top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 22, 2024



Showbiz news

Sa kanyang Instagram (IG) account nitong Huwebes, September 19, nagbigay ng mensahe ang actress na si Yassi Pressman para sa kanyang partner na si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte, kung saa’y ipinagdiriwang ng dalawa ang kanilang unang anibersaryo as a couple.


Ipinost ni Yassi ang isang video compilation ng kanilang getaway as a couple at ang mensahe niya sa kanyang “Bubba”.


Caption ni Yassi, “You & me (world emoji) how did I get so lucky? I found someone so driven and dedicated to his work for the people, who went out of his way to make this memorable trip happen for the following reasons; to slow down and appreciate how beautiful this world is, most especially, to help us realize how blessed we are to be living in it and we shouldn’t be wasting our time not spending every moment with people that we love and care about.” 


Ibinahagi rin ni Yassi ang kanilang anniversary trip, kung saa’y nagkaroon ng panahon ang dalawa to enjoy and live life beyond their busy schedules.


“You don’t get to meet people with this kind of vision everyday and oftentimes life in the city gets so so busy that we forget to actually, just live,” saad pa ng actress.


Pinasalamatan din ng actress ang kanyang boyfriend na isang politician.

Aniya, “@vincenzo.luigi you are the man who looks after everyone, including myself, and i couldn’t be more grateful to have you as my bubba—spending our first anniversary together (white heart emoji),” 


Nangako rin si Yassi na kanyang ibabahagi sa kanyang vlog ang kanilang anniversary trip, at aniya, “PS: stay tuned for the youtube vlog! this trip is truly something else and i can’t wait for you guys to see why (sparkling emoji).


“PPS: my heart is SO happy. you make me whole. I LOVE YOU Bubby (white heart emoji).” 


Nag-post din si Camarines Sur Gov. Luigi ng iba’t ibang photos, kung saa’y magkasama ang dalawa noong sila’y nag-nature tripping sa Bhutan.


“Happy anniversary, my love! Everyday is an adventure with you and I can’t wait to conquer more mountains together! you’re my mona lisa bubbapie! I love you (kiss emoji),” saad sa post ni Gov. Luigi.


Na sinagot naman ni Yassi, “To my sweetest hero, I LOVE YOU FOREVER (crying emoji).

“Everyday I wake up thankful to the Lord that I have you in my life. I love you so much. Thank you for all my cuddles and kisses (red heart emoji).” 


May mga fans na bumati at nagbigay ng mensahe sa couple, bukod pa sa kanilang celebrity friends, and personalities na makikita sa comment section.


“Happy anniversary, love love for the both of you,” sey ng social media personality na si Zeinab Harake.


“I’m so happy to see you now Yass, expressing your genuine Love and JOY to someone that you are with at this time, you and Gov. (Luigi) were lucky for each other,” sabi naman ng isang fan.


Hula naman ng isang netizen na ang vlog na gagawin ni Yassi ay para i-announce na may naganap na engagement sa kanilang trip.


Sey nito, “You said ‘Yes’, didn’t you? (Happy for you Yassss and congratulations to you both, (wedding bells) Bubby for me, the hints are clear, just waiting for the vlog (heart and fire emoji).”


Nu’ng August last year lamang umingay ang relasyon ng actress at ng politician nang kumpirmahin ng actress ang hiwalayan nila ng kanyang ex-fiancé na si Jon Semira.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 20, 2024



Showbiz news

After four long years, muling nakita at nakasama ni Dennis Padilla ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ng dating live-in partner niyang si Linda Marie Gorton na nakabase na sa Australia.


Sa Instagram (IG) nu'ng September 13, 2024, ibinahagi ni Dennis ang larawan nila ni Maddie at ng isa pang anak na si Gavin na nilagyan niya ng madamdaming caption.  

Ikinatuwa naman ng mga followers ng aktor na malamang miss na miss at mahal na mahal niya ang mga anak kay Linda na 12 yrs. niyang nakarelasyon.


Ngunit tila nabahiran na naman ang imahe ni Dennis bilang ama dahil sa pahayag ni Linda bilang sagot sa mga dating sinabi ng aktor na nagtatrabaho siya nang husto dahil 'madugong' magpadala ng pera sa dalawang anak niya sa Australia.


Sabi ni Dennis sa isang dating panayam, “Yes, maayos naman, maganda naman ‘yung co-parenting arrangement namin, and regular ko naman silang nakakausap ng video call.

“For the past three and a half years, du’n na sila nakatira, so medyo madugo ang labanan, child support. Mahal ang dolyar, eh, child support tayo, Australian dollars din.


“Awa ng Diyos, I am able to support and I am able to send their monthly child support.”

Nang mahingan ng pahayag si Linda, sinabi nitong hindi consistent ang pagbibigay ng financial support ni Dennis para sa kanilang mga anak. 


Ayon sa ex-partner ng aktor, “This post is to clarify some things the father of my kids, Gavin and Maddie, said in an interview not long ago and what circulated around social media at that time.


“First of all, consistency in child support wasn’t always the case. Through the years there were many lapses in between.



“And many times I had to, and still have to persistently ask for it kasi kung papabayaan ko, matagal at kulang-kulang ang padala.


“Because I also work here, ako ang nagpuno sa mga pagkukulang na ‘yun.

“I don’t know what “madugo” meant in his statement when this is what was more or less the normal expenses for the kids, even back then when we were still living together."


Idiniin din nitong kung tutuusin, maliit talaga ang suportang ibinibigay ni Dennis sa mga anak kung ibabase sa mataas na gastusin nila sa Australia. 


Mabuti na nga lang daw at sa public schools lang nag-aaral ang kanilang mga anak kaya walang tuition fee. 


Bukod kina Gavin at Maddie, may isa pang anak si Linda bago pa sila nagsama ni Dennis, si AC. Kaya naman malaking tulong daw ang financial support, lalo na’t mahirap ang magpalaki ng tatlong anak sa Australia.


Samantala, gusto ring klaruhin ni Linda na wala silang usapan ni Dennis tungkol sa co-parenting noong naghiwalay sila last 2020.


“Secondly, we don’t have a co-parenting setup because since we parted ways in July of 2020, we never had a formal conversation about our separation and how we will raise our kids. Basta nakakausap n’ya lang ang mga bata.”


Sa huli, nilinaw ni Linda na ang hiwalayan nila ni Dennis ay hindi tungkol sa pera.

“Lastly, why Dennis and I separated goes beyond ‘hindi pagkakaintindihan’. It was never about financial problems.


“I stayed with him for almost twelve years, mayroon man kami o walang pera. I stayed for him and I stayed for the kids because I wanted a complete family for all of us.


“But just like most things in life, you can’t have everything you want. In the end, if there were many new things that he learned in life just like he said, so I did,” pagtatapos pa ni Linda Gorton.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 12, 2024



Showbiz news

Wala man sa local showbiz, mukhang sa pagiging sikat na modelo mauuwi ang anak ni Patricia Javier na si Robert Douglas Walcher IV, na itinanghal na Mr. Teen International 2023 sa Thailand at kinilala bilang isa sa mga modelo ng U.S.-based Filipino-American designer na si Kenneth Barlis.


Hindi pa rito nagtatapos ang journey ni Robert dahil pupunta siya sa Paris, France sa susunod na buwan kasama ang kanyang pamilya — ang kanyang Mommy Patricia, Daddy Robert Douglas Walcher, at ang kanilang bunso na si Ryan — dahil rarampa siya sa Paris Fashion Week sa Oktubre 4, 2024.


Robert Walcher IV / IG

Sa interbyu kay Patricia, “He’s always working out, eating healthy food, and busy rehearsing his runway walk. He’s very excited kasi first time n’yang makakasali sa Paris Fashion Week at makakasama niya ang iba’t ibang mga modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” pagmamalaki ng aktres sa kanyang panganay.


Dagdag pa niya, “The event is two days only, but we are joining him—my husband Dr. Rob and our youngest son Ryan. Wala namang conflict sa school nila dahil semestral break kaya we can all go, parang family vacation na rin. 


“We are flying to France on October 1 and we will celebrate the 13th birthday of Ryan there. He’s turning 13 on October 2.”


Ayon kay Patricia, sinusulit lang ni Robert IV ang panahon nito bilang ramp model dahil ang pag-aaral pa rin ang pangunahing priority ng kanyang anak, ang makapagtapos ng college course at kumuha ng kurso gaya ng sa ama na isang chiropractor.


Robert Walcher IV

“Robert is serious with his studies. After high school, he will take a pre-med course. Four years ‘yun then another four years for his chiropractic degree in the USA. Pero sinabi ni Robert na gagawin n’ya ang lahat habang nandito s’ya sa Pilipinas, tatanggap pa rin siya ng mga TV guesting, modelling stints, at product endorsements. 


“Madalas din s’yang imbitahan na judge sa mga beauty pageants. Saka tinutulungan nila ako ni Ryan sa mga community charity work ko, like Balik-Eskuwela,” pahayag ni Patricia Javier.



Pagkatapos ng kanilang 12 taong relasyon, ikinasal na rin ang TV at movie personality na si Kaladkaren (Jervi Li) sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson. 


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) post noong Setyembre 9, 2024, inanunsiyo ni Kaladkaren ang kanilang kasal noong Setyembre 8 sa ceremonial county ng Scarborough, North Yorkshire sa England.


Lahad niya, “The Wrightsons. 8th of September 2024. Wedding in the clouds.”

Kaugnay ng kanyang post, pangarap daw sana nina Kaladkaren at Luke na isang “sunny day” ang kanilang kasal, pero biglang naging “cloudy” at halos wala nang makita dahil foggy ang paligid. 


Sa kabila nito, naging masaya pa rin si Kaladkaren na pakiramdam niya ay siya ang pinakamasuwerteng babae dahil pinakasalan niya ang “love of my life” niya.

Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram (IG) noong Setyembre 9, 2020.


Mensahe ni Kaladkaren sa caption, “The man of my dreams asked me to marry him in our own little balcony. It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters.”


Nagkaroon naman ng second proposal si Luke kay Kaladkaren noong Hulyo 25, 2024. Sa IG noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.


Maramdamin ang kanyang mensahe sa caption, “Proposal 2.0!!! (crying in tears emojis) Heart is full, hand is heavy! [ring emoji] #TheWrightsons. Luke and I got engaged in the middle of the pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now. 


“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli s’yang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu. Worth the wait! You make me the happiest, my love!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page