top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Tubig-ulan, napakinabangan sa programa ng Maynilad


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ipinatayo kamakailan ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang isang rainwater harvesting facility sa Putatan Elementary School sa Muntinlupa City.

Ang programang ito ay bilang suporta sa kampanya ng gobyerno na mag-imbak ng tubig-ulan bilang alternatibong pagkukuhanan ng tubig. Nagpatayo ang Maynilad ng 700-liter-capacity rainwater harvesting system sa nasabing paaralan para magamit sa non-drinking purposes tulad nang pagdidilig ng mga halaman sa hardin o pag-flush ng mga inidoro sa palikuran.

Sa larawan, isang estudyante mula sa Putatan Elementary School ang makikitang umiigib ng tubig mula sa reservoir para ipandilig ng halaman sa school garden.

“Dahil sa kasalukuyang kakulangan sa tubig, ang pagkakaroon ng rainwater harvesting system ay makatutulong para madagdagan ang tubig na maaaring magamit sa pang-araw-araw na gawain ng mga consumers,” ani Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez.

Ang programang rainwater harvesting ay suportado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at ng Department of Education.

****

Pagtatama sa artikulo noong February 24, 2020 tungkol sa home loan ng Pag-IBIG Fund. Ang inilabas na home loan ng Pag-IBIG Fund noong taong 2019 ay Php86.74 bilyon at HINDI Php87.74 bilyon. Maraming salamat po!

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page