top of page
Search
  • Socrates Magnus

2 beses napanaginipan si Nazareno, pahiwatig na maliligtas sa COVID-19

Salaminin natin ang panaginip ni Tita na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na nasa tapat ng bahay namin si Señor Nazareno. Hindi ko naman aktuwal na nakita, pero alam ko sa panaginip ko na nasa tapat siya ng bahay namin.

Sumunod araw, napanaginipan ko ulit ang Nazareno na nandu’n ulit at may nagdaan na libing dahil may namatay. Medyo natatakot ako sa panaginip ko, ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Tita

Sa iyo Tita,

Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, wala nang inililibing tulad noon na inihahatid ng mga tao sa sementeryo. Ang libing ngayon ay hindi na idinaraan sa parang prusisyon, kumbaga, direkta na kung saang puntod ililibing.

Kaya ang iyong panaginip ay symbolical, na ang ibig lang sabihin ay marami ang namamatay, as in, sa panahon ngayon, ang bida ay si Kamatayan.

Sino naman ba ang puwedeng sabihing kontrabida kay Kamatayan? Sino pa nga ba, kundi ang Diyos na nagbibigay-buhay. Pero si God ay hindi nakikita, sabi nga sa nakasulat sa Sagradong Aklat, “Walang nakakita kahit kailan kay God.”

Pero maraming bagay na ang inilalarawan ay si God na nagliligtas. Isa na rito si Señor Nazareno dahil Siya ang tagapagligtas ng lahat ng nananalig o naniniwala sa Kanya.

Sa ganitong katotohanan, ang iyong panaginip ay nagsasabing ikaw ay maliligtas sa kinatatakutan mong COVID-19.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page