top of page
Ruffa G at Herbert - IG iloveruffag.jpg
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 9, 2024



Photo
File photo: Alden Richards at Kathryn Bernardo

Marami na namang mga netizens — lalo na ang KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) fan base — ang kinilig matapos mapansin na pinusuan ni Kathryn Bernardo ang isang Instagram post na cover ng Preview magazine May issue si Alden Richards.


Laking-tuwa ng mga netizens matapos matupad ang kanilang wish dahil ni-like ni Kathryn ang naturang post na ibinahagi sa Instagram ng Preview Ph at kay Alden.


Komento ng ilang netizens… “Hinihintay kong i-like ito ni Queen Kath.”


Masayang sagot naman ng isang netizen, “Ni-like na n’ya.”


Sabi pa ng ilang fans, “Ay, wow, kinikilig ako.” 


“Whoah! Best of friends, relationship ‘yan. Supporting each other.”



Samantala, maraming fans ng Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo ang masaya sa natatanging pagkilala sa actress mula sa pamunuan ng FAMAS. 


Nakatanggap ng maraming nominations ang A Very Good Girl sa 72nd Famas Awards ngayong buwan ng Mayo.                                                                                                                                 

Kabilang sa mga nominasyon ay:

Best Picture - A Very Good Girl

Best Actress - Kathryn Bernardo

Best Supporting Actress - Dolly de Leon

Best Director - Petersen Vargas

Best Cinematography - Noel Teehankee

Best Editing - Benjamin Gonzales Tolentino

Best in Production Design - Cheska Salangsang

Best Musical Score - Andrew Tolentino

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 5, 2024


Photo
File photo: Denice Cornejo - Cedric Lee

HINDI sa National Bilibid Prisons (NBP) Muntinlupa unang dinala ang akusadong si Cedric Lee after na mahatulang “guilty beyond reasonable doubt” ng Taguig Regional Trial Court last May 2 sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


No show kasi sa promulgation si Lee, kaya ang kapwa akusadong si Simeon Raz lang ang unang nadala sa NBP, habang ang isa pang akusado na si Ferdinand Guerrero ay patuloy na nagtatago hanggang ngayon. 


Si Deniece Cornejo naman ay nakapiit na umano sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City. 


Sumuko rin naman agad si Lee sa NBI kinabukasan at ngayon ay nasa kustodiya na rin ito ng NBP.


Dahil sentensiyado na sila ng Taguig RTC last May 2 ng habambuhay na pagkakakulong, “persons deprived of liberty” o PDL na ang tawag kina Lee, Raz, Guerrero at Cornejo.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 4, 2024



Photo
Photo: Cedric Lee / News Media / Circulated

 

Boluntaryong sumuko ang businessman na si Cedric Lee kay NBI Director Atty. Medardo Dilemos matapos mahatulang guilty sa kasong isinampa ng actor at TV host na si Vhong Navarro. 


Base sa ulat ng GMA News, pinick-up umano si Lee ng mga agents ng NBI sa Mandaluyong ilang oras matapos mahatulang guilty ang businessman kasama sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz. 


Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo without bail ang naging hatol ng Taguig Regional Court nu’ng nakaraang Mayo 2 sa kasong serious illegal detention at pambubugbog sa It's Showtime host na si Vhong Navarro nu’ng 2014. 


Gaya ng mga protocol sa mga naaaresto, kinuhanan din ng mugshot at fingerprints si Lee.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page