imbes na simpleng pag-smile ang ginawa ng mas batang aktres ay nag-pout ito ng lips at dahil sa suot nitong headdress o parang sumbrero, hayun, nagmukha tuloy malaki ang kanyang mukha kumpara kay Marian na napakasimple at may very sweet smile.

Nakakaloka. Hahahaha!


Kaya wala nang burol, inilibing agad…

FREDDIE, NAG-MUSLIM NANG PAKASALAN ANG MENOR-DE-EDAD NA DYOWA


Marami ang nalungkot at nagtanong sa Muslim rites ng paglibing sa music icon and legend na si Ka Freddie Aguilar.


Nang mabalita kasing namatay ito last Monday ay kaagad din itong inilibing sa Manila Islamic cemetery sa pamamahala ng mga kapatid nitong Muslim.


Gaya ng karamihan ay nagulat din kami sa pagiging isang Muslim pala ng magaling na musikero.


At base nga sa tradisyon ng kanyang relihiyon, maaaring ilibing agad ang bangkay kahit hindi na kailangan pang iembalsamo ang bangkay nito. Wala na ring okasyon para paglamayan at nasa discretion na nga ng mga kapamilya kung ilalagay ito sa kabaong o babalutin na lamang sa tela at ililibing gaya ng ginawa kay Ka Freddie.


Kilala sa Muslim community si Ka Freddie bilang si Abdul Fareed at ayon sa aming nakalap, naging Muslim siya noong pakasalan niya ang isang menor-de-edad noong 2013 na siya ngang naging asawa niya hanggang sa pumanaw siya.


Kaya ‘yung mga fans at supporters ng kanyang music na umasa sanang masilayan siya sa huling sandali at mabigyan ng huling respeto at pamamaalam, kasama na ‘yung mga kaibigan niya sa industriya, ay lalong nalungkot na hindi na nila ‘yun nagawa.

“Let’s just offer prayers for his soul,” ang nagkakaisang saloobin ng mga tagahanga ni Ka Freddie.



MARAMI naman ang naaliw kay Bianca Umali na kasalukuyang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition houseguest.


Bukod kasi sa pagpiprisinta nitong maging tagalinis at tagaluto habang nasa loob siya ng bahay, nakita ng mga tao ang pagiging simple niya at maasikaso.


Talagang kitang-kita kay Bianca na natural lang sa kanya ang pag-aayos ng mga hinigaan, ang paghawak ng walis, ang pagligpit at paghugas ng mga pinagkainan, etc. etc. na kabibiliban mo naman talaga.


Pero ang nakatawag-pansin sa amin ay ang kuwento niyang big fan pala ng PBB ang yumao niyang nanay noong 5 years old pa lang siya.


In fact, naikuwento nga raw ng mga kaanak niya na pinatugtog pa ang theme song ng PBB sa libing ng ina, kaya’t nais niyang gawing very memorable ang pag-imbita sa kanya sa PBB bilang houseguest.


Proud na proud naman ang BF niyang si Ruru Madrid sa mga magagandang komento at obserbasyon kay Bianca habang nasa loob pa ito ng PBB house.


Partikular na nga rito ‘yung tungkol sa pagiging maasikaso, marunong magluto, maglinis at pagiging masinop ni Bianca.


“Napakasuwerte naman ng mapapangasawa nito,” ang isa sa mga komentong sure kaming nagustuhan ni Ruru.


Medyo mas dark ang kulay ngayon ng magandang aktres na marahil ay dulot ng naging role niya sa inaabangan nang Sang’gre (Encantadia) sa GMA-7.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 28, 2025



Photo: Atasha Muhlach - IG


Saglit din naming nakatsikahan si Boss Vic del Rosario hinggil sa ibang bagay sa showbiz.


Nalulungkot at nagpahayag din ito ng pakikiramay sa mga naulila ni music icon Freddie Aguilar, kasama na ang mga yumao na ring sina Pilita Corrales, Hajji Alejandro at Nora Aunor. Pati nga si Tita Gloria Romero at iba pang mga naging bahagi rin ng Viva Films na namayapa na ay ipinagdarasal nga nila.


“Ganyan talaga ang buhay. Lahat naman tayo ay doon pupunta, kaya mahalaga talaga ang maging maingat sa mga bagay-bagay lalo na kapag nagkakaedad na. 


“Nagpapasalamat pa rin tayo na nagkikita-kita pa rin at nakapagkukuwentuhan pa rin tayo ng ganito. Dasal, maayos na pagkain at tulog, iwas-stress, exercise, ginagawa na natin ‘yan years ago pa,” saad pa ni Boss Vic na kahit ipinagkatiwala na nga sa mga anak at apo ang pamamahala ng mga negosyo nila ay nananatiling nasa likod at nakasuporta sa mga ito.


Nai-segue naman namin kina Val at friendship Veronique ang matagal na naming tanong kung bakit wala na sa Eat… Bulaga! (EB!) ang Baby Atasha Muhlach natin.


“Naka-focus talaga kasi sa malapit nang mapanood na series na Bad Genius (BG). We both requested sa EB! management na unahin at tutukan muna ‘yun ni Atasha dahil medyo mabigat nga ang role at first time niyang bibida. Babalik din s’ya soon,” paliwanag pa ng magkapatid.


There it goes… Wait na lang po muna tayo!


Anak nina Jessa at Dingdong…

JAYDA, NEXT REGINE AT SARAH NG VIVA


PARA personal na samahan at suportahan ng Viva Entertainment big bosses, lalo na ni Boss Vic del Rosario, si Jayda Avanzado, ay isang pambihirang pagkakataon na.


For the very first time sa halos limang dekada ng Viva Entertainment sa industriya, first time nilang makipag-collab sa isang music label na may global affiliation.


“Dahil sa ‘yo ‘yan, Jayda. We believe in you and personally, ako mismo ay gusto kitang maihilera sa mga gaya nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at iba pang mga Viva multimedia artists. 


“Sa tagal namin sa industriya, ngayon lang kami nakikipag-collab sa isang gaya ng UMG (Universal Music Group),” pahayag ni Boss Vic.


Kasama ng Viva big boss sa pagpirma ni Jayda ang mga anak na namumuno sa iba’t ibang kumpanya ng Viva gaya ni kapatid-friendship Veronique del Rosario-Corpus (Viva Artist Management), Vincent Jr. (Film), Val (TV and special projects) at ang pamangkin nilang si Verb (Music).


Sa panig naman ng UMG na may head offices sa parehong Netherlands at California (USA), ini-represent ito ng Phil. head na si Enzo Valdez.


“I am simply so ecstatic and grateful. Pambihira po ang kumbaga’y okasyon ng parang 2nd wind ko sa showbiz. This maybe is the perfect time for me to explore further. 

“Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa pagtitiwala ng parehong Viva at UMG,” saad naman ni Jayda na magtu-22 na this June.


Kumpletos rekados naman si Jayda bilang maganda, sexy, maganda ang boses at mahusay mag-perform on stage. Kung dati, noong nagsisimula pa lang ito ay nakilala namin itong timid at sobrang mahiyain, this time na nasa Viva na siya, kitang-kita namin ang kanyang pag-mature sumagot at pagpapahayag ng emosyon. 


In fact, mas madaldal na siya ngayon at bihasang-bihasa na sa pagta-Tagalog.

“I have been in the industry for quite a while. Na-try ko na rin po ang ibang field at mga nakatrabaho. My parents are still here, supporting me in the best way they could. Pero siyempre, ‘yun po talaga ang goal namin, ang talagang ma-establish ako bilang si Jayda, ‘di lang bilang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado,” hirit pa nito.


Although music ang priority target ng pagiging Viva artist niya, gusto pa rin ni Jayda na mabigyan ng acting projects lalo na ang dream niyang makapag-rom-com.


“Kung sino po ang sa tingin ng Viva na babagay sa ‘kin na makasama (leading man o tandem), I have no worries. Game po ako,” dagdag pa nito.


Good luck and congrats, Jayda!



AY, grabe, pero matinding puksaan ang talaga namang inaabangan ng mga netizens sa pinakabagong serye ng GMA, CreaZion, at Viu – ang Beauty Empire (BE).


Pasabog na teaser ang inilabas kahapon, May 26, kung saan makikita ang intense tarayan, sabunutan, at basaan nina Barbie Forteza (Noreen Alfonso) at Kyline Alcantara (Shari De Jesus). S’yempre, agaw-eksena rin ang pagsigaw ni Ruffa Gutierrez (Velma

Imperial) ng “Oh, my gosh! Stop it!” habang nanlalaban ang kagandahan.


Laban na laban talaga ang pagiging #girlboss nina Barbie at Kyline sa teaser pa lang,  kaya marami ang lalong humanga sa dalawang GMA stars at na-excite sa serye. 


Sey nga ng isang netizen, “Hala, nagtapat ang 2 sa pinakamagagaling umarte sa GMA. Walang tapon sa eksena ng mga ‘to. ”


Simula na ng pinakamagandang laban. Mapapanood na ang Beauty Empire soon sa GMA-7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page