top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 30, 2024



Showbiz news
Photo: Ryan Bang / IG

Madamdamin ngunit puno ng saya ang eksena ni Ryan Bang at ng non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong nang tanggapin na ng huli ang marriage proposal ng It’s Showtime host. 


Naging mahigpit ang kanilang yakapan habang nakangiti.


Sa kaarawan ng brother ni Paola nangyari ang eksenang “engagement”.


Sa tiny letter ni Ryan, mababasa  ang kanyang note, “Mi Amor, Thank you for saying ‘YES’.


"Can't wait to spend the rest of my life with you. From your soon-to-be husband (heart emoji).”


Ang espesyal na yugto sa buhay nina Ryan at Paola ay naghatid ng papuri at pagbati ng masasayang mensahe mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya.


Matatandaang ilang aktres din ang niligawan ni Ryan Bang dati tulad ni Yeng Constantino ngunit sa lahat ng niligawan nito ay basted siya. 


Kaya naman, happy kami para kay Ryan Bang na finally ay natagpuan na niya ang babaeng dadalhin niya sa altar at makakasama habambuhay. 



                                                           


                                                           


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 26, 2024



Showbiz news

IPINAGBUNYI ng mga Vilmanians (Vilma Santos-Recto fans) ang paghahain ng nominasyon ng Aktor PH (League of Filipino Actors), ang organisasyon ng mga aktor na pinamumunuan ni Dingdong Dantes. Ang nasabing nominasyon para sa respetado at multi-awarded actress na si Vilma Santos ay para sa National Artist award.


Ang nabanggit na nominasyon ni Vilma sa pinakamataas na antas ng karangalan para sa isang alagad ng sining na nagsisilbing pagkilala ng Aktor PH sa mga kontribusyon ng aktres sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng anim na dekada.


Sa pamamagitan ng nominasyon ng Aktor PH kay Vilma para sa National Artist award, ay ipagdiriwang din ng kanyang walang hanggang pamana, pambihirang versatility, at makabuluhang kontribusyon sa sining at kultura ng Pilipinas.


Ilan sa mga  sumusunod na dahilan ng Aktor PH para igawad ang nominasyon sa aktres na kilala bilang Star for All Seasons ay ang kanyang patuloy na kaugnayan, dedikasyon sa kanyang propesyon at impluwensya sa lipunan na nagbigay-diin sa kanyang pagiging karapat-dapat para sa nabanggit na prestihiyoso na karangalan.



Nabigla ang mga netizens sa pasabog na rebelasyon ng karakter ni Dimples Romana na si Tori - na isa pa lang kontrabida na balak sirain ang buhay ni Sky (Andrea Brillantes) sa High Street, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 


Habang misteryo pa rin ang totoong katauhan ni Tori kina Sky at ng nanay nitong si Tania (Angel Aquino), itutuloy pa rin ni Tori ang bait-baitan niya pero sasagarin na niya ang masasama niyang plano laban kina Sky, matapos mabulgar na si Tori pala ang mastermind sa likod ng pagtakas ng kriminal na si William (Mon Confiado).


Bagama’t hindi pa sigurado kung ano ang totoong relasyon nina Tori at William, ipinasilip na kung paano dahang-dahang gagawing miserable ni Tori ang buhay ni Sky sa tulong ng mga kasabwat niyang sina Wesley at Nikki (Harvey Bautista at AC Bonifacio). Sinimulan na nga ni Tori ang pagpapahirap kay Sky dahil siya rin ang nasa likod ng pagdukot sa kapatid nitong si Z (Daniela Stranner). 


Mukhang mababaon din sa utang na loob si Tania kay Tori dahil hihiram si Brandon (Kean Cipriano), ang jowa ni Tania, ng malaking halaga ng pera mula kay Tori para mabayaran ang utang niya. 


Huwag palampasin ang mga rebelasyon sa High Street gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TV plus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng High Street. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.


                                                                                      


                                                           


                                                           


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 25, 2024



Showbiz news

Dahil Pride Month ngayong June, napagdiskitahan ng ilang bashers ang dalawa sa ating celebrity transmen gaya ng dating singer na si Charice Pempengco na ngayo’y kilala bilang Jake Zyrus at Aiza Seguerra na ngayo’y Ice Seguerra na.


Unang pinansin si Jake matapos nitong mag-post ng ilang kasabihan sa Instagram (IG) nitong nakaraang June 20, 2024 mula sa Russian novelist na si Fyodor Dostoevsky.


Nakasaad sa post, “A beast can never be as cruel as a human being, so artistically, so picturesquely cruel. - Fyodor Dostoevsky.”


Nilagyan ito ni Jake ng kanyang dalawang larawan at nakasaad din ang isang kasabihan mula naman sa American writer at human rights activist na si James Baldwin.


Ayon sa mensahe, “The most dangerous creation of any society is the man who has nothing to lose. - James Baldwin.”


Dahil sa kanyang ipinost, isang netizen ang nagkomento. Sey nito ay sayang ang boses ni “Charice”. Ikinumpara pa nito si Jake kay Ice Seguerra na isa ring transman.


Komento ng netizen, “Sayang boses mo, Charice. Bakit si Ice Seguerra, transman pero never binago ang boses. Sayang talaga.”


Inalmahan ni Jake ang komento ng netizen pagkabasa nito.


Tinawag kasi siya ng netizen sa dati niyang pangalang Charice na kanya nang kinalimutan pagkatapos niyang mag-transition, na ang ibig sabihin ay “deadnaming” o pagtawag sa isang transgender sa kanilang birthname gayung kinalimutan na nila ito bilang bahagi ng kanilang pagbabagong katauhan.


Reaksiyon ni Jake sa netizen, “First of all, with respect to my past, keep my deadname out of your silly mouth.”


Tutol din si Jake sa pagkukumpara sa kanila ni Ice at sinabi ni Jake na hindi nagte-take si Ice ng hormone therapy. It’s a huge part of being a transman.

“Maybe there are more important reasons why he hasn’t taken hormone therapy. I am not going to explain the rest because based on your comment you sound ignorant.”


Dahil tila gusto raw ng netizen na maging “center of attraction” ay pagbibigyan ito ni Jake sa pamamagitan ng pagpi-pin niya sa komento nito.

“Google is free, my darling. I’m going to pin your comment because it seems like you love being the center of attention. So let’s give it to you sweetheart. Have a nice day.”


Ayon naman sa isang fan ni Jake, ang komento ng basher ay nagpapakita ng bias nito laban sa mga transgender.


Saad ng fan, “Yikes! Your transphobia is showing sis. Before you comment, maybe you should do some research. The only thing sayang is you coming on here just to write some trash ass comment. Okay, bye have a nice day.”


Buwelta ni Jake, “Right. You support a trans, and bash another trans because of what? Birit?

‘Yun lang? Make it make sense, Sis. Being a transgender is more than just singing high or low notes.


“And the audacity of you to deadname me and properly call Ice his real name. What a joke,” pahayag ni Jake.  


Sa kabila ng lahat, isa namang supporter ang nagpaabot ng kanyang simpatya kay Jake Zyrus. Pinuna rin nito ang basher dahil hinanap lamang daw nito ang account ni Jake upang husgahan ito.


Sey ng isang netizen, “What gives you the right to come on his Instagram to come and judge him? We come on here to show our love and support to Jake, but it’s people like you who are too ignorant to educate yourself. If you don’t have anything nice to say, then don’t say anything at all. Keep your opinions, insults, judgments, etc. to yourself.”


“We love you, Jake, don’t let people like this ruin your day,” pagtatanggol ng fan at supporter para kay Jake Zyrus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page