top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 22, 2024



Showbiz news
Photo: Chloe Anjeleigh San Jose

Sa isa namang post sa Yan-Link noong August 21, nakasaad na ang girlfriend umano ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ay aliw na aliw na nagpa-pictorial sa bagong condo ng gymnast sa Megaworld, Taguig City. 


Sa nasabing post, ibinida muna niya ang kanyang bagong hair color, na mula sa goldilocks na kulay, nagpalit ito sa “milk tea” color. 


Pinintasan kasi ng maraming netizens ang dating kulay ng kanyang buhok na tinawag na “Agua Oxigenada”.


Sabi ni Chloe sa kanyang post sa pagpapalit ng kanyang hair color, “Goldilocks is out, milk tea in.”


Kaagad namang nagkomento ang boyfriend nitong si Carlos sa mga photos na ipino-post ng nobya, “Grabe! Napakaganda mo, mahal ko!"


Matatandaang tila nagpahaging umano si Angelica sa anak na si Carlos na baka “nakulam” ito ni Chloe kaya nagbago ang pakikitungo sa kanila. 


Napansin din ng ilang netizens na lahat ng larawan ni Chloe ay sa loob mismo ng bagong condo unit ni Caloy sa McKinley Hill sa Taguig City na regalo sa gymnast ng Megaworld sa napanalunan nitong 2 gold medals sa nakaraang Paris Olympics. 


Marami tuloy ang nagtatanong kung si Chloe San Jose ba ang kanyang ititira roon.

Sey ng isang netizen, “Dapat lang! Alangan namang 'and’yan si Mader ‘pag magkasiping sila?” 


Pag-agree naman ng isa pa, “Bente-kuwatro na si Carlos, puwede nang mag-asawa. Saka na-fully-paid na ni Carlos ‘yung dati nilang bahay ng nanay n’ya, bakit pati condo, kailangan sa kanya?”


Kontra naman ng isang netizen, “Condo ni Yulo ‘yan, 'noh! Dapat magulang ni Yulo ang nand’yan.”



“Ha, saan galing ‘to?” ‘yan ang agad na sambit ni Vice Ganda sa isang netizen na pinaratangan siyang hindi pinapaboran si Carlos Yulo, ang two-time Paris Olympics gold medalist, kontra sa hidwaan nila ng ina nitong si Angelica Yulo dahil sa isyung pera na ginastos umano ng ina na walang pahintulot mula sa gymnast. 


Ani Vice, “Never akong nagbigay ng opinyon sa isyu ng pamilyang ‘yan dahil mas gusto kong i-celebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kaysa makisawsaw sa eksena ng pamilya niya.” 

Kuwento pa ni Vice, nagulat na lang siya nang bigla siyang i-call out ng ilang netizens sa X (dating Twitter) dahil pumanig diumano siya kay Angelica Yulo sa isyu nito sa anak. 


Nangyari ito noong August 20, Martes, dahil sa naging pahayag ni Vice sa video clip mula sa episode ng EXpecially For You ng It’s Showtime (IS), kung saan sinabi ng searcher na nagngangalang KY na pakiramdam niya ay hindi siya at home sa sarili nilang tahanan.


Kabaligtaran sa sinabi ng searcher, ang kanyang ex-boyfriend ay okey pa rin sa kanyang sariling pamilya. 


Kuwento ni KY, “Meron akong family, pero I don’t feel at home.” 


Natanong tuloy ni Vice kay KY, “Alam ba ng pamilya mong ganyan ang tingin mo sa kanila?” 

Sagot ni KY, “Actually, opo. Recently lang din po ako naging open. Na growing up, ganu’n po ‘yung nararamdaman ko.”


Singit na tanong naman ng co-host ni Vice na si Ogie Alcasid, “Inaayos n’yo na ngayon ‘yung relasyon ninyo?”


Sagot ng searcher, “With my mom, opo.”


Nasabi tuloy ni Vice, “Mahirap ‘yung ‘di ka okey sa family, napakahirap. Napakahirap na problema ‘yan. Oo, ‘yan ‘yung problema ng parang hirap na hirap kang solusyunan at gawan ng paraan. Mas parang… kung iisipin mo, mas mahirap pa ‘yan sa makakuha ng gold sa Olympics, ‘di ba? ‘Pag may problema ka sa pamilya mo, ‘yan ‘yung problema ng parang ang hirap-hirap dalhin.” 


Ayon naman kay KY, “Pero... pero minsan po kasi sa ibang family, parang ‘di applicable ‘yung ganu’n. Na parang... if they were parang nagiging... nai-slow down ‘yung progress mo sa buhay dahil sa kanila, parang you have to let it go. Kasi, depende rin po sa sitwasyon mo.


Kasi sabi ko nga, hindi naman lahat ng bata, lumaki sa pamilya na supportive, na open.”


Pakli ni Vice, “Sorry, ha? Hindi ako naniniwala na you can let go of your family.”

Samantala, may isa pang netizen ang nag-assume na base sa napanood na video ay kumpirmado raw na kampi si Vice sa ina ni Carlos Yulo. 


Sabi ng netizen, “CONFIRMED. Vice supports Angelica’s side nga. I’m so disappointed in you @vicegandako.


“I hope Carlos Yulo doesn’t bother to guest sa Showtime. #ShowtimeBestPick.”

Ipinagtaka ito ni Vice kaya naman nag-post siya sa X upang linawin na wala siyang ibinigay na opinyon tungkol sa family issue ng world-class gymnast.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 21, 2024



Showbiz news
Photo: Angelu De Leon

Matagal nang isinasagawa ng aktres at Pasig City councilor na si Angelu de Leon ang pamimigay ng gulay, prutas, at groceries tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan. 


Simula nang siya’y maging konsehala ng Pasig, patuloy pa rin niyang isinasagawa ang pamamahagi ng mga basic needs para sa kanyang constituents para sa kanyang Birthday Pasasalamat Community Pantry tuwing Agosto 22, ang kaarawan ni Angelu.


Tagumpay namang nairaos ang nasabing ‘Birthday Pasasalamat’ sa kanyang mga kababayan sa Pasig City noong Agosto 10, subalit nabahiran ng intriga at malisya ang pagkakawanggawa ni Angelu dahil sa isang video post na inaakusahan siya ng pamumulitika at pamimigay lamang ng limang pirasong sitaw sa mahigit 300 residente ng Pasig City, na pumila at nilambing niyang suportahan ang Pulang Araw (PA), ang primetime drama serye ng GMA-7 na kanyang kinabibilangan.


Bumuwelta ang actress-politician sa uploader ng video na aniya’y walang basehang paratang.


Sey ni Angelu, “I do my yearly birthday community pantry as a way of giving back and being grateful to my constituents. Personal ko po ‘to.


“Nahiya naman ako na hindi ito sapat para sa ‘yo, pero I guess, ‘di ka naman taga-Pasig.

“I will promote Pulang Araw because I am proud of our show.”


May paglilinaw din si Angelu tungkol sa sitaw na nakita sa video na kinukuha ng mga residente mula sa community pantry at maging ang mga putol na upo na kanyang ipinamigay.


“Meron hong putol na upo kasi ‘di ko kaya magbigay nang buo, pinuputol namin para meron ang lahat. Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang 64 pesos sa isang masustansiyang meal per day,” paliwanag ni Angelu.


Ipinagtanggol si Angelu ng kanyang kapwa Pasig City councilor na si Kiko Rustia tungkol sa pambabatikos ng basher.


“Pasensiya na pero mali naman masyado ang tingin mo kay Ms. Anj. Kasama ko siya maglingkod and gaya n’ya, may sarili rin akong pantry sa district ko and we’ve been doing it since before pa.


“Mali naman na i-bash n’yo siya because she is one of the kindest, most generous, and most Christ-centered public servants I know.


“I need to speak about this kasi napakabuting tao ni Ms. Anj. And mali, as in maling-mali ang sinasabi n’yo about her,” depensa ni Rustia.


Bukod kay Kiko, ipinagtanggol din ng kanyang mga kababayan sa Pasig City si Angelu na nagsasabing well-organized ang community pantry ng aktres. Bukod sa mga gulay, tumanggap din daw sila ng bigas, prutas, at groceries.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 15, 2024



Showbiz news
Photo: Carlos Yulo / ABS-CBN / RTVM / Circulated

Sakay ng chartered Philippine Airlines plane, lumapag sa Villamor Airbase ang mga Pilipinong atletang lumahok sa Paris Olympics 2024 nu'ng Martes nang gabi, Agosto 13, 2024. 


Sinalubong ang mga atleta nang mainit at buong pagmamahal ng kani-kanilang pamilya, mga fans at supporters.


Lumabas sa social media ang mga larawan ng mga atletang magiliw na yakap-yakap at hinahalikan ng kanilang mga kamag-anak.


Pero kapansin-pansin na wala ang pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sumalubong sa kanya. 


Sabi ng ilang netizens, tila may kinalaman pa rin ito sa hidwaan ng mag-inang Angelica at Carlos.


May paliwanag naman ang lolo ni Carlos na si Rodrigo kung bakit walang sumalubong sa kanila sa Villamor Airbase nu'ng gabing dumating si Carlos at ang iba pang atletang Pinoy.


Sa panayam ng ABS-CBN News kay Rodrigo, wala itong sinabing intriga tungkol sa hindi nila pagsalubong ng pamilya niya sa pagbabalik ni Carlos sa Pilipinas.


“Dapat nga sana, masaya, kaso (pero) nadismaya ako. Hindi kami pinayagang pumunta ru’n. Ang susundo lang daw, si President, saka mga piling-piling media.


“Kaya imbes na masaya sana kaming lahat, nadismaya kami dahil naka-ready na kami sa pagsalubong, eh. Naka-ready na kami,” ayon pa sa 74 years old grandfather ni Carlos.

May nag-message raw sa kanila na nagsabing huwag na silang sumalubong.


Sabi ni Lolo Rodrigo, “Nag-text daw sa papa niya (Mark Andrew) na ‘wag na raw kaming sumama sa pagsalubong.”


Nang tanungin si Rodrigo kung sino ang nagsabi sa kanila na ‘wag nang salubungin si Carlos, sagot niya, “Hindi ko rin alam kung sino, eh, pero si Caloy 'ata, eh.”

Bakas ang pananabik ni Rodrigo at ng buong Yulo clan nang sabihin nitong gusto nilang makita at mayakap ang kanyang apo.


“Excited talaga dahil matagal na namin s’yang hindi nakita. ‘Yung mga kaibigan namin, gumawa na ng mga banner. Kung anu-ano pa yata ‘yung mga ginawa nila, saka nagprepara rin sila ng pagkain para sa ‘min.”


Kahapon ay nagkaroon ng grand homecoming para kay Yulo sa Manila, pero mukhang hindi pa rin nagkita si Carlos at ang kanyang pamilya.


Instead, kumalat nga ang picture kung saan may pa-banner ang mga fans ni Yulo na ang nakalagay ay "Caloy dito papa mo" dahil nasa crowd ang ama ni Carlos at isa sa mga nag-aabang para sumalubong sa kanya. 


Carlos Yulo

Nag-viral ang naturang larawan at tila lalo pa itong nakadagdag sa simpatya ng mga tao sa pamilya ni Carlos habang mas marami naman ang nagagalit sa kanya. 



Sobrang tigas daw ng ulo at maldita…

KALAT NA: GF NI CARLOS, IDINEMANDA ANG MADIR KAYA ITINAKWIL


Carlos Yulo at Chloe San Jose - IG

AYON sa News Line.PH, viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na sinabi kung ano ang tunay na pagkatao ni Chloe Anjhelie San Jose, ang girlfriend ng double gold Olympic medalist na si Carlos Yulo.


Ayon sa post ng netizen, hindi raw maganda ang relasyon ni Chloe sa sariling pamilya dahil sa katigasan ng ulo. 


Kilalang-kilala raw ng netizen si Chloe na maldita talaga dahil ang sarili niyang ina ay itinakwil siya.


Sey ng netizen, “Pati sarili niyang ina, itinakwil s’ya dahil sa katigasan ng ulo. Idinemanda pa niya ang sariling ina.


“Lahat halos ng kamag-anak niya ay itinakwil din siya dahil sa kawalan ng respeto. Kaya hindi nakapagtataka na hindi niya kayang galangin ang nanay ni Carlos Yulo.” 


Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng netizen na namba-bash kay Chloe, at 'di pa rin makumpirma kung ito ba’y “fake news” dahil sadyang naiinggit lang siya sa nobya ni Carlos Yulo o kung nagsasabi siya nang totoo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page