ni Ambet Nabus @Let's See | August 12, 2025
Photo: PBB Collab - IG
Grabe ang sigawan, tilian at palakpakan ng mga aliw na aliw na audience ng parehong ACER 2025 Day at Pinoy Big Brother (PBB) The Big ColLOVE Fancon events.
Kumpara raw sa nanlalait na concert ni Vice Ganda with Regine Velasquez, ibang-iba ang kalidad ng production at entertainment values ng mga nabanggit na magkasunod na events last weekend.
In fact, nakasabay pa ng ACER Day ‘yung last night nina Vice at Regine. Nasa MOA ang Acer Habing nasa Araneta naman ‘yung kina Vice last Saturday.
“We were in MOA dahil sa SB19 at kay Sarah G. Grabe ‘yung pagka-world-class ng performances nila. Finally, nakahanap si Sarah ng katapat n’ya sa husay sa sayawan at kantahan. Napaka-coordinated ng lahat sa kanila, from costumes to the stunts. Ibang level ang energy. Ang sarap sa feeling, very positive vibes,” reaksiyon ng mga nakapanood.
“Full packed, jampacked. Solid at literal na filled to the rafters ang crowd. Walang bakanteng upuan at nag-uumapaw pa ‘yung nakatayo,” hirit pa nila.
Bukod nga kina Sarah at SB19, humataw din sa naturang event ang G22 na naikumpara pa sa BINI bilang mas magagaling at magaganda raw.
Kasama rin sa concert ang KMKZ, si Maki at ang Itchyworms.
At dahil usung-uso nga ang PBB collab housemates, bentang-benta nga raw sina Klarisse de Guzman (na balitang sumegue pa sa Vice Ganda concert that same night), Mika Salamanca, Shuvee Etrata, Esnyr Ranollo, Will Ashley, Brent Manalo, Ralph De Leon, at Charlie Fleming.
“Sobra rin ang naging tilian sa kanila. Si Shuvee, halos solohin na si Stell at hindi binibitawan. Nakakaaliw,” dagdag pa ng mga nag-enjoy sa show.
Kuwela rin daw ang hosting chores nina Robi Domingo at Esnyr Ranollo na tinawag ang tandem nila bilang EsBi, in relation to SB19, na ikinatuwa ng mga ka-Atin (fans ng SB19).
THEN last Sunday nga ay turn naman ng Pinoy Big Brother (PBB) Big ColLOVE
Ayon naman sa nakausap nating sources from the Ticketnet group, mas naunang na-soldout ang mga tickets nila kumpara sa two-night event nina Vice at Regine, kaya may mga nagsasabing hindi nga ito ganu’n kalakas.
Well, naging isyu nga rin kasi ang sobrang mahal na ticket prices ng Vice-Regine concert na halos 1/3 lang ng sa ColLOVE.
to be fair, tinao naman daw ‘yung show nina Vice na sa last night nga ay inabot ng halos 4 hours dahil sa paghihintay marahil sa ibang guest artists (like Klarisse) na dumating at nag-participate.
“At siguro, dahil na rin sa mahahabang joke parodies and jokes ni Vice,” sey pa ng kilig na kilig na mga concertgoers.
Kinapitalan talaga ang kasikatan ng mga housemates sa nasabing fancon na in all honesty ay punumpuno rin daw ng entertainment at mga bago at fresh na pagmumukha.
Lutang na lutang ang mga names nina Will, Dustin, Brent, River, Mika, Bianca, Shuvee, Vince, Charlie, Esnyr at siyempre pa, si Klarisse, na sumikat talaga after ng PBB. In fact, mukhang mayroong planong gawan ng project ang Pamilya de Guzman (‘yung nabuong family sa PBB with Klang as Mowm) featuring those housemates.
MAY nakakaaliw namang tsika ang ilang friends na bahagi ng glam team ni Joshua Garcia.
Pinag-usapan kasi kamakailan ang photos ng guwapong aktor kasama si Maui Taylor.
Aliw na aliw kasi ang mga netizens sa inilagay o ginamit na caption ng isang socmed (social media) follower sa naturang pics.
“Ang itinakdang pagkikita ng ang pinatangkad at ang nagpatangkad,” sey ng caption na ni-like at kinomentuhan pa ni Maui ng “Gusto ko ito.”
Kuwento naman ng mga kaibigan ni Joshua, “Naaliw din si Josh, tangkad. Tawa nga nang tawa at sinabi pang, ‘Totoo naman.’”
Hahaha! Hay, buhay!










