top of page
Search
  • Ronalyn Seminiano Reonico

Vice, tumulong sa 850 pamilya sa Quezon City

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Tahimik lang si Vice Ganda sa social media at wala siyang ipino-post na pagtulong sa mga nangangailangan ngayong nahaharap tayo sa krisis na dulot ng Coronavirus.

Pero hindi man niya ipinangangalandakan sa socmed, nakakatuwa ang ipinost ni MJ Felipe sa Twitter na series of photos kung saan makikita ang isang truck na naglalaman ng napakaraming relief goods.

Caption ni MJ sa naturang post, “LOOK: Vice Ganda had a post-birthday celebration by handling food packs to 850 families in two barangays in Quezon City – Barangay South Triangle and Barangay Paligsahan. Each pack contains canned goods, rice, noodles, soaps, and other essential items.”

Komento tuloy ng mga netizens…

“Lagi nilang sinasabing yestoshutdown ABS-CBN, pero mostly, artists ng ABS-CBN ang nakakatulong sa mga naaapektuhan ng anumang kalamidad or krisis sa ating bansa.”

“Sana, lahat ng talents ng ABS-CBN, gayahin si Vice, birthday man o hindi para kahit papaano, mabawasan po ang nagugutom sa Metro Manila, instead of tweeting negativity about what’s happening amidst this pandemic.”

“Sikreto lang pero malupit, I love you, Meme.”

Kung titingnan ang socmed account ni Vice, ang latest post lang niya sa Twitter ay “Gobyerno at pangkaraniwang mamamayang Pilipino, sama-sama. Magtulungan tayo. Kaya natin ‘to.”

Sinang-ayunan naman ito ng ibang netizens at anila, “Yes! It’s how some people don’t follow! The government is trying its hardest! NO COUNTRY IS PREPARED FOR THIS! I can attest to that 'coz I’m in a different part of ASIA and PH government took action before we did in here! The difference is, we have better citizens. COOPERATE!”

“Tama! COVID-19 ang kalaban, hindi si President Duterte.”

Samantala, ‘kaloka lang na ang komento ng isang netizen ay gumawa ng panibagong thread.

Sey ng netizen, “Ganito dapat. Kayo po talagang mga artista ang dapat maging ehemplo ng pagkakaisa. Wala po dapat pinapanigan para po ang mga kaisipan ng mga Pilipino, ma-encourage at maging instrument kayo. Boses para maintindihan ng lahat.”

Binanggit naman ng isa pang netizen sina Maris Racal at Kim Chiu sa naturang komento at aniya, “@MissMarisRacal @prinsesachinita and other memas left the group.”

Pagsang-ayon naman ng isa pang netizen, “They are just expressing themselves daw. Kaya okey lang mambatikos. Akala mo ang husay sa batas. Akala nila madali lang ang ginagawa ng pangulo.”

Nag-post din kasi kamakailan si Kim tungkol sa gobyerno.

Aniya, “Like what????!!!! ‘Yoko na!!!! Ang hirap sa Ph govt., ‘pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa, mas nakakataas ang makakabangga mo, ‘pag gumawa ka ng hindi mabuti, kaming mga netizens lang ang kalaban mo at ang nakakataas ay (mouth zipped emoji).”

Maging si Maris ay may hanash din sa pamahalaan.

Aniya, “REMOVE YOUR ROSE COLORED GLASSES, BANSA NATIN AY DUGUAN NA.

“Positive na sukang-suka na sa government. Good people are outnumbered.”

Sa totoo lang, tama naman si Vice. Kung magtutulungan ang LAHAT at kakalimutan ang pansariling kapakanan, sama-sama nating malalagpasan ang krisis na ‘to. Kalimutan na natin ang usaping pro o anti-Duterte dahil pramis, hindi ‘yan makakatulong.

♥♥♥

Final answer…

Maymay, kinumpirmang hanggang bespren na lang sila ni Edward

Nag-post si Maymay Entrata sa Instagram ng tungkol sa status at real score nila ng onscreen partner at ka-love team niyang si Edward Barber (MayWard).

Aniya, “Dear MayWard Family, sa loob po ng tatlong taon na nandito ang MayWard, nakita n’yo po at narinig n’yo mula mismo sa aming dalawa, ang tunay na nararamdaman namin para sa isa’t isa.

“Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship.

“Sana po ay maintindihan n’yo po kami. Patuloy naming inaalagaan ang isa’t isa at ang relasyon namin bilang magkaibigan. Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po naming na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young, and there is so much more we still want to achieve in our lives.

“We both agree there is no need to rush into anything. This means not having a romantic relationship between us at this point. Pareho po naming na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us. Mas komportable kaming makakapagtrabaho. Wala pong pagbabago. Kami pa rin ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with, than each other.

“Ipinapanalangin po namin ang inyong suporta, respeto at pagmamahal sa amin, pati na sa aming pamilya at mga kaibigan.

“Maraming salamat po, stay safe and God bless everyone. We love you.

“Mayward.”

Lalo namang bumuhos ang suporta ng mga MayWard fans at nagpahayag ng kani-kanyang pagmamahal sa dalawang Kapamilya artists kaya mabilis nag-trending sa Twitter ang naturang post ni Maymay. And as of this writing ay umabot na sa 9,527 tweets ang “Maymay.”

♥♥♥

Ikinatuwa rin ng maraming netizens ang pagtulong ni Bea Alonzo sa mga frontliners.

Nag-post si Bea sa Instagram ng series of photos kung saan makikita ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng face shields at galun-galong alcohol.

Aniya, “So yesterday, we decided to create face shields for the frontliners. Thank you @luckycathy_binag for donating 2,000 raw materials and also for donating 100 gallons of ethyl alcohol.

“It’s hump day for I AM HOPE ORG. today because it’s our first REPACKING DAY at our headquarters!

“Maliit na tulong ito kumpara sa ginagawa para sa atin ng ating magigiting na mga frontliners!

“OUR REAL HEROES. Let’s go!”

Kabilang sina Angel Locsin, Dimples Romana, Vice Ganda, atbp. artista sa mga nagkomento ng clapping at heart emojis sa naturang post ni Bea.

Komento naman ng ilang netizens: “Thank you, Bea for supporting our frontliners. ‘Yung mga ibang artista, puro pambabatikos lang ang ginagawa. Makatulong lang nang konti, akala mo na kung sinong magaling at matalino sa pamamalakad sa gobyerno. Mabuhay ka! At sa mga artistang tumutulong na bukal sa kanilang kalooban.”

“Okay ‘yan, idol. Kesa sa iba na puro puna, sayang ang ganda.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page