top of page
Search
  • BULGAR

Bomba natagpuan ng lolo

Iloilo—Isang bomba ang natagpuan ng isang lolo kamakalawa sa Bgy. Q. Abeto, Mandurriao.

Ang bomba ay natagpuan ni Ortencio Malones sa loob ng kanyang bakuran.

Ayon kay Malones, naghuhukay siya sa kanyang bakuran nang matagpuan niya ang bomba kaya agad niya itong ini-report sa mga awtoridad.

Nabatid na isang uri ng mortar bomb ang natagpuan ni Malones sa kanyang bakuran.

Sa kasalukuyan ang bomba ay nasa pangangalaga na ng Explosive and Ordnance Division Team ng pulisya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page