top of page
Search
  • Thea Janica Teh

SM sa gitna ng krisis, sagot ang mga empleyado at health workers


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Sa hinaharap na krisis na sanhi ng COVID-19, ang kapakanan ng mga empleyado ay pangunahing layunin ng SM.

Sa panahon ng Enhanced Community Quarantine mula March 17 hanggang April 12, 2020, ang mga empleyado ay makakatanggap ng kanilang karampatang sahod. Hindi rin mababawasan ang kanilang Vacation at Sick Leaves.

Ang mga Rank and File hanggang Department Managers na patuloy na nagtatrabaho sa mga bukas na tindahan sa lugar na apektado ng quarantine at doon sa mga bumubuo ng skeletal force na mahalaga o “crucial” sa pagpapatakbo ng negosyo ay bibigyan ng karampatang premium pay.

Nagbigay rin ng tulong ang SM sa mga kawani ng mga kumpanyang patuloy na nagseserbisyo sa SM katulad ng mga security guard at janitor. Hindi lang ‘yan, may pahatid tulong din ito sa mga promodizer.

“Sa panahon ng pagsubok na ating kinakaharap, kailangan nating pahalagahan ang ating frontliners at ibigay ang kanilang pangangailangan upang maprotektahan sila at ang kanilang pamilya, nang patuloy silang makapagsilbi sa ating komunidad,” pahayag ni Hans Sy na kumakatawan sa pamilyang Sy.

Ang SM Group ay nag-allocate din ng P100M tulong para sa protective equipment, testing kits, disinfectant, para sa mga health workers.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page