top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 28, 2024



Showbiz news
File photo: Kathryn Bernardo / IG

Madamdamin ang naging mensahe ni Min Bernardo sa kanyang anak na si Kathryn Bernardo pagkatapos nitong maiuwi ang Best Actress trophy sa nakaraang 72nd FAMAS  Awards Night na ginanap sa makasaysayang Manila Hotel nu'ng Linggo nang gabi (May 26). 


Napanalunan ni Kathryn ang kanyang kauna-unahang Best Actress sa FAMAS para sa pelikulang A Very Good Girl.


Sa Instagram post ni Mommy Min, makikita ang mga larawan nila ni Kathryn mula pagkabata ng aktres hanggang sa pagkapanalo nito ng Best Actress award.


Mensahe ni Min, “One day you said ‘Mama, Papa, gusto ko mag-artista.’ Wala naman sa family natin ang artista pero bata ka pa lang, alam mo na ang gusto mong gawin.


“And now here we are, reflecting through your journey. I can say na sobrang proud kami sa 'yo, anak! Remembering how you faced every struggle and challenge na napagdaanan mo/natin as family. Watching you overcome everything and grow into an amazing person you are has been one of our greatest blessings. I never knew how strong you are until I saw your determination and how you bounce back every after fall, you remained positive and kind to the world no matter what.


“If you have a dream, never let go of it, don't give up ‘till the end. Make yourself your own competition. Always keep that spirit that brought you this far, nandito lang kami para sa 'yo. You have earned every bit of this success.


“Finally, congratulations to our best actress! We love you, anak!” 


Samantala, narito ang iba pang nanalo ng major awards sa katatapos lang na FAMAS Awards:    

Best Actress: Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)

Best Actor: Piolo Pascual (Mallari) and Alfred Vargas (Pieta) 

Best Picture: Mallari

Best Director - Louie Ignacio (Papa Mascot)

Best Supporting Actress: Gloria Diaz (Mallari)

Best Supporting Actor: L.A. Santos (In His Mother’s Eyes)

Best Child Actor: Euwenn Mikaell (Firefly)

Best Child Actress: Elia Ilano (Ghost Tales)

Congratulations sa lahat ng nanalo! 



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 26, 2024



Photo
File photo: FB Circulation

Usap-usapan ngayon sa social media ang torrid kiss ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa girlfriend na si Yassi Pressman sa harap ng libu-libong tao sa bayan ni Gob. sa naganap na Kaogma Festival nu’ng Huwebes nang gabi (May 23).


Highlight ng gabi ang duet nina Governor Luigi at Yassi sa saliw ng kantang Hero na pinasikat ng singer na si Julio Iglesias. Pagkatapos ng kanilang duet, hindi na mapigilan ni Gov. Luigi ang kanyang public display of affection (PDA) sa maganda at seksing aktres na si Yassi at dito niya ni-lips-to-lips ang GF.


Kitang-kita sa video post ng isang Facebook user na si Jam Lustre ang tukaan ng dalawa. Humirit pa ng "more, more" ang crowd kaya't inulit-ulit nila ang halikan.


Habang nasa entablado ang gobernador at nagtatalumpati tungkol sa weeklong Kaogma festival ng kanilang lalawigan, kanyang idineklara ang pagmamahal niya kay Yassi.


Muling kinilig ang mga constituents ni Gov. Luigi dahil kasama sa kanyang talumpati ang pagkilala kay Yassi bilang importanteng bahagi ng kanyang buhay. 


"Siyempre, mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor.


"Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.


"I want to say in front of the hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi."



Ex-GF, maling akala raw na kaya ‘di natuloy ang kasal nila… SIGAW NI ANJO: WALA NA KAMI NI SHERYL NU’NG NAKABUNTIS AKO NG IBA


Photo
File photo: Anjo Yllana / IG - Sheryl Cruz / FB

Nagsalita na si Anjo Yllana kaugnay ng panayam kay Sheryl Cruz ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes (Mayo 23).


Sa panayam ni Boy kay Sheryl, sinabi ng actress na dati'y nagkaroon sila ng relasyon ni Anjo. Inalok siya nito ng kasal na tinanggap naman niya. Pero hindi umano natuloy ang dapat sana'y kasal dahil nakabuntis ng ibang babae ang aktor.


Sa panayam ni Anjo sa PEP.ph, nais daw niyang ibahagi ang kanyang panig sa isiniwalat ni Sheryl sa national television tungkol sa totoong nangyari. Ikinagulat daw ni Anjo ang maling akala ni Sheryl kaya't nais niyang itama ang kuwento.


Inamin nitong inalok niya ng kasal noon si Sheryl, pero itinanggi niyang nakabuntis siya ng ibang babae kaya naghiwalay sila.


Pahayag ni Anjo sa PEP.ph, “Wala na kami noong nakipag-cool-off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika.


"Basta ang alam ko, nu’ng meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl.

“Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako.


“Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl.

"Siguro, akala niya, nu’ng nag-cool-off kami, dahil nakabuntis ako.


"Siyempre, nakabuntis ako, pananagutan ko. At baka masakit sa kanya [Sheryl] ‘yun," paglilinaw ni Anjo.


Sa pagpunta ni Sheryl sa US, dito niya nakilala ang tatay ng kanyang anak na si Norman Bustos.


But sad to say, hindi rin sila ang nagkatuluyan, at ngayon, balitang may bago nang boyfriend si Sheryl.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 25, 2024



Photo
File photo: Antoinette Jadaone

Nakipag-meeting na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto para sa susunod niyang gagawing pelikula after ng When I Met You In Tokyo na naging entry niya last Metro Manila Film Festival kung saan siya ang nanalong Best Actress sa festival. 


Sa Instagram page ni Ate Vi ay ipinost niya ang pagdalaw ng dalawang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas kasama ang Mentorque Productions producer na si Bryan Dy at ibang mga staff. 


Ipinost ni Ate Vi ang kanilang paghaharap at nilagyan ng caption na pasasalamat:


"Enjoyed our talk. Thank you @rnmrtnangls, @mentorque, @warrencatarig, @omardarling, @danvillegas and @tonetjadaone"


Comment ng Mentorque, “Insightful. Productive. Fun."

Sey naman ni Direk Tonet, "Maaaaam! It was an ethereal feeling hearing you talk. The drive to Lipa was very well worth it. Thank you for being so gracious and generous. O, 'di ba, napa-English ako. Napapa-salamat struck po!!! Thank you again Ma'm! Will tell mama about this."


"Exciting new movie," ayon naman sa isang commenter.


May nagre-request din na sana raw ay Vilma-Maricel Soriano movie ang gawin. 

May mga nagtatanong kung pang-filmfest ba uli ang gagawin ng Star for All Seasons? 

Mentorque kasi ang nag-produce ng Mallari ni Piolo Pascual last MMFF na naging 2nd top grosser at umani rin ng parangal. 


Pero pag-amin ni Bryan Dy, Biringan ang entry nila para sa MMFF 2024.

Paliwanag ng Mentorque producer, “I want it to be a quality film for Ate Vi and we’re working with Dan Villegas.


"Ayaw kong madaliin ang pelikula and kailangan namin, it has to be good quality, lalo na't si Ate Vi pa ang involved, ‘di ba?” 


Hindi raw nila mamadaliin ang script ng movie ni Ate Vi. Kukulangin na sila ng oras kung ito ang ihahabol para sa MMFF 2024.


Very particular daw kasi ang Star for All Seasons at award-winning actress sa script at excited daw talaga si Ate Vi sa kanyang next movie dahil kina Direk Dan at Tonette.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page