Plantasyon ng damo, ni-raid

June 22, 2020

ISABELA — Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Quezon.

 

Ang sinalakay ay ang plantasyon ng marijuana sa Sitio Dat-Ayan, Bgy. Minagbag sa naturang bayan.

 

Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na may mga nakatanim na marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.

 

Kaagad sinira at sinunog ng mga awtoridad ang mga tanim na marijuana na hindi pa batid ang halaga.

 

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang nagmamay-ari ng nasabing plantasyon ng marijuana.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.