top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | Nov. 23, 2024



Photo: NU at La Salle - Shakey’s Super League


Laro ngayong Linggo – Rizal Memorial

1:00 PM UST vs. FEU (para 3rd) 5:00 PM NU vs. DLSU (Finals #2)


Pumili ng tamang panahon ang National University na ipatikim sa De La Salle University ang kanilang unang talo sa Game One ng seryeng best-of-three para sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.


Tatlong set lang ang kinailangan ng Lady Bulldogs – 25-16, 25-12 at 27-25 – at maaaring iuwi na ang tropeo ngayong Linggo. Agad nagtrabaho ang subok na tambalan nina Bella Belen at Alyssa Solomon at sinamahan ni Evangeline Alingsud at para makuha ang unang set.


Sinubukang bumawi ang Lady Spikers sa likod ng mga reserba subalit markado ng mga mahabang rally ang pangalawang set na pumabor muli sa NU. Nagsilbing liwanag para sa DLSU si Shevana Laput at mag-isa niyang sinubukan maahon ang koponan. Sa huli ay patuloy pa rin ang mga atake nina Belen at Solomon sa dikdikang pangatlong set.


Nanguna para sa Lady Bulldogs si Solomon na may 14, pito nito sa pangatlong set. Sumuporta si Belen na may 10 at Alinsug na may pito. Si Laput ang tanging Lady Spiker na may 14 at hinanap ang suporta ng kakampi. Nalimitahan si Angel Canino sa walong puntos lang. Maliban sa Game Two sa Linggo sa parehong palaruan, maghaharap ang University of Santo Tomas at Far Eastern University para sa pangatlong puwesto simula 1:00 ng hapon. Kung kailangan, ang Game Three ay sa Disyembre

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Nov. 22, 2024



Photo: Brownlee at Kai Sotto - FIBA Asia Cup / Instagram


Mga laro ngayong Linggo – MOA

7:30 PM Hong Kong vs. Pilipinas


Inalis ng Gilas Pilipinas ang sumpa ng Aotearoa New Zealand, 93-89, sa MOA Arena Huwebes ng gabi sa pagpapatuloy ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifers Grupo B. Ito ang unang tagumpay ng mga Pinoy sa Tall Blacks matapos ang apat na pagkikita sa mga palaro ng FIBA mula pa noong 2016.


Nagsanib-pwersa sina Chris Newsome, Scottie Thompson, Kai Sotto, Justin Brownlee at Carl Tamayo para sa 16 walang-sagot na puntos at itayo ang 72-60 bentahe bago magsara ang pangatlong quarter.


Naging sapat ito at inalagaan ito ng mabuti sa gitna ng mga tangkang bumalik ng New Zealand sa mga napapanahong buslo nina Brownlee, Sotto at Dwight Ramos. Walas matimbang sa dalawang free throw ni Brownlee na sinundan ng pandiin na tres ni Newsome para lumaki sa 91-84 ang agwat at 1:09 sa orasan.


Kahit biglang uminit ang dating Converge import Tom Vodanovich, agad nabura ito ng apat na paniguradong free throw ni Brownlee, 93-89.


Halimaw si Brownlee sa kanyang 28 puntos at 11 rebound. Double-double din si Sotto na 19 at 10 reboud habang 12 si Thompson at tig-11 sina Newsome at Ramos. Sa bihirang pagkakataon na mas matangkad ang mga Pinoy kumpara sa kalaro, dinala ng Tall Blacks ang laro sa labas at bumomba ng 10 tres pero tabla pa rin matapos ang unang half, 45-45.


Nakalaro si Sotto at nabigyan ng pahintulot matapos maumpog ang ulo habang naglalaro sa Japan at hindi siya nag-aksaya ng panahon at labanan ang mga higante ng bisita.


Susunod para sa Gilas ang pagdalaw ng Hong Kong ngayong Linggo sa parehong palaruan. Madaling iniligpit ng mga bumisitang Pinoy ang Hong Kong, 94-64, sa unang nilang tapatan noong Pebrero 22 sa Tsuen Wan Stadium.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Nov. 17, 2024



Photo: Philippine Women’s Futsal National Team


Mga laro ngayong Linggo – Philsports

4 PM Myanmar vs. Vietnam 7 PM Thailand vs. Pilipinas


Naniniwala ang beteranong coach ng Philippine Women’s Futsal National Team na hindi sukatan ng lakas ang FIFA Futsal World Ranking. Patutunayan ito ni Coach Vic Hermans at ng Pinay 5 ngayong Linggo pagharap nila sa paboritong Thailand sa ikalawang araw ng ASEAN Women’s Futsal Championship 2024 sa Philsports Arena simula 7:00 ng gabi.


Ayon kay Coach Hermans, pinapaboran ng sistema ang mga bansa na mas marami ang nilalarong torneo o kahit friendly. Sa mga nakalipas na taon, mabibilang lang ang mga laro ng Pinay 5 sa dalawang friendly laban sa Guam at isang maikling torneo kasama ang Indonesia at Aotearoa New Zealand.


Malaking hamon ang hatid ng mga Thai na #6 sa buong mundo kumpara sa #59 Pilipinas. Subalit masasabi na alam na alam ni Coach Hermans ang Thailand dahil nahawakan niya ito noon at nagabayan sa ilang kampeonato sa Timog Silangang Asya.


Nanatiling matatag si Coach Hermans sa kanyang patakaran sa pagpili ng manlalaro at mas gusto niya ang mga makakapagbigay ng sapat na panahon. Dahil dito, karamihan ng Pinay 5 ay galing sa mga paaralan at mga club sa Pilipinas.


May ilang mga matunog na pangalan galing sa Women’s Football Team Filipinas na nagsubok na maging bahagi ng Pinay 5.


Sa huli ay hindi sila naisama dahil maliban sa malayo ang pagkakaiba ng Football sa Futsal, naroon ang tanong kung ipapahiram sila ng matagal ng kanilang club sa pambansang koponan. Mahalaga talaga ang panahon at pagsapit ng Mayo ay kakailanganin na ng Pinay 5 ang 100% pagtutok ng mga manlalaro hanggang FIFA Women’s Futsal World Cup sa Nob. 21, 2025.


Nilinaw na ang 16 na maglalaro ngayon ay hindi nakakatiyak sa World Cup. Maghaharap ang Myanmar at Vietnam sa unang laro ng 4 p.m. Tinatapos ang laban ng Pinay 5 at Myanmar Sabado ng gabi.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page